Chapter 13

44 13 8
                                    

S T E F F

Tila hindi ko na maramdaman ang mga damo sa paglalakad dahil sa dami nang nagkalat na pahina ng libro sa lupa. Kahit saan man ako lumingon ay nakakalat sila. Para silang itinapon mula sa langit at nagsilbi kong hagdan papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan ako papunta, pero hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Kahit anong emosyon ay wala.

"Napapagod na ako.." napahiga ako sa isang malawak na pahina kung saan ko itiningala ang paglubog ng sikat ng araw. Nakakatawa dahil ang mundong ginagalawan ko ay parang gawa ng isang pintor, para akong nasa mundo na tanging sa mga pelikula't utak lamang ng mga bata mo makikita.

Ang araw ay isang simpleng bilog na unti-unting natutunaw at bumababa sa parang bulak na ulap. Kahit ang mga bituin na isa-isa nang lumalabas ay isa lamang mga butones sa itaas. At wala pang ilang segundo nang makita ko na ang haring buwan, tulad ko'y nag-iisa sya sa napakalawak na langit.

"Kamusta ka na naman dyan?" nagawa kong kausapin ito habang nanatiling nakahiga sa isang malaking pahina. Nag-iintay ng sagot mula sa bilog na bagay sa langit nang makarinig ako ng isang kanta. 

You're the one who brought the morning dawn to my eternal nights with no end to be seen...

"Huh?" Kusang bumangon ang katawan ko para sundan iyon. Lumingon ako kanan at kaliwa pero wala akong naaninag na tao. Sa matagal ko ding  paglalakakbay mag-isa dito ay ito ang unang beses kong makarinig ng ibang tunog. Tanging ako lamang at ang maingay na paglipat lamang ng mga papel ang naririnig ko, pero ngayon hindi na.

Sa pagsunod ay napatigil ako sa isang pulang librong nakatayo mag-isa. Nag-iisa ito sa dulo at walang ibang plibrong nakapalibot. Hindi ko alam kung bakit habang tinitigan ko ito ay may ilang luha ang tumulo mula sa mata ko, eto ang unang pagkakataon kong nakadama ng lungkot. Hindi ko mapigilan, hindi ko mapigilan dahil sa parang may kirot sa puso ko na di ko alam ang dahilan.

Nasa mismong libro ba ang sagot? Sa oras ba na buksan ko ito ay mahahanap ko na ang saya?

Will you let me hold your hand now?

Unti-unti kong ibinukas ang mata habang naririnig ang kung anong makina sa kaliwa ko. Nakapako ako sa isang malambot na kama, silaw na silaw mula sa ilaw sa itaas at ilang beses kong kinurap kurap ang mata bago ako makaaninag ng dalawang babae. 

Nag-uusap sila ng bigla silang mapalingon sakin. At parang kidlat na lumapit ang isa sa kanila.

"Anak?! Doc! Doc!" naiiyak na sabi ng kulot na babae. Niyakap ako't naramdaman ko na lang ang pagkabasa ng balikat ko. Nakita ko din ang pagdating ng mga nakaputing babae't lalaking papunta sa kwarto. Dali dali nila akong nilapitan.

Hindi ko alam ang nangyayari..

"S-sino po kayo?" tanong ko. Napaalis ito sa pagkakayakap sa akin at nang magkasalubong kami ng mata ay para akong mahuhulog sa lungkot nito.

"Hindi mo ko kilala? Ako 'to ang mama mo! Mama mo ko.." umiiyak ito habang itinuturo ang sarili ng paulit-ulit. Paulit-ulit na parang ang sarili nyang darili ang nasaksak sa kanya. Kaagad naman syang niyakap ng isa pang babae sa likod habang tinitigan ako.

"Nasaan ba ak--"

Bigla akong napatigil sa pagdating ng isang binata. Kasabay ng paglakad nya papunta sa pwesto ko ay ang pagbitaw nito sa kanyang hawak-hawak na plastic bag. Tulad ng ginawa ng babae kanina ay mabilis nya akong hinahawakan sa kamay at hinalikan ito.

"B-uu-tii na--ma- at g-gis-i-ng ka n-a.." naiiyak nitong sabi bago haplusin ang buhok ko pero agad ko syang tinapunan ng tingin at inalis ang mga kamay nya doon.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha nya ng gawin ko iyon.

"S-sorry, pero di kita kilala." sabi ko. Nakita ko kung paano nya igalaw ang mga kamay na para bang may gustong sabihin sa akin pero wala akong maintindihan. Kahit sino at kahit ano ay wala akong matandaan!

Pinanuod ko ang unti-unti nyang pag-atras sa harap ko, pilit na humihikbi habang nadadaanan ang ilang prutas sa sahig.

"Aray! Ah!"

Nakaramdam ako ng kirot sa ulo. Kaagad ko iyong hinawakan at ilang benda ang nahawakan ko sa itaas.

"Anong gagawin nyo?!" lumapit ang isang nurse sa akin at kusa nyang ibinaba ang kamay ko sa pagkakahawak. May inilabas namang malaking karayom ang nasa gilid nito.

"Tulungan nyo ko!!" napatingin ako sa tatlong taong nasa dulo ng kwarto pero nanatili lamang silang malungkot habang pinapanuod ako.

"T-tulon..." unti-unti kong naramdaman ang pagbaon ng karayom sa braso ko. Nahihilo ako't sumasabay ang sakit ng dibdib sa kung anong dahilan. Bago tuluyang kainin ng dilim ay huling kong naaninag ang madaming bulaklak sa gilid ko't rinig ang paghikbi ng ilang tao sa loob.

Sino ako?

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon