Chapter 9

72 20 18
                                    

I can still remember kung paano ko sya nakilala. We've met by accident, nakita ko sya noon sa bookstore na hawak hawak ang braso't iniinda ang sakit pagkatapos mahulog sa pagkakaakyat sa hagdan, pero mas gugustuhin kong makita iyon nang paulit-ulit kumpara sa nangyayari ngayon. Everything is now ruined.

Steff!

Nakapalibot na mga tao, pagkalat ng dugo sa gitna ng kalsada kasama ang binigay ko sa kanyang bulaklak na gawa sa papel habang ako'y nanatiling tahimik kahit gusto kong isigaw ang pangalan nya't nakapatong ang ulo nito sa binti ko. I tried to speak her name ng paulit-ulit pero tanging unggol lamang ang nalabas sa bibig ko Naririnig ko na rin ang alingawngaw nang pagdating ng mga ambulansya't awtoridad.

I thought this will be perfect pero bakit dugo na ang nakikita kong nanalo ngayon? Bakit ganto?

"Grabe naman yan, jusko po!"

"Kawawa naman, tinakbuhan pa sya ng nakabunggo sa kanya.."

Tama ang mga naririnig ko mula sa mga taong nakikikumpol habang nakaupo ako sa kalsada't nakaalay sa walang malay na katawan ni Steff.

Malinaw na malinaw sakin kung paano unang bumagsak si Steff sa gitna ng daan bago sya gulungan ng isang kulay asul na kotse, pero imbis bumababa ang nagmamaneho't tignan ang nangyari'y bigla na lang yung humarurot sa pagtakbo.

"Please clear the area!" narinig ko na ang pagdating ng mga ambulansya't mabilis na pinaalis ang mga nagkukumpulang tao. Niligayan din nila ng kulay dilaw na harang ang paligid at ang paglapit ng ilang rescuer sa kung nasaan kami.

Nakapatong sa binti ko ang duguan nyang katawan nang lumuhod sakin ang isang rescuer, "Kami na po ang bahala sa kanya..." wala naman akong nagawa dahil sa alam kong mas ligtas si Steff sa kamay nila kaya maingat kong pinakawalan si Steff sa bisig ng mga dumating na rescuer.

Hindi ko inalis ang paningin sa kanya kahit, nilagyan na sya ng ilang aparato't pagkatapos ng ilang minutong pagchecheck sa vital signs ay agad nang ipinasok ang katawan nya sa ambulansya.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng paligid dahil sa nangyari. Ni hindi ko narin nagawang tumayo pa sa pagkakaupo sa kalsada dahil sa gulat. Pinagtitinginan parin ako ng ilang taong may mga tanong sa loob loob.

"We're here to gather some investigation, I am SP1. Aguilar..." may kung sino akong naramdamang lumapit sa akin at pilit akong kinausap pero wala akong pinakitang interest dahil sa di naman nila ako kayang maintindihan kahit na anong sabihin ko.

Inulit-ulit ng lalaking nakasuot ng kulay asul na uniporme ang pagkakakilala at itinapat ang id nito sa mukha ko. Alam kong pulis ka, di ako bingi't bulag!

"Kaano ano mo ang biktima?" he asked me habang punong puno ng dugo ang katawan ko.

I just gave them a glare habang may unti-unting tubig na humarang sa mga mata ko. Ang hapdi, ang kati, ang labo na ng paningin ko.

"Di ka ba sasagot?" mas tumaas ang boses ng pulis sa harap ko.

Alam kong hindi nya ako maiintindihan pero pinilit kong itapat ang kamay sa kanya para sagutin ang tanong nyang mas lalong nagpapasakit ng puso ko.

"She's my girlfriend..."

She's my girlfriend o kung ano ang tamang salitang sasakto sa naramdaman ko simula noong nakilala ko sya, basta ang alam ko lang ay mahal ko sya't ang pagmahahal ko mismo ang nagdulot ng aksidente sa kanya.

Hindi sya magiging miserable kung una palang ay hindi na ako nabuhay para maranasan ang pait ng mundo. Hindi ito mangyayari, kung nanatili na lamang alaala ang pagkabata naming dalawa.

Nakatatak na siguro sa kahit anong bato na hindi na ako sasaya, na kahit maramdaman lamang ang sinasabi nilang pagmamahal ay di man lang umabot ng isang buwan o higit pa.

Bakit ako? Bakit si Steff pa?

Kung nanatili lang sana ang takot sa sarili ko para iwasan ang salitang pag-ibig ay sigurado akong walang pulis na paulit-ulit akong kwinekwestyon tungkol sa nangyari. Ilang beses ko ding sinagot ang mga tanong nya sa paraang kaya ko pero bigla ko na lamang naramdaman ang ilang paglapit ng mga pulis sa akin.

Nagawa nilang magbulungan sa harap ko, ang iba ay nakatingin sa akin at itinaas baba ang mga mata.

"Bakit ka ulit nandito?"

"Espesyal ang araw na 'to, we have a date."

Hindi na espesyal, Epi. Hindi na.

Paano pa magiging espesyal ang gabi ko kung nakita kong nagulungan ng sasakyan ang taong mahal ko at mas lumapit ang pulis sa akin para hawakan ako't posasan.

"Anong ginagawa nyo?!"

Hindi ko na nagawang pumalag dahil sa isa lang ako at tatlong malalaking tao ang biglang kumandado ng kamay ko sa isang bakal. I even tried to shout pero walang nalabas na kung ano sa bibig ko para sabihing inosente ako sa nangyari.

Pinilit nila akong hilahin papunta sa isang kotse kung saan naririnig ko ang maingay na sirena't ang ilaw ng kulay pula at asul sa itaas ng noon.

Saan nyo ko dadalhin?!

Bago pilit na itulak ang katawan ko papasok ay nakita ko ang pag-alis ng ambulansya kung nasaan si Steff. Naaninag ko pa ang katawan nyang nakahiga sa stretcher at ang gulat ng ilang tao sa kumpulan sa biglaang pagdala sa akin ng mga pulis.

Ngayon naintindihan ko na ang kung bakit may mga taong di na kayang magtiwala sa mga naka-asul na unipormeng di man lang alam ang salitang batas.

Masyado na ata tayong nabulag sa mga salitang sila ang magtatanggol sa mga inapi pero kung tama iyon ay bakit ako nandito? Dapat ay hawak ko ang kamay ni Steff pero hindi, malamig na bakal ang pilit na humahalik sa mga balat ko.

"Sa presinto ka na lang magsalita.." sabi ng isang pulis bago nya simulang paganahin ang makina ng sasakyan at marinig na ang mas malakas na sirena nito.

Sa isang iglap ay mabilis nila akong inalis sa mismong lugar kung saan nangyari ang aksidente, malayong malayo sa hustisya't patas na paraan.

Habang nasa loob ay wala akong magawa dahil sa may dalawa pang nakatabi sa akin at pilit akong tinititigan, napahinga na lamang ako kasabay nang pagpikit ng mata at ang pagtulo ng ilang luhang kanina pa gustong makawala sa pagkakakulong.

"Kung kaya ko lang ipagtanggol ang sarili ko, gagawin ko para makasama ka lang. Kahit isang oras lang habang kasama ka ay susulitin ko nang sabihin kung gaano kita mahal. I am sorry if I am not with you tonight, but I promise na pupuntahan kita...pasensya dahil sa nagmahal ka ng katulad ko."

Sana'y naririnig mo ko, Steff.

If this is just a dream please wake me up, if this is just a part of a book where I am the protagonist, please someone rewrite the story to make it happy ending? Kahit iligtas mo lang si Steff at wag na ako.

Please, anyone?

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon