Chapter 16

18 6 6
                                    

Literal na naninigas ako sa kinatatayuan habang hawak hawak ko ang isang malaking guting. Nagmistula ring kidlat sa paningin ko ang bawat pagflash ng camera bago ko putulin ang pulang ribbon sa tapat.

It's finally open!

"Proud na proud ako sayo anak!" sabi ni Daddy habang ginugulo ang buhok kong sinuklay ko ng ilang beses.

"Daddy talaga!" sensyas ko. Hirap pa rin ako sa pagsasalita kaya mas komportable akong makipag-usap sa pagsisign language o di kaya'y pagsusulat.

Masyado rin kasi akong naging busy sa pag-aayos ng bookstore na inabot ng dalawang linggo at imbis tatlong beses sa isang linggo ang theraphy ko'y naging isa na lang.

"W-wel-com.." pinilit kong magsalita bago buksan ang glass door.

Kasabay ko ding pumasok ang ilang taong matagal na nag-intay pagkatapos isara ni Mr. Chapter ang bookstore.

Sa pagpasok ko sa loob ay hindi ako gumalaw malapit sa entrance at pinanuod lamang ang mga taong kumuha ng kani-kanilang orders sa counter, halos bilisan tuloy ni Romeo ang pagseserve at paggawa ng kape.

Samantalang si Juliet ay nag-aassist sa mga customer na inuna ang paghahanap ng na-miss nilang libro. Naglagay din pala ako ng mga upuan at mesa para sa mga taong preferred ang mga ganong posisyon sa pagbabasa.

Nakakatawa nga lang dahil sa parehas na nasa libro ang pinaka-main staff na tumulong sa akin. Pero hindi ko alam kung sa totoong buhay ay parehas sila sa kwento. Malay natin?

"Anak?" naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Daddy sa gilid ko. Nakasuot sya ng paborito nyang polo sa tuwing magdedate sila ni Mommy at ako? Simpleng puting sweater at dirty white na pantalon.

Sabi nila mukha daw akong anghel sa suot ko pero kaagad akong tumanggi dahil ang totoong anghel ay wala sa tabi ko. Oo, si Steff.

"P-po?" buka ng bibig ko.

"Nakausap ko si Chapter kanina, anak. Ang sabi nya buksan mo na daw ang case na ibinigay nya sayo.."

"Pero dad, ang sabi diba sa oras na tumuntong na ako sa counter? Kaya hahayaan ko munang nakasara yun."  sensyas ko bago galawin ang salamin sa mata.

"Bakit? Ngayon na ang tamang oras anak. Bakit hindi pa ngayon?"

"May iniintay pa po ako." hindi ko napigilang ngumiti ng ibaba ko ang kamay sa pagsensyas. Mukhang naintindihan naman iyon ni Daddy kaya napatungo sya sa sakin bago tapikin ang likod.

At alam kong alam nyo na tinutukoy ko. Yeah, si Steff.

Kahit na madaming nangyari sa aming dalawa sa nagdaang mga araw ay nanatili paring diretso ang pagtingin ko sa kanya. Araw-araw ay lagi ko syang kinakamusta.

How's your day?
Okay ka lang ba dyan?

Kahit na makukuha ko pa ang sagot nya bago matapos ang gabi o di kaya'y kinabukasan. 

Ginawa ko syang diary sa halos buong araw at handa akong maging buhusan nya ng sama ng loob sa matagal na panahon. Handa akong mag-intay ng buwan o taon para makwento ulit ang storya naming dalawa.

Nagpaalam muna ako kay Daddy para umakyat sa 2nd floor. Dire-diresto akong nagtungo sa hagdan para puntahan ang isang parte ng bookstore kung saan nagsimula ang lahat.

May mga nadaanan akong mga nagbabasa, ang iba ay nginingitian ako. May mga bata ding katulad ni Add na nakadapa sa malambot na unan habang nagbabasa ng mga fairytales at alamat.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon