Chapter 3

108 27 21
                                    

Wala na atang mas ikokomportable pa habang nakaupo ako sa isang sulok ng kwarto kasabay ang tunog ng malakas na ulan. I am currently reading a story na halos di ko matapos-tapos dahil sa haba, hindi rin kasi sya normal na istoryang mababasa mo sa kahit anong libro.

Sa isang chapter makakaencounter ka ng mystery, sa sunod ay death at hanggang sa maghalo halo na ang genre ng storya but it doesn't mean na wala ng sense ang libro. It is a story about a boy who lost himself because of love.

"Epi? Anak? Pagbuksan mo ako ng pinto." may umaagaw ng pansin ko, ang malakas na katok ni Mommy mula sa labas.

Kaagad ko namang ibinaba ang makapal na libro't dumiretso sa pintuan. Pagkabukas ay nandoon sya't may hawak ng isang platong pancake at mainit na kape. "Makakaintay naman ata ang libro mo anak, kumain ka muna." inabot nya ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

May unting lungkot na bumalot sa mata ni Mommy nang kuhain ko ang plato sa kanya, parang isang kwentong di pwedeng basahin ng kung sino.

"Okay-lang-po-ba-kayo?" sensyas ko ng kamay.

Mabilis namang umiling si Mommy sakin pero di parin ako kumbinsido sa sinagot nya. I know her, she's my mom.

"Anak, alam mo naman na natanda na kami ni Daddy mo diba?" bigla na namang lumungkot ang boses at mukha nito.

Tumango ako. Pinunasan ang ilang luha na tumulo na sa mata ni Mommy. Ayoko sa lahat na nakikitang malungkot ang mga magulang ko, nasasaktan ako.

I hugged her at alam ko na ang gusto nyang iparating.

Love.

"I know someone na kasing edad mo, she like's books too! B-bakit di mo subukang makipag-date, anak?" excited ang boses nya na parang itinutulak ako sa gusto nyang mangyari.

Mama naman?

"Ayoko lang kasing mag-isa ka sa oras na kuhain na kami ng itaas, you have no friends tanging ang libro lang ang kaharap mo araw-araw. . ."

"Natanda na kami ni Daddy mo, nak. Paano kung mawala na lang kami isang araw, paano ka?" at mas lalong bumuhos ang luha ni mama. Niyakap ko pa sya ng sobrang higpit at tinapik ang likod nya.

Kahit gusto kong umiyak ay pinipigilan ko. My mom's weakness and strength is me, naalala ko noon nung umuwi ako galing sa playground na puro galos ang katawan at di na ko makakita dahil sa suntok na ibinigay sakin ng ilang bata dahil sa kakaiba ako.

Nakita ko kung paano madurog ang puso ni Mommy na kahit samahan nya ako sa playground para maglaro ay walang nalapit sa akin. Sino ba naman ang gustong makipaglaro sa akin kung kahit magsabi ng "taya" ay di ko kaya.

Paano pa kaya kung darating ang pagkakataon na di ko masabi ang salitang 'Mahal kita' sa babaeng gusto ko.

Inalis ko ang mga braso kay Mama at humarap sa kanya.

"HUWAG-KA-NANG-UMIYAK-MA. AYOS-LANG-SI-EPI, POGI-POGI-NI-EPI-DIBA?" at nagpapogi ako sa harap nya para naman mabawasan ang lungkot ng mukha nya.

And I succeed. She laughed. Hinampas hampas nya pa ako sa braso habang unti-unting nahuhulog ang salamin nya sa mata, "Ikaw talaga puro biro ka! Ikaw talaga, Epi!" at napapaiwas ako dahil sa medyo nasakit na ang hampas nya sakin.

Pero di ko rin maiwasang isipin sa tuwing sasabihin nila Daddy na I need to have someone na mamahalin ako gaya ng pagmamahal nila sakin pero sino naman ang magkakagusto sakin, diba?

Alam ko ang hirap ng mga magulang ko habang pinapalaki ako. Madaming pangungutya ang tiniis nila sa akin, ilang beses na lumipat ng school dahil sa lagi akong nabubully noon at ayoko nang maulit yun.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon