Sa sobrang pagkadesperidao ay agad akong napatigil sa mismong information desk at agad nagsulat sa isang papel kung saan puno ng telephone numbers. Wala akong pakialam kung murahin ako ng ilang nurse dahil sa ginawa ko, ang gusto ko lang ay makita agad si Steff.
I need to see her.
"I have an apraxia, I cannot speak but where's Steff Row?" pilit kong hinahabol ang hininga ang habang pinapabasa sa isang lalaki nurse ang isinulat ko. Hindi na agad sya nagsayang ng ilang segundo dahil sa mabilis nyang pagbuklat ng ilang papel. Hula ko'y nandoon ang mga pangalan ng mga pasyente. Tumigil sya sa isang pahina at agad na nagsulat sa mismong papel na ibinigay ko.
"Steff Row-Room 201. 2nd floor, VIP." basa ko gamit sa mata. Bago umalis ay nagawa ko na lamang ngumiti ng pilit at nagsimula na akong magtatakbo. Imbis na sumakay sa elevator ay pumunta ako sa fire exit para akyatin ang second floor, pagkatapak doon ay bumungad sa akin ang isang malawak na hallway kung saan puno ng mga kwarto sa kahit anong parte.
Halos magkadapa-dapa na ako habang hinahanap sa malaking ospital ang kwarto kung nasaan si Steff. Nakalagpas na ako sa halos limang kwarto bago mapatigil dahil sa nakita ko mismo ang numerong ibinigay ng nurse sa akin kanina. Nakasulat din ang pangalan nya sa labas at hindi na ako nagdalawang isip na pumasok doon.
Steff Row
20 years oldNanlambot ang katawan ko nang sumalubong sa akin ang lamig ng kwarto kung saan ko nakitang nakaratay ang babaeng itinuring ko nang anghel. She saved my life sa lungkot na ipinaramdam sa akin ng mundo pero eto ako, mas lalong namamtay sa nakikita ko. Ang sakit.
Pinilit kong lumapit kung nasaan sya pero wala akong nakitang masayang ngiti. Ni wala ring masiglang bumanggit ng pangalan ko tulad ng ginagawa nya sakin noon.
Naging tahimik ang paligid nang makalapit na ako sa kanya.
"I-t-p.." kasabay sa pagpilit kong magsalita ay ang pagdampi ko sa kanyang kamay. Habang pinipisil ito ay di ko na napigilang maluha.
I can still remember noong unang beses ko syang nahawakan na para pa bang kasing lambot ng mga ulap ang kamay nya na ibang iba sa nakikita't nararamdamn ko ngayon.
Nadumihan na ng mga galos ang mga ito, nang tignan ko din ang kanang kamay ni Steff ay may dextrose nang nakasaksak doon. Kung pwede lang humilom ang mga sugat nito sa bawat pagtulo ng mga luha ko'y di ako magdadalawang isip na umiyak ng ilang galon para gumaling sya.
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil sa nangyaring aksidente kanina habang nakikita syang puno ng aparatong ang katawan.
Kung kaya ko lang galawin ang oras tulad sa mga librong nababasa ko at ako na lamang ang nasagasaan ng kotse ay handa akong gawin iyon para sa kanya. Hindi dapat sya ang nakaratay ngayon, hindi dapat sya natutulog sa isang bangungot na ako ng dahilan. Ako dapat, isa lamang akong walang kwentang taong di kayang magsalita.
Habang nakahawak sa kamay ni Steff ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. I turned my gaze at nakita ko sila Mommy kasama ang pamilyar na mukha na matandang babae.
"Mommy ni Steff, anak. Si Stella."
Kaagad akong naglakad sa kung nasaan ang nanay ni Steff at mabilis akong lumuhod sa tapat ng babaeng nakasuot ng puting bestida. Kita ko ang gulat nila Mommy habang pilit kong inihahalik ang mga tuhod sa malamig na semento. Napayuko ako't mas lalo naibuhos ang pagtulo ng aking luha.
Luha na ang tanging gustong iparating ay paumanhin. I am sorry..dahil sa ako ang minahal ng anak nyo.
Kung kaya lang nilang marinig ang nasa loob ko'y hindi nila mabibilang ang salitang nararamdaman ko. All I can do is to be sorry dahil kasalanan ko naman ang lahat.