Chapter 7

82 23 20
                                    

S T E F F

Sana naririnig ni Epi ang isang lalaking nakanta habang may hawak na gitara sa labas ng restong nadaanan ko. It's already 7:05 pm at late na late na ko sa oras na ibinigay ni Epi para kitain ko sya bookstore.

Naghanap rin ako ng magandang susuotin at naglagay lang naman ng unting make-up sa mukha, I can slay kahit na di na ako mag-ayos but Epi told me a while ago that I should wear something formal.

Of course, it's a date!

Gusto ko pa sanang pakinggan ang lalaking nasa 20's ang edad kaso baka wala nang nag-iintay sakin sa bookstore. Masyado na akong malelate ng 15 minutes at kailangan ko nang magmadali.

Pero nang makatapak na ako sa harap ng Chapter's Book Store ay agad napataas ang noo ko. Tinignan ko pa ang buong building habang nasa labas. All lights are off at may nakalagay ding 'Sorry we're close' sign sa glass door.

Ang alam ko ay mamaya pa silang 2 am magsasara dahil sa mas madaming tao ang prefer tumambay dito sa ganoong oras, pero bakit nakasara ito ngayon? At saan ko na naman hahagilapin si Epi?

Hays.

Napahinga tuloy ako ng malalim at napagdesisyunang tumayo na lang sa harap ng store, after 10 minutes at wala pa sya ay aalis na ako.

Hindi ko rin alam ang phone number ni Epi kaya dito na lang muna ako. Ano ba yan!

"Epi, nasaan ka na ba?" napapalingon ako sa magkabilaang dulo ng kalsada't puro mga kotse lang ang nakikita ko habang kinakagat ang pang-ibabang labi.

I'm wearing a pink floral dress habang may puting headband sa ulo at nilalamig na ako dahil sa medyo naninibago ako sa iksi nito but I need to wait, 2 mins palang akong nakatayo dito no!

I need to see him, I need to---

Napatigil ako bigla nang makita ko ang sariling anino dahil sa ilaw na biglang bumukas mula sa bookstore. Kaagad kong inikot ang sarili at napahawak ako bigla sa aking bibig dahil sa sobrang gulat.

There's a man na nakatayo sa loob ng shop na mismong katapat ko. Noong una ay di ko nakilala kung sino dahil sa suot na puting polo na naka-tack-in sa brown nyang pantalon. Naka-brush-up din ang buhok at may makaluma itong salamin sa mata.

"Epi?" Nanliit ang mata ko. Ang kaninang "Sorry we're close" na sign sa glass door ay inikot nya.

"We're open. Welcome!" basa ko dun sabay turo ni Epi sa puso nya. Pinipigilan ko ang kilig pero hindi ko na matago.

Habang nag-iinit ang pisnge ko'y iwinagayway nya ang kamay sa akin habang hawak nya sa kabilang kamay ang isang boquet. Ang pogi mo!

He opened the glass door at nakita ko ang malawak nyang ngiti. Parehas kaming nagpalitan ng matatamis na ngiti na para bang wala ng bukas bago ibigay ang hawak nya.

"Ginawa mo 'to?! A-ang ganda!" napabuka ang bibig ko nang makita ang isang boquet ng bulaklak na gawa sa mga pahina ng libro. Mabango din iyon nang itipat ko sa ilong, amoy rosas.

May napansin akong card at agad kong binasa ang nakasulat.

"Can I share a story with you?"

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon