Chapter 12

36 11 8
                                    

Halos hindi ko na mapagkasya ang pang-tatlongpung papel na bulaklak sa isang vase sa tabi ng higaan ni Steff. Ang papel na bulalak na sumisimbolo ng pagmamahal ko sa kanya.

At sa bawat araw na bibista ako para dalawin sya sa mahimbing na pagtulog ay lagi akong nagdadala ng isang bulaklak na pilit kong ginawa bago matapos ang gabi.

Pang-tatlongpu, tatlongpung araw na syang natutulog na parang isang prinsesa sa isang librong binasa sa akin ni Mommy, ang prinsesang gigising lamang dahil sa isang halik mula sa totoong pag-ibig. 

Pero hindi katulad ng mga pambatang istorya ang kwento naming dalawa, siguro? Oo? baka? Siguro ang tama lamang ay maaring umabot sa dami ng pahina ng libro ang araw kung kailan ko pa iintaying gumising ang babaeng pinakamamahal ko.

Pinilit kong isilid ang isang bulaklak sa pulang vase habang naniningkit ang mata. Narinig ko naman sa likod ang paglakad ni Mrs. Stella papunta sa pwesto ko, natatawa at halatang pinapanood ako sa ginagawa.

"Mukhang sasabog na yan iho! Hahaha. Sapat na ang tatlong bulaklak, sabi nga nila tatlo, simbolo ng salitang I love you, corny man pakinggan pero ganun din kasi ang ginawa ng Daddy ni Steff noong ka-edaran namin kayo." saktong pagtigil nya ay ang pagpasok ko ng bulaklak sa pulang bagay.

Totoo nga ang sabi nya, mukhang sasabog na ito dahil sa wala ng space para sa dadalhin ko bukas.

Kaagad kong nilingon si Mrs. Stella at halatang kinikilig dahil sa ikwinento nya. Namumula din ang mukha nito katulad ni Steff noong araw ng date namin, isang buwan na ang nakakalipas.

Ipinagpag ko ang mga kamay sa damit habang nakatingin kay Mrs. Stella.

"Wag ka nang magdala bukas, iho. Napakadami mo nang nagastos na papel at effort para dyaan." pagtuturo nya gamit ang nguso. Umiling naman ako at napangiti. Itinaas ang kamay para makipag-usap sa kanya.

"Gusto ko po kasing sa oras na magising na sya'y makakakita sya ng madaming bulaklak. Parang prinsesang gigising sa isang magandang lugar matapos pagpapahinga at isa pa, hindi nalalanta ang mga papel tulad ng pagmamahal ko sa kanya, tama ba? Mrs. Stella?"

Nagpalitan kami ng mga ngiti matapos nyang maintindihan ang sinabi ko pero ang totoo nyan ay sana, sana ito na ang huling beses akong maglalagay ng bulaklak sa masikip na vase. Sana sa susunod kong punta ay kamay na nya mismo ang makatanggap noon.

Humaba pa ng humaba ang kwentuhan namin ni Mrs. Stella at pinainom ng nagyeyelong lemonade mula sa maliit na ref sa dulo ng kwarto.  Pagkatapos noon ay agad na akong nagpaalam para sa susunod kong destinasyon.

"Babalik po ako mamaya, bago po siguro mag-sunset." sensyas ko. Bago isaklay ang backpack sa likod.

"Sige iho, mag-iingat ka. Pakisabihan narin si Mareng Krea na dalhan ako ng banana bread nya't wala na akong mahanap na kasing sarap ng luto nya." nakuha nya pang magbilin bago ako maglakad papunta sa pinto. Di ko pa napipihit ang doorknob ay sinulyapan ko muna si Steff at ngumiti.

Please wake-up..

Hindi naman ganun kainit ang panahon kaya't nagawa kong maglakad nang hindi nakabusangot ang mukha kumpara sa dati. Sinasanay ko din kasi ang sarili ko na ngumiti para sa oras na gumising si Steff ay ayun agad ang maibubungad ko.

Para akong baliw sa daan habang iba't ibang klaseng pagngiti ang ginagawa ko. Naka-smile habang binabanat ang labi, may labas ang ipin, at ang mahirap gawin ay ang ngumiting mawalan ng mata.

Hindi naman kasi ako ganun kasingkit katulad ni Steff pero malay ba natin kung ayun ang magustuhan ko. Sabi nila mas popogi daw ako, kung matuto akong ngumiti ng totoo.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon