Chapter 5

80 26 27
                                    

Dumating ako sa bahay na halos di mapinta ang emosyon sa mukha. Even Dad asked me if I am okay but I just answered him with a smile bago ikulong ang sarili sa kwarto.

Well I guess happy endings are just destined in books and me? tatanda nang binata kasama ang koleksyon kong mga libro.

"Epi!" someone knocked on my door and it is my dad. Mukhang hindi ata sya kombinsido sa isinagot kong ngiti sa kanya kanina. 

Kaagad ko iyong binuksan at humarap sa kanya na walang reaksyon ang mukha.

"Ayos ka lang ba talaga anak?" he looked worried habang nakikita ko sa salamin nya ang repleksyon ko.

Ang repleksyon ng isang malungkot na binata. May pagkahaba din ang balbas ni Daddy na unang kong napapansin lagi.

"Dad, do you believe in happy endings?" I signed bago huminga ng malalim.

"Hay, Oo naman anak, hindi lang sa kwento may ganun. Kung--- kung di yun totoo, dapat hindi ko makikilala ang Mama mo. Edi sana wala akong poging anak na kaharap ko ngayon! Oh diba? Ayos ba anak?"

He tried to enligthen the mood pero mas lalo lang akong nalungkot.

This is not the first time na naranasan kong maging malungkot dahil sa bababe but after I met Steff and talked to her sa halos ilang araw I thought happy ending is approaching me.

But I was wrong, maling mali.

Pagkatapos akong kamustahin ni Dad ay iniwan na nya ako sa kwarto not knowing the real reason kung bakit ako umuwing malungkot.

Ayoko rin kasing dumagdag pa sa iisipin nila. I can handle this, sana.

Para mawala si Steff sa utak ko'y sinubukan kong basahin ang librong di ko matapos tapos sa haba but everytime I flipped the other page ay naalala ko ang mukha nya noong inalok nya ako para sa isang handshake.

Nandoon din sa libro ang papel na ibinigay nya sakin kung saan nakasulat ang email address nya, nakabookmark ito, gaya ng pagtambay nya sa utak ko. And now, hindi ko na alam ang gagawin matapos kong makita si Steff na ihatid ng lalaki at halikan sya sa pisnge.

Mababaliw na ako.

"Pok!"

Kahit na lutang ang isip ay narinig ko parin ang batong tumama sa bintana ng kwarto ko. Umulit pa iyon ng dalawang beses at agad na akong tumayo sa tapat noon para silipin.

"Epi! Ako 'to!"

Paano nya nalaman ang address ko?

She kept on waving at me habang tinitigan ko sya labas. I wanted to replied her a smile pero nanatiling sarado ang utak ko para gawin iyon.

"Mag-usap naman tayo! Hoy! Epi! Epi!"

Instead of waving back or doing anything ay inalis ko ang sarili sa harap ng bintana. I even closed the curtain bago humiga sa kama't lunurin ang mukha ko sa unan.

Kung pwede lang akong mawalan ng pandinig ngayon para di marinig ang boses nya'y gagawin ko.

Hindi kasi maalis sa utak ko ang nakita ko kanina, para akong batang inagawan ng kalaro. Kalarong tinuring ko nang sobrang lapit sakin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay wala na akong narinig na nagsisigaw ng pangalan ko mula sa labas.

Did she left already?

Para siguraduhin ito'y tumayo ako sa kama na akmang pupunta ulit sa harap ng bintana pero nang hahawiin ko palang ang kurtina'y biglang umingay ang kwarto dahil sa malakas na pagkatatok.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon