Chapter 17

20 8 4
                                    

Lumipas na ang bente kwatro oras pero tanging anino o balita kung nasaan si Steff ay wala. Napuno na din ng posters ng mukha ni Steff ang bawat social media sites, kulang na nga rin ay lagyan ko ng missing notes ang bawat resibo sa bookstore pati ang bawat page ng libro.

Pero alam ko namang wala kaming makukuhang balita kahit gawin namin iyon.

"Any news?" sabi ng Daddy ni Steff na biglang napauwi dahil sa paglayas nito. Nasa bahay namin si Mr. Row ngayon at halos mahilo kami ni Mommy sa kakalakad nya habang may hawak na cellphone. Kino-contact nya kasi ang bawat police station.

At nang maibaba nya ang cellphone ay nahulaan na agad namin ni Mommy ang resulta ng report ng mga pulis sa kanya. Napahawak ito sa noo bago huminga ng napakalalim.

"Umupo ka muna, wala ka pang tulog simula kahapon." suggestion ni Daddy habang pababa ng hagdan. Umiling ang Daddy ni Steff bago umupo sa sofa. Inabutan sya ni Mommy ng isang basong tubig na diretsong nyang nilagok.

"Hindi ako kakalma hangga't hindi ko alam kung nasaan ang anak ko..." napabuga ulit ito hangin bago tumingin sa akin. "Pasensya ka na Epi, kung puro problema na lang ang dinulot namin sa inyo, nga pala iho...hindi ka ba nya kinontact kagabi? O bago sya mawala?"

Tanong nya na parang isang pusang nais makarinig ng good news mula sa sakin. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ang cellphone at diretsong pumunta sa email kung nasaan ang convo naming dalawa. Tulad ng nasabi ko kahapon ay tuloy-tuloy kaming nag-uusap ni Steff, pero ang huling convo namin ay ang tungkol sa pagbubukas ng bookstore.

"Seryoso ka ba dyan? May-ari ka na ng isang bookstore?"

"Oo eh, kinakabahan nga ako. Btw, musta ka pala ngayong araw?"

"Me? Wala naman. Kinalkal ko lang yung ibang gamit ko and I found out na isa pala akong writer."

"Buti naman at nalaman mo na ang iba mong hilig. Ituloy mo lang yan, Steff."

"Pero"

"Pero ano?"

"Malungkot ako kasi hindi ako makakadating sa opening mo, baka sa oras na makapunta ako doon ay tuluyan ko nang maalala lahat ng bagay. Diba you've said before na kumbaga sa isang storya ay setting ng kwento natin ang bookstore. That's why gustong gusto kitang samahan bukas, kaso it takes hours para makabyahe makapunta dyan."

"Di mo naman kailangang pumunta, Steff. Ayos na ako sa pag-goodluck mo sakin bago ang opening. Kailangan mong matapos ang therapy mo, Okay? Ayos na ayos ako, pogi na pogi parin. Hahaha."

I tried to enlighten the mood dahil noong na-open ang topic tungkol sa bookstore ay naging malungkot ang awra ng convo namin. At ang pinakanghuli nyang sinabi sa akin ay, "I wish I am with you sa mga importanteng events sa buhay mo. Gusto kitang samahan gaya ng pagbantay mo sakin sa matagal na panahon. Good night, Epi."

Napailing ako sa harap ni Mr. Row. Kita ko sa mukha nya ang pagod dahil sa nangyayari, nagawa nyang bumyahe dito na tanging unting damit lamang ang dala. Tinawag ni Daddy si Mr. Row bago dalhin papunta sa kusina, hindi parin kasi sya nakakain ng hapunan at tanging kape pa lamang ang nainom sa buong araw.

Pinanuod ko sila Daddy na maglaho sa paningin ko bago tumunog ng sunod sunod ang cellphone ko.

1 message from Steff

3 messages from Steff

6 messages from Steff

At halos mapuno na ng ganung notification ang screen ng phone ko kaya't agad ko iyong binuksan. Hindi ko inalis ang mata sa bawat mensahe na isend nya sa akin. Pero bakit ganoon? Hindi ako makahinga.

I'm here, nasaan ka na ba?

Gusto na kitang makita

Please epi, magreply ka.

Wala akong ibang kilala dito kundi ikaw, please.

I really miss you

Mahal kita

Dali dali akong nagtipa sa screen. Nakailang bura din ako dahil sa natataranta ako sa bawat pagtatype ko nang irereply. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita?"

"Hindi ko alam basta gusto kitang makita, gustong gusto."

+

Kahit na nakikisabay ang malakas na ulan ay nagpatuloy ako sa pagtakbo't palingon lingon sa kahit anong sulok ng kalsada, wala na ring silbi ang hawak kong dilaw na payong dahil sa nababasa na ako ng tubig ng bawat pagtilampsik ng mga tubig sa katawan ko.

Paparating na ako...

Sinubukan kong pumunta sa bookstore dahil sa baka nandoon si Steff pero ang sabi ng ilang staff doon ay hindi nila iyon nakita. Kilala na nila ang mukha ni Steff dahil sa nakapaskil na sa bandang counter ang mukha nya.

Nakayuko tuloy akong lumabas sa glass door ng shop bago mapahinga ng napakalalim dahil sa hindi ko alam kung saan ako pupunta sa gantong oras. Sobrang dilim na ng paligid at tanging ang mga street lights lang ang nagbibigay gabay sa akin sa daan.

Habang naglalakad at palingalinga ay nasa isip ko ang napanaginipan ko kahapon. Malakas ang kutob ko na isa yung senyales pero ayokong mangyari yun, ayoko na. Ang totoo nyan ay napapagod at natatrauma na ako sa mga nangyari.

Sa tuwing makakarinig ako ng ambulansya o di kaya'y dugo ay nanginginig na ako sa takot. 

Halos maikot ko na ang buong daanan na pwede ko nang lusutan pero wala akong nakitang anino ni Steff, may mga nakakakita din sa sakin at ang iba ay pinagtatawanan ako, meron ding pinapanuod lamang akong maghanap ng parang pusang hindi nakakain ng isang buwan.

Kulang na nga lang ay buksan ko ang ilang trashcan sa paligid para makita sya pero wala. Ang tanging alam ko lang naman kasi na lugar na espesyal sa aming dalawa ay ang bookstore at wala ng ib---

Wala na nga ba?

Dali dali akong nagtatakbo pabalik malapit sa bookstore, dali dali akong nagtungo sa isang lugar kung saan nagsimula - nagsimulang dumalaw ang lungkot sa storyang naming dalawa. At tama ako, tama ako na dito ko sya makikita.

Sa lugar kung saan nangyari ang aksidente..

Nabaon ang katawan ko sa kinatatayuan habang pinapanuod ang pag-iyak ng babaeng matagal ko nang gustong matawag na mahal, nakayuko ito at basang basa sa ulan habang nakaupo sa gilid ng kalsada. Hindi ako gumawa ng ingay habang papalapit sa kanya.

Inalis ko sa pagkakatapat sa akin ang payong at itinutok sa kanya. 

"Huh?" unti-unti nyang inangat ang ulo patingin sa langit at nang mapansin nyang may dilaw na payong ay agad syang lumingon patalikod. Papalingon sa akin.

"Epi?! Ikaw na ba yan?"

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon