I can hear things clearly, ang busina ng madaming kotse sa gitna ng traffic, ang paghampas ng mga dahon sa tuwing iihip ang malakas na hangin na malinaw na malinaw kong naririnig habang naglalakad.
Yun nga lang, I wasn't able to speak. Noong una akala daw nila Daddy ay normal lang na di pa ako nagsasalita kahit na tatlong taong gulang na ako but years passed kahit isang 'mama' o 'papa' ay wala paring na nalabas sa bibig ko.
Nagawa na rin akong dalhin nila Mommy sa madaming ospital but Apraxia of speech does not have any cure.
May treatment o therapy pero sumuko na rin ako.
Today is my second visit sa bookstore and this time ay oorder na ko ng drink, nakakahiya naman kasi na umupo ako kahapon ng halos kalahating araw para matapos lang isang libro.
Pero nang makatayo na ako sa harap ng counter ay parang gusto ko na lang mapaatras o magbasa na lang agad sa itaas.
Nahihiya akong umorder.
"Welcome to Chapter's Bookstore, can I get your order sir?" pero di na ko nakaback-out nang tanungin na ako ng isang babaeng staff.
Nakasuot ito ng simpleng vintage look at may name tag sa kaliwang dibdib, "Juliet." basa ko doon gamit ang mata.
I just smiled at her bago ilabas ang cellphone ko't nagsimula nang magtype sa note app. Nang matapos ay ipinakita ko na ito sa kanya na agad nya namang sinigurado.
"Do you want a Belgian Hot Chocolate, sir?" I got my phone back. Tumango ako sa kanya bago kumuha ng isang plastic cup at isang pentelpen. "Can I know your name, sir?"
Imbis kuhain ko ulit ang cellphone ay kumuha ako ng isang libro na nasa counter. I opened the book at tumungo sa pinakangdulo na pahina.
"Epilogue." turo ko sa isang salita na halos lahat ng libro ay meron noon. Kita ko sa mukha ng staff ang gulat kaya inulit nya ito.
And I nooded, means yes.
Pagkatapos mapalitan ng inumin ang perang ibinayad ko ay mabilis akong nagtungo sa second floor. By the way, the drink that I choose is based from Agatha Christie's famous detective Hercule Poirot.
It's the perfect drink to pair with a great novel habang nadadama ang magandang ambience ng bookstore.
Tulad ng nakita ko kahapon ay may mga tao paring nagbabasa, malalaki at matataas na bookshelves. May couple din nga akong nakita kung saan nakapatong ang ulo ng babae sa balikat ng nobyo nya.
Pero nang makapunta na ako sa pwesto ko kahapon ay may tao nang nagbabasa sa tapat ng malaking bintana and I am sure that her mind is travelling on the other place dahil sa mukhang seryoso ang binabasa nya.
But she turned her gazed towards mine ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya. Her face looks familiar at mukhang ang benda nya sa kaliwang braso ang nakakompirma noon.
"Hi?" she waved her hands but I remained silent, since birth naman.
Nakasuot ito ng black plants at maluwag na puting t-shirt sa pang-itaas samantalang ako ay naka-longsleeve na kulay dagat at itim ding pantalon sa ibaba.
I freezed in front of her, masyado siguro akong nadadala dahil sa singkit nyang mata at ngiting kaya akong dalhin sa kung saan.
And when our eyes met, parang nakita ko na sya matagal na but I didn't recall when.
"I saw you yesterday, bago ako mahulog sa pinakangtaas nyan." tumawa sya sabay turo ng bookshelve sa tapat nito.
"ARE-YOU-OKAY?" sensyas ko sa kanya gamit ang kamay. Itinuro din ang braso nya dahil baka hindi nya ako naintindihan.