Chapter 14

30 11 8
                                    

Ang sikretong gustong sabihin ni Steff sa akin noon ay ang dahilan kung bakit may nangyaring aksidente. Ang doktor na mismo ang nagkumpirma nito dahil sa ilang record ni Steff sa ospital. At ang nasaksihan ko noong gabi iyon ang mas nagpatibay na Syncope ito.

I received a letter which held yesterday.
The path that had always trailed behind you suddenly disappeared,
and everything that wasn't the path went with it.
Scattered stones
which played with us as kidshide away their faces.

Kasalukuyan akong nakatayo sa rooftop ng ospital habang sinusundan ng mata ang bawat letrang nasa libro, nasa itaas ko naman ang haring buwan na pilit na nagbibigay ng sinag sa akin sa pagbabasa. Kahit masakit ay pinilit kong kumalma, masakit na mapanuod kong mawalan ng alaala ang babaeng mahal ko na kahit ang magulang nya'y hindi na nya kilala. Nadadama ko ang pagyakap ng hangin sa katawan ko bago ituloy ang binabasa.

I love you, I love you ... and in the cold, clear night sky
I see the steady cracking of gold.
A thin snow falls.
Unable to settle anywhere on the ground,
a pair of flakes close their eyes and trembleas they drift together endlessl--

Napatigil ako nang bigla akong makaaninag ng isang babaeng kakaakyat pa lamang sa rooftop. Nakasuot ito ng pang-pasyenteng damit at pilit na naglalakad habang ang bakal sa kamay ang nagabay sa kanya sa paglalaklad.

Bakit sya nandito? Ang alam ko'y nasa pahinga sya. Sinabihan din kami ng doktor na bigyan si Steff ng oras, dahil sa nabigla ito kanina.

Isinara ko ang libro at pinanuod lamang syang maglakad. Hindi ko napigilang mapaluha habang tinitigan ang babaeng nagparamdaman sakin ng saya pero ang inaasahan kong pagtawag nya sa akin ay hindi ko man lang narinig mula sa kanya.

"Steff.."

Kaagad syang napalingon sa akin nang nakapagsalita ako, ni hindi ko rin maintindihan kung bakit may lumabas sa bibig ko. Itinuro nya ang sarili habang nakaangat ang noo. "T-tinawag mo ba ako? Ayun ba ang pangalan ko?"

Sinubukan ko ulit na banggitin ang pangalan nya pero hangin na lamang ang lumabas doon. Kahit ang prinaktis kong mga salita sa oras na gigising na sya ay hindi ko na nagawa. Umuurong na ang dila ko, parang may isang gomang nang nakatali doon kasama ang katawan ko.

Nasemento ako sa pwesto, napapangiti dahil sa gising na sya sa mahimbing na pagkakatulog, naiiyak dahil sa wala akong magawa kahit na gusto ko syang ikulong sa braso ko't halikan sa labi. Pinanuod ko syang pumikit at binitawan ang bakal na nagsasaklay sa kanya sa pagtayo. Initaas nya ang dalawang braso at idinila sa hangin ang hampas ng kanyang buhok.

"Kanina, noong nagising ako. Kahit di kita kilala, pakiramdam ko'y kilalang kilala mo ko. Hindi ko alam dahil sa tuwing tititig ako sa mga mata mo, nasasaktan ako..." sabi nya habang nakapikit. Matapos nun ay ibinaba nya ang braso at dumilat. Hinawakan nya ulit ang bakal at tumingin sa akin.

Unti-unti syang naglakad kung nasaan ako. Hindi ako makagalaw, sa matagal na panahon ay naramdaman ko na naman ang paghahanap ko sa hangin habang nakikita syang papalapit sa akin.

"Sino ka ba?" tanong nya.

Alam kong di nya ako maiintindihan sa oras na sumenyas ako kaya't ibinuklat ko ang pinakang-dulo ng libro. Itinuro ang isang salita na ibig sabihin ay katapusan, "Epilogue? Epilogue ang pangalan mo?"

Umiyak ako na parang bata sa harap nya. Sa wakas, nasabi na nya ulit ang pangalan ko. Kaagad kong nabitawan ang libro't nayakap sya. Wala akong inaksayang segundo na ikulong ko sya sa aking braso, hindi ko kasi alam ang susunod na mangyayari lalo na't ang tanging alam nya lang ngayon ay ang pangalan ko.

Hindi pa naman ito ang huling beses ko syang mayayakap diba? May susunod pa namang kabanata para sa aming dalawa, hindi ba?

Halos malunod na ako sa kakaiyak habang pilit kong sinusulit ang bawat segundo sa kanya. Hindi naman ito gumawa ng kahit anong kilos at ingay, hinayaan nya akong umiyak sa balikat nya at unti-unti kong naramdaman ang pagyakap nito pabalik sa akin.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Ang sakit.

"Hindi ko man maalala kung anong meron sa atin, hindi ko man alam kung saan tayo huling nagkita at kung gaano ka importante. Sorry dahil sa wala akong magawa para mapunasan 'yang mga luha mo." naramdaman ko na ang paghaplos nya sa likod ko.

Ipinikit ko ang mga mata habang nararamdaman ang paghampas ng hangin sa mukha ko. Kasalungat ng lamig ng hangin ang init na hatid ni Steff sa katawan ko, init na nagpapagaan ng pakiramdam ko sa mahabang panahon kong pag-iintay para yakapin sya ng sobrang higpit.

+

Inalalayan kong bumaba si Steff papunta sa 2nd floor kung nasaan ang kwarto nya. Pagkabukas ng pinto ay nakaabang na sa amin ang Mommy nya at ang lalaking nakita ko noong hinatid ko papauwi si Add, her Dad.

"Anak!" hindi pa man nakaalis ng pinto si Steff nang bigla syang yakapin ng kanyang Daddy at napalayo ako ng kaunti para masulit nilang dalawa ang muling pagkikita.

Sa halos isang buwan kasi nyang pagkaka-coma ay isang beses lamang napadalaw ang Daddy nya dahil sa pagiging full-time na abogado. Si Mr. Row na rin ang nag-asikaso ng aksidente sa tulong ni Mr. Chapter, na nakuha din namin ang hustisya kinaluunan pero hindi pa natatapos ang kalbaryo.

Nakuha man namin ang hustisya ngunit kung kahit sino sa amin ay hindi nya makilala, sa tingin ko'y wala rin.

Umalis sa pagkakayakap ang tatay nya't hinawakan ito sa magkabilang pisnge. "Namiss ka ni papa. Musta na ang unica ija ko? Ha?" nagpipigil ito ng iyak samantalang walang reaksyon si Steff. Parehas na parehas sa nakita ko kanina noong nagising sya.

Narinig ko naman ang paghikbi ng Mommy nya sa gilid habang pinapanood ang kanyang mag-ama. Alam kong masakit pero wala kaming magawa. Ang sinabi ng doktor sa amin ay epekto ito ng nangyaring aksidente pero maswerte na daw si Steff dahil ang iba ay mas malala pa ang nangyari pagkagising sa Coma.

Ang iba ay di na nakakapagsalita, hindi nakakarinig at ang nangyari kay Steff, ang amnesia. Ngunit dagdag ng doktor ay oobserbahan pa sya kung permamente ba o babalik ito matapos ang ilang araw.

Sana nga, sana.

Pagkatapos nang madamdaming pagkikita ng mag-ama ay nagsalo sila para sa isang hapunan at ako naman ay nagpaalam na para umuwi. Dala-dala ko na rin ang ilang bagay na ginamit ko sa halos isang buwan sa ospital.

Wala akong ganang pumasok sa loob ng bahay at kahit sila Mommy ay pinanuod lamang akong makaakyat sa kwarto. Kahit sila ay hindi nagustuhan ang nangyari.

Pagkabukas ko ng kwarto ay bigla kong naalala si Steff. Ang unang punta nya't hindi maitikom ang bibig sa ganda ng paligid pero ang totoo nyan ay wala na akong makitang ganda sa kahit saan. Parang puti at itim na lamang ang naaninag ko sa dingding at wala na ang matingkad na dekorasyon ng kwarto.

Inilagay ko ang gamit sa gilid at naagaw nang atensyon ko ang picture frame na tinitigan ni Steff noon.

Kung maari ko lamang ibalik at itama ang lahat para umayon ulit sa saya ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay gagawin ko. Kahit hindi ko na lang nakita si Steff sa bookstore para maiwasan ang nangyaring aksidente sa kanya, aksidenteng nagdulot ng kalungkutan sa lahat.

"Anak..kumain ka na.." habang nakatingin sa litrato ng dalawang bata ay narinig ko si Daddy mula sa labas ng pinto. Matamlay ang boses at halatang nag-aalala. Maingat kong ibinaba ang hawak at mabagal na naglakad papunta sa kahoy na labasan, pilit na ngumiti sa harap ng magulang ko.

"D-a-d.." sabi ko bago yakapin ang matandang nakaabang sa akin sa pinto.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon