Tama ba ang narinig ko? We already met 14 years ago pero wala akong matandaan. I asked her again for the second time habang may kunot na lumabas sa mukha ko.
"That kid on the picture, is me. Kahit pala ikaw napagkamalan akong lalaki." halos maghalo ang tuwa at iyak sa mukha ni Steff pero wala akong naipakitang reaksyon sa kanya.
Saglit nyang inalis ang atensyon sa akin at may kinuhang kung ano sa bag, a red photo album.
"Here, alam kong di ka maniniwala kaya dinala ko 'to." inabot nya sa akin iyon na mabilis ko namang kinuha.
The moment I opened that album ay bumungad sakin ang isang papel sa unang pahina na puno ng sulat gamit ang krayola. Kahit di ko mabasa ang mga nakasulat ay pinilit kong intindihin iyon.
"Hello, What is your name?"
"Hindi ka ba natatakot sakin? Sabi nila isa akong monster na nakain ng boses ng mga bata para makapagsalita ako."
"Paano mo naman nasabi na monster ka?"
"Siguro dahil dito."
Hindi ko alam kung bakit may unti-unting tubig na humarang sa mata ko pagkatapos basahin ang nasa harap ko. Agad ko ding inilipat sa susunod na page ang album.
Isa na namang papel kung saan puno ng mga sulat na pinilit kong basahin.
"Sabi ni Daddy pag nagbasa ka ng libro magkakaroon ka ng kaibigan. Subukan mo din!"
"Pero puro pang-doktor ang libro nila Mommy sa bahay, may mga batas batas din pero di ko naman maintindihan."
"Sa susunod kong punta magdadala ako para magkaroon ka rin ng kaibigan gaya ng sabi ni Daddy."
"Pero pwede mo rin naman akong maging kaibigan, diba?"
At wala na akong nabasa na sumunod pa. Napatingin tuloy ako kay Steff. Mukhang naintindihan na nya ang tingin ko't agad pinunasan ang ilang luha sa mata.
She's so sweet.
"Nasa 2nd page ka palang pero naiyak ka na. Hahaha. Oo nga pala, di mo ko sinagot nyan after kitang tanungin..." unting tumaas ang noo nya at nag-iisip ".. but you smiled at me at nakipag-apir sakin. And that's the day na we became friends na."
"Pero bakit di mo sinabi sakin agad na ikaw pala yung batang nakilala ko dati?"
"Kasi ilang beses mong nasabi sakin dati na ayaw ng mga tao sayo kaya natakot akong magkwento, kasi isa ka sa mga taong takot nang balikan ang nakaraan mo and I confirmed it nitong nakaraang araw. Ayaw kong nang mag-cause ng chaos sa buhay mo once na maalala mo lahat."
She's right. Masyado akong kinain ng mga masasakit kong alaala noon. Ayun din ang dahilan kung bakit nanatili akong nakatago sa kwarto ko kahit lumipas na ang ilang taon.
But one day may kung anong tumulak sa akin para lumabas sa lunggat ko't pumunta sa bookstore and I am thankful na nakarating ako sa tamang lugar kung saan ko ulit natagpuan ang isa kong masayang alaala noon.
She's here.
Ang inaakala kong magugulat sya sa sorpresa ko ay kabaligtaran pala, ako ang nagulat at di ko mapinta ang ekspresyon ng mukha. Hindi ko na napigilang lumabas ang mga luha ko't ngiti habang tinignan ang mga sumunod na pahina ng album.