Habang nakayakap sakin ang malambot kung kumot ay di ko maiwasang mapangiti ng abot tenga dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko rin alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para yayain syang lumabas mamaya.
Siguro madami sa inyong nagtataka kung bakit napakabilis kong mahulog sa kanya, kahit ako hindi ko rin maintindihan. Basta ang alam ko lang ay sya ang gusto kong makita't makausap araw-araw.
Napangiti ulit ako ng maalala ang tinanong ko sa kanya kagabi. "P-pwede ba kitang yayain? I mean Date?" nauutal pa ako noong sinabi ko iyon sa kanya.
I asked her for a date. Yes, I asked her and she said, "Iintayin mo parin ba ang sagot ko Epi kahit alam mo na ang sasabihin ko?"
At halos di maalis sa utak ko ang reaksyon nya noong sinabi nya iyon kagabi and the result? Hindi ako nakatulog buong gabi.
Pero bago sya umalis sa kwarto ko'y may isang bagay syang itinuro doon, isang picture frame na nakapatong sa pinakalumang kong bookshelf.
By the way, Dad gave it to me, 11 years ago? Ah basta mahigit isang dekada na ang tanda ng kahoy na iyon, buti nga ay nakakaya pang-buhatin ang ilang libro ko.
"Sino yan?" turo nya doon. Nakuha nya pa ngang lumapit. "Pwede ko bang hawakan?"
"Ingatan mo lang, nag-iisa lang yan eh." senyas ko para hawakan na nya ang isang makalumang frame na gawa sa metal na matagal ko nang tinatago.
Tinitigan pa lalo ni Steff ang hawak hawak nyang makalawang na frame. Inilapit ang mata sa harap at itinalikod din. "Hmm, halos di ko na makita yung nasa picture kasi sobrang luma na. Sino ba yung kasama mo picture? Kapatid mo?"
Tanong nya bago ako tignan. Napahinga ako ng malalim bago kuhain ito sa kanya. Binalingan ko din ng tingin ang hawak ko, ang pagkakatanda ko ay may nakasulat sa ibaba ng picture at hindi nga ako nagkamali. Petsa kung kailan kinunan ang litrato.
May 24, 2006.
Sa lumang litrato ay may dalawang batang magkaakbay. Medyo mahaba ang buhok nya at sakin ay kulot habang parehas kaming nakasuot ng jumper.
"He's my friend. Hindi ko na tanda yung pangalan nya pero anak sya ng doctor na nagtetheraphy sakin noon. 14 years na pala... " napangiti ako habang nakatitig sa picture, inaalala ang lahat.
Kahit sobrang luma na nang hawak ko ay hindi ko magawang itapon 'yon. Kahit sila Daddy ay ayaw ding ilagay sa basurahan ang litrato kahit na sobrang labo na. I've said before that most of the people doesn't like me, but the boy in the picture became my friend.
Bestfriend.
Naalala ko pa noon sa tuwing bibisita kami sa ospital para sa theraphy ko'y nandun lang sya sa gilid, naglalaro mag-isa kasama ng mga coloring books at lego. Parang ako lang but the different is he can speak.
"Nasaan na sya?" She asked me. I looked at her bago ibalik ang picture frame sa shelf.
"Hindi ko na tinapos yung session, nawalan na din kami ng communication sa kanya eh but I am thankful na naging parte sya ng childhood ko."
Nakakainggit nga na halos lahat sa inyo ay madaming masasayang maalala kapag narinig nyo ang salitang 'Pagkabata,' kasi ako? Kalahati noon ay puro pangungutya sa akin.
Nakaramdam ako ng unting lungkot dahil sa naalala ko na naman lahat na halos isang bomerang sa utak ko pero agad na tumayo si Steff sa harap ko.
Nagpapacute.
"Kung kailan paalis na ko saka ko makikita 'yang mukha mo? Ngiti na, hmm." hinawakan nya ang kamay ko at pinisil pisil ito.
Para akong nakahawak ng ulap ng maramdaman ang kamay nya, kahit paano ay kumalma ako ng magtama ang mga mata namin.
"Huwag ka na sad, andito ako oh! Anytime pwede mong makausap. Sige na. Uuwi na ko baka hinahanap na rin ako nila Mommy kasi tumakas lang ako kanina. Ikaw kasi eh!" hinampas hampas nya ako bago umirap sakin na parang bata. Napisil ko tuloy ang pisnge nya dahil sa ginagawa.
"Aray naman! Haha."
I will never forger that moment. Akala ko nga ay nanaganip lang ako kagabi at hanggang ngayon ay nakailang beses kong sinampal ang mukha ko para siguraduhin iyon.
Pero ang pinaka-importante ngayon ay ang date namin. Today is our first date but I need to give here something na ikatutuwa nya pero ano?
Chocolate? A letter? Kaso masyado nang common kung ganun pa ang ibibigay ko. Harana? Gusto ko man pero kahit isang salita ay walang nalabas sa bibig ko.
May apat na oras pa ko para maghanda dahil sabi ko nga kanina, hindi ako nakatulog. Pero ano ba ang dapat kong ibigay sa kanya?
Wait! May kilala akong tao na nasa dugo na nya ang pagkaromantic.
Kaagad akong tumayo sa kama at binuksan ang pinto. Mabilis na bumaba at nakita ang isang balbas saradong matandang lalaki na nakaupo sa sala at nagbabasa ng dyaryo.
Inalis ko ang mata nya sa pagkakamagnet sa papel at binalingan ako ng tingin.
"Oh! Himala anak, bumaba ka sa kwarto mo?"
"Dad! I need your help! May date ako mamaya pero kailangan kong makapag-isip ng ibibigay." nakangiti pa ako ng sinenyasan ko si Daddy at mukhang naintindihan nya ang sinabi ko.
Ibinaba nya ang dyaryo at itinupi ito. May gumuhit na ngisi sa mukha nya't mukhang mas excited pa sa akin.
"You call the right man, anak!"