Chapter 1

65 30 0
                                    

Chapter 1

Ticket

Mahinang tapik sa aking mukha ang nagpagising sa akin. Isang nakaputing babae ang bumungad sa aking paningin, may maliit na cap ang kanyang ulo na kulay puti rin. She's smiling at me, genuinely.

“Miss I’ll check your vital signs lang po and papainumin na rin kita ng gamot.” mabait na sabi niya sa akin.

I smiled back at her.

“You need to eat healthy foods miss lalo na’t masilan kayong magbuntis I suggest na magbed rest ka muna pagkalabas niyo rito.” She told me.

“Where am I?” tanong ko.

“Nasa Saint Luke's Medical Center ka miss dinala ka rito kagabi after the accident. Wala ba kayong ibang kamag anak miss? Not that I'm being nosy I'm just concern you need more help dahil sa kalagayan mo. Isa lang  kasi ang dumadalaw sayo at saglit lang siya kung magstay dito. He just told us na i-check ka namin ng madalas.” Puna niya.

“I don’t have a family here.” Walang imosyon kong sabi.

Tinitigan niya ako. “Ahh kaya pala. Hindi ka ba malulungkot?"

“I’m used to it.” sabi ko.

“You're absolutely strong.” ngiti niya.

I know I am...maybe not now but soon.

Biglang bumukas ang pintuan iniluwa ang isang pamilyar na mukha. I immediately stared into his eyes. That same sensation I felt every time I’m near him, unknow still. He stared back blankly no sign of any emotions.

“How is she?” he asked the nurse

“She's okay pwede na siyang ilabas mamaya. Pupunta rito si Doc to further explain everything regarding the pregnancy and such.” Sabi nito. “I’ll go ahead, Miss?” baling niya sa akin.

“Sure, thank you for everything.” I said with sincere smile.

She smiled back before exiting the room.

Now we’re alone.

“How are you feeling?” he asked, cold as ever.

“Fine.” mahina kong sagot pinapantayan ang emosyong pinapakita  niya.

I know where this conversation going. Alam ko pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na hindi totoo ang aking mga narinig.

Na panaginip lang ang lahat ng yon. Facing this now makes me feel so helpless.

“You're carrying my child.” He said matter of factly. May bahid ng pagkamuhi at puno ng sarkastiko sa tonong iyon.

I stared back at him impassively. Kahit anong sakit pa ang kahantungan ng paguusap na ito ay natitiyak kong para na lamang itong hangin na tatama sa akin.

Paano mo wawasakin ang isang bagay na wasak na?

Paano mo sasaktan ang isang taong lunod na sa sakit?

Now her power is pain.

Pain doesn’t hurt her anymore.

“Kung inaakala mong oobligahin kita dahil dito ay nagkakamali ka.” matapang kong saad.

“That’s  not the point.  Kapag nalaman ito ni dad ay tiyak na mamadaliin niya ang kasal natin which I don’t want to happen. Alam mong hindi ikaw ang mahal ko and having that child won’t change anything. Don't force yourself to be someone you can't.  Think of yourself...you can be free again without any burden.”

Burden?

Burden pala ang tingin niya sa anak ko?
Nagpupuyos ang puso ko sa galit. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampalin paulit ulit hangang mawala siya sa paningin ko. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano siya ka gago!

Pero wala akong magawa kundi ang magtimpi 'cause I don’t have any power to do that.

“What do you want me to do?” tanong ko na halos bulong nalang na lumabas mula sa bibig ko. I already know the answer but I can't help asking... baka kahit papaano'y may natitira pa siyang puso. Not for me but for the child...his child!

“Get rid of it.” Sagot niya habang nakaupo sapo ng mga kamay ang kanyang ulo.

I want to see him. I want him to look at me in the eyes to comfirm his decision...na ito nga ang gusto niya.

I can’t believe I tried to win this man. I can’t believe I fancied him so much. The moments I meet his blazing eyes kahit alam ko na mapanganib ay sumugal pa rin ako. How fool I am.

“Look at me.” I requested.

Ilang sandali ang lumipas bago siya nag angat ng mukha. His eyes were bloodshot.

“Is that what you really want?” pinal na tanong ko.

I can't help hoping.

Dahan dahan siya tumango.

I closed my eyes. “Fine .” sunod sunod na nagpatakan ang aking mga luha.

I know I am the pain princess pero bakit may kirot pa rin?

I just want to be happy pero bakit napakadaya naman ng mundo. Bakit pagdating sakin ay ilap itong ipagkaloob.

“I also have your ticket sasabihin muna natin sa pamilya ko na hindi ka pa handang magpakasal kaya aalis ka ng ibang bansa ako na ang bahala kay tito. I’ll talk to him after you left the country.” paliwanag niya.

“You've got everything planned, huh! ” sabi ko habang nakatalikod sa kanya, lihim na pinupunasan ang mga luha.

“This is for the both of us. You’ll be free from your family's responsibility pati na rin ako. Babalik ka sa dating ikaw wild and free. Let’s just forget that we meet. This is the mistake of our life... I can support you abroad just contact me if you need anything.”

Dating ako?

Paano mangyayari yon?

Paano ako makakabalik sa dating ako kung ang kalahating ako ay wasak?

Inabot niya sa akin ang ticket galing sa kanyang bulsa.

“You’ll leave tomorrow evening.” Pinal na sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Hinawakan ko ang aking maliit na tyan. Kaya ko bang patayin ang aking sariling laman at dugo?

Kaya ko bang maging isang mabuting ina gayong ako mismo ay  produkto ng isang wasak na pamilya?

Pinunasan ko ang aking luha at bumuo ng isang na desisyon.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon