Chapter 9

5 3 0
                                    

Chapter 9

Invite

“By the way, Nathalie and I are leaving tomorrow. I have a business trip in Spain at isasabay narin naming magbakasyon.” Naabutan kong pahayag ni tito Micheal pagkabalik ko sa aming table. I went to the restroom after that embarrassing moment to freshen up and had my retouch.

“That’s good. So, Pierce here is incharge of the business while you both are away?” si papa.

“He’s always in charged. He has no choice.”  Ngisi ni tito micheal habang nakatingin sa kanyang anak.

“I don’t have any problem with that.” Saad niya.

“Annalise, I would be glad if you stay in our house while we’re away. Parang vacation mo na rin and for the both of you to know each other since hindi niyo ito nagawa before the engagement.” Baling naman nito sa’kin.. What do you think Aeron?”

Tiningnan naman ako ni papa tila binabasa ang aking expresyon.  “It’s okay with me.” Sabi niyang hindi umaalis sa’kin ang tingin. I want to roll my eyes. Ano naman ang gagawin ko sa kanila baka mas lalo lang kaming hindi magkaintindihan. Tita Nathalie is staring at me. Kinakabahan akong at tumungo nalang.

“Okay po.” Mahinang sabi ko.

“Aye, good to here that.” Ngisi ni tito micheal. Tinapunan ko ng tingin ang nasa aking harapan. He’s in his usual look, blank as paper. Hindi ba siya tututol? Sigurado naman akong hindi niya gusto ang ideyang ito. Hindi kailangang manahimik kung labag ito sa kanyang loob. Dapat sa kanya manggaling iyon hindi sa akin dahil sa aming dalawa siya ang may higit na kapangyarihan. Si papa ang may atraso sa kanila kaya sa tingin ko wala akong karapatang tumanggi. O baka he doesn’t want to disappoint his father kaya sunod sunuran din siya sa mga sinasabi nito. Sad of him!

Nakakunot noong nakatingin ako sa kanya I didn’t realize he’s staring back at me intently. Agad akong nagiwas ng tingin at binalingan ang aking dessert na patunaw na.

“By the way, what about your studies hija, I’m sure aware ka na dito kana mag aaral next year since hindi pweding lumipat si Pierce dahil bukod sa narito ang kompanya namin ay graduating na siya this year.” Litanya ni tita Nathalie.

Hindi pa iyon sumagi sa aking isip. Hindi ko alam kong anong desisyon nig aking ama tungkol dito. Tumingin ako kay papa. Siya ang may gustong doon ako mag aral.
Besides, kakauwi ko lang noong nakarang araw at sa daming ng mga nangyari ay mapagtutuunan ko pa ba iyon ng pansin? Paano na nga ba ang pag aaral ko kung ganitong ikakasal ako? And the main question is... hanggang kalian ito? I’m sure hindi kami habang buhay magsasama. Kung para lang ito sa kumpanya ay may hanganan ang lahat. I’m sure, when they ge what they want which are our names and connections siguro wala na rin ang kasalang ito. As dad had told me, they only want that, so after they got it ay tapos na rin ang connection naming dalawa.

Hindi ko maintindihan kung bakit may kunting kirot akong nararamdaman. This isn’t good,  hindi ko dapat ito nararamdaman. This is pure business, no feelings should be involved. Iwinaksi ko agad iyon sa aking isipan.

“We haven’t talk about it yet.” Sagot ni papa.

“I suggest Pierce’s school. What do you think, son?” Si tita Nathalie.

“Yeah, my condo is near there.” Simpleng sagot niya.

Ano naman kung malapit lang condo niya?
Does he mean sa kanya ako titira?
Hindi pwede sa’kin yon, dalagang pilipina kaya to! Tsk. Pero indi ko maiwasang hindi kiligin sa ideyang iyon.

“We will talk about it.” sabi ni papa.

“May I ask, when is the wedding po?” I asked cause I’m totally clueless. And also I have plans for myself at ayokong masira iyon dahil dito. I need pursue my dreams kahit pa marami siyang pera’y ayoko paring umasa sa kanya. I want my own job and source of money. Hindi naman kinakailangan sigurong magmadali dito. At isa pa this is pure business dadating ang araw na kailangan itong tapusin kung nararapat. So I need to think for myself too.

“Pagkagraduate ni Pierce.” Tita Nathalie simply answered.

“Hmm, pwede naman po next year nalang ako lumipat dito afer he graduate.” Suhestyon ko.

Nagangat naman siya ng tingin sa’kin. “Why? May ayaw kang iwan don?” he asked while staring at me curiously may halong bangis sa mga mata. Hindi ko mapigilang hindi pagpawisan dahil sa mga titig niyang iyon.

Meron nga ba?

Umawang ang aking labi at kinagat ko iyon upang alalahanin ang araw na iyon. I remember the party I attended before my dad went there to fitch me. I lost my first kiss to a guy. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. We danced like a mad dog without knowing each other. May meaning rin kaya yon sa kanya? He’s a good kisser though.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping iyon.

“Wala naman.” Nangingiti kong sagot at nilaro laro ng kutsara ng icecream sa aking labi.

Kunot noo niya akong tinititigan habang ginagawa ko iyon. Ano naman kong meron? Tinaasan ko siya ng kilay na mas lalong nagpasalubong sa kanyang mga kilay.

I’ve never been in a relationship for eighteen years of my existence. May iilang mga nangahas but they end up being basted or friendzoned. As much as possible I don’t want to enter in relationship, I’m kind of afraid of commitment. Once you are committed mahihirapan ka nang kumawala. When you’re in a relationship you plan for the both of you not just for youself kaya’t hangga’t maari ay iniiwasan ko iyon. Atleast sa set up kong ito ngayon, I’m gonna be committed in papers not in feelings, I guess?!  Being committed usually either ends up being hurt or getting hurt. So why should I risk if I already know the consequences. My parents experienced it first hand. I’m just avoiding the same mistakes. 

I believe in fate though. Kung para sa isa’t isa ang dalawang tao tadhana mismo ang gagawa ng paraan upang ang kanilang landas ay magtagpo. So I just wait, and trust everything to fate. Sana lang ay handa na ako sa oras na dumating iyon.
My stay in States has an impact on these perspectives. You can stay uncommitted as long as you know your limitations. I started to like the place. Sa tingin ko’y doon ako nababagay. I can be me, freely! Pero ganoon pala talaga, kung kalian nasanay o napamahal na tayo sa isang lugar o bagay ay binibigyan tayo ng mga dahilan bitawan at lisanin ito.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang sumasalampak sa aking kama. I need to finish packing tonight. Bukas ako pupunta sa mga Fuentebella, tita Nathalie told me to go there before they live. Hindi ko alam kong dapat ba akong kabahan, I don’t know what to expect. Hindi ko alam kong paano ko siya pakikisamahan. I’m nervous everytime we talked, iyon pa kayang lagi siyang makasama? Sharing meals and such. Damn!

Nakatulugan ko ang isiping iyon. Kinaumagahan ay halos magmadali ako sa pagaayos sa’king sarili. It’s six in the morning. Alam ko ay susunduin niya ako papunta sa kanila. Naabutan ko si papa at tita Vivian sa dining area. May mga pagkain na ring nakahanda sa lamesa.

“Morning.” Kaswal na bati ko sa kanila at pumunta kay papa upang humalik sa pisngi. “May lakad kayo?” puna ko.

“Yeah. Ngayon ang hearing ng hawak na kaso ng tita mo. Pupunta rin ako roon.” Sagot ni papa. “Anong oras ka raw ba susunduin ni Pierce?”

“Around eight, I guess.” Sagot ko habang nilalantakan ang mga pagkain sa hapag.

“Do you think this is a good idea, Pa?” baling ko ulit sa kanya.

“Micheal invited you so…” alinlangang sagot niya. “Besides kailangan niyong makilala ang isa’t isa for the marriage to work out lahat naman ay kayang matutunan.”

“Pwede ka naman umuwi rito kapag ayaw mo na doon. Just give it a try.” Sabat ni tita.

“But they want me to stay there while they are away. What if I don’t want to be there na? I should stay pa rin? Asar kong tanong.
“Just give it a try Annalise. Pierce is a good guy I can see that.” si papa.

I rolled my eyes.

Really?!

Hindi ko alam kung saang anggulo iyon nakita ng aking ama dahil wala akong makitang ganoon sa kanya.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon