Chapter 20

6 2 2
                                    

Dedicated to jhsz9417 I am motivated writing this chapter because of you. Thank you for the support😘 lab lab
---

Chapter 20

Vacation

Nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng movie para na rin makalimutan ang nakita. Pero bawat pagkurap ko ay iyon ang sumasagi sa isip ko.

Damn! Kasalanan ‘to ng phone e! Ang aga aga seriously?! Ano yon morning routine?  Or way of celebrating dahil umalis ako? What the f*ck!

Nasapo ko ang ulo ko at sulampak ng higa sa backseat. Kanina pa panay ang sulyap ni Kuya Gardo sa rearview mirror baka akala niya nasisiraan na ako ng bait. Totoo naman! I’m freakin’ crazy right now.

Really Pierce?!  I can’t contain myself from getting mad. The thing is...to whom? For what reason? Feelin' like I'm cheated on but...in the first place I don’t have a right.  They were together before I went in and I’m aware of that.

But still he’s my fiancée, we’re engaged!

And…I love him.

That is cheating... on my part!

Ang kanyang imahe ang paulit ulit na rumerehistro sa isip ko. Part of me wants to ruin them pero bakit parang ako yata ang winawasak nila?

Nananamlay akong pumikit. Walang epekto sakin ang pinapanood ko.

How dare he?! After the things he made me feel. The kiss and such… wala lang pala yon?!

Are they playing me?!

They want to play… then I’ll give them a game they want!

“Kuya malayo pa ba tayo?” I asked the driver.

“Malayo pa ma’am.” Sagot niya. Tsk! I want to rest. Nawala ang excitement ko kanina. Parang gusto ko nalang matulog pagdating ko.

MATAMIS na ngiti ni Papa ang sumalubong sa’kin pagkababa ko ng sasakyan. Gusto ko mang suklian iyon ngunit ayaw makisama ng sarili ko. Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi.

“How’s the drive?” ngiti niya.

“Fine.” Matamlay kong sagot.

“Are you alright?” he worriedly asked.

“Yeah. Napagod lang ako sa byahe di ako nakatulog e.” explain ko. Pilit na ngumiti.

“I told Kairo not to bother you but your brother insists. He told me he misses you.”

“I miss him too. Where is he?”

“In his room kanina ka pa hinihintay.” he answered.

“I’ll go to him.” Paalam ko. Hinayaan naman niya ako.

Kai is doing something on the computer when I entered his room. Hindi naramdaman ang pagpasok  ko dahil sa suot niyang headphone. Pumwesto ako sa likod niya at dinungaw ang ginagawa niya. 

Humagalpak ako sa katatawa ng makita ang pinagkakaabalahan niya. He’s chatting with someone!

Gulat niya akong nilingon, nanlalaki ang singkit na mga mata. “You’re chismosa!” nakasimangot niyang sigaw.

I’m still laughing. Mygod!  Akala ko puro libro lang ang inaatupag ng kapatid ko may ganito rin pala. And he’s just ten!

“Who’s Samantha?” I curiously asked.
Bahagyang hinihingal sanhi ng pagtawa.

“You’re being nosy, Ate.” Reklamo niya.

“Ofcourse I’m your Ate, now tell me who is she?” nakapamewang kong tanong.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon