Chapter 13

2 2 0
                                    

Chapter 13

Kumot

Pumanhik kami sa loob ng bahay dumeretso  naman ako  sa aking silid para makapagbihis. Nagtagal ako sa banyo, pagkalabas ko'y nakasalampak si Jena sa kama ko.

"Nasa baba na sila sir pinapatawag ka." buntong hinginga niya.

"Sige...Mauna ka na susunod nalang ako." sabi ko dahil hindi pa ako tapos mag ayos ng buhok pinapatuyo ko pa iyon gamit ang blower.

She gave me a look. Tinatamad siyang tumalima tinungo niya ang pinto at umalis na roon. Hindi ko alam kong paano ako haharap sa kanila. Should I welcome her warmly? In the first place ako ang dayo sa bahay na ito kaya wala akong choice. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

I looked at my reflection on the mirror the girl staring back at me looks pale. Parang halaman na hindi nasisikatan ng araw.

Madalas naman akong nagbababad sa araw tuwing umaga pero hindi pa rin nagbabago ang kulay ng balat ko. I opened the drawer in front of me at kinuha ang isang liptint doon. Nilagyan ko ang aking labi para kahit papano'y magkaroon ng konting buhay ang aking mukha.

Hapit sa katawan ko ang suot kong dress kita ang kurba ng aking katawan. I took my phone and live my room. Pagkababa ko'y tahimik ang paligid walang tao sa sala at sa dining area. I decide to go to the kitchen saktong nakasalubong ko ang isang kasambahay.

"Maam Annalise nasa garden po sila kanina ka pa nila hinihintay." bungad niya sa'kin.

"Ahh sige po. Salamat." ngiti ko sa kanya. At pumanhik na ako patungong garden. Kita kong may malaking lamisang nakalatag doon at may mga pagkain. Si Pierce ay kausap ang dalawang lalaki habang si Jena ay kausap ang babaing kasama ni Pierce kanina sa terrace nagtatawanan sila. Gusto kong pumihit pabalik ngunit nahawakan ko na ang slider door dahilan ng pagtunog nito nagsilingunan sila sa dereksyon ko. Kinakabahan akong nagpatuloy sa paglalakad.

Tumayo si Jena ng makita ako at iminuwestra ang upuang nasa kanyang tabi. Katabi niya sa kanyang kanan si Stacy, nasa kabesira naman si Pierce. Sa tapat namin ay dalawang lalaking hindi ko kilala. Tahimik akong umupo roon, a little bit awkward.

Tumikhim si Pierce. "Annalise, this is Patrick" turo niya sa lalaking mas malapit sa kanya "... Charles..." sa katabi ni Patrick " and t-this is Stacy."

"Hi." ngiti sa'kin ni Stacy. She looks familiar though.

"Hello. How are you?" ngiti ko pabalik. Na tila ikinagulat niya.

"Good. thanks." alinlangan niyang sagot.

"Remember me, Miss Vellasco?" Lahad sa'kin ng kamay ni Patrick.

Kunot noo kong inabot ang kanyang kamay. Tinititigan siyang mabuti.

"Hotel La Victoria" sabi niya.

"Ohh!" lumapad ang ngiti ko ng tuluyan ko ng maalala. Siya ang sumalubong sa'min ni Papa noong dumating kami sa hotel na iyon bago ang engagement. Ngumiti siya at kinindatan ako. Nag abot din sa'kin ng kamay si Charles tinanggap ko iyon at nginitian siya. Jena is setting beside me uncomfortably, pansin ko iyon dahil madalas ang pagkutkot niya sa kanyang mga kamay sa ilalim ng lamesa.

I looked at the girl beside her. She's wearing a long sleeve turtle neck. Tahimik siyang naglalagay ng pagkain sa plato ni Pierce. Pinipilit kong hindi iikot ang aking mga mata.

Isn't she sweet?! Bakit hindi nalang kaya sila ang magpakasal? Mahigpit ang hawak ko sa tinidor, I can't help myself from boiling.

Si Pierce naman ay matamang nakatingin kay Patrick na paminsan minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa gawi ko.

Nginingitian ko nalang siya tuwing nagkakatagpo ang aming paningin. He seems nice. I have this talent na madali kong nahuhulaan ang personality nang isang tao by just observing them. Kaya nalalaman ko kung makakasundo ko ba ang isang tao o hindi.

Tahimik kaming kumain ng hapunan at nagkayayaang mag movie marathon pagkatapos. Makulit at madaldal si Patrick na sinasabayan din ni Charles kaya hindi naging awkward ang pagkain namin.

Tahimik akong nakaupo ngayon sa sofa nasa dulong bahagi ako katabi ko si Jena at katabi naman niya si Charles. Kanina ko pa napapansing panay ang sunod sa kanya ni Charles tahimik ko lang silang inoobserbahan. I don't want to be accused  nosy though. Mahilig lang talaga akong mag obserba sa mga tao sa paligid ko.

Si Patrick ay nasa paanan ko, setting on a carpeted floor. Habang ang dalawang naman ay nasa kabilang sulok nang sofa.
Setting comfortably with each other.
Hanga't maari ay hindi ko sila tinitingnan,  nag iinit ang ulo ko!

"Are you sleeping here?" tanong ko kay Patrick. 'Cause it's almost midnight.

Tumingala siya sa'kin mula sa pinapanood. "If you want me to." pasaring niya.

"I don't own the house so..." I  shrugged at tumingin sa gawi ni Pierce. Nagkatinginan kami, madilim na tingin ang pinukol niya sa'kin. Ano na naman problema nito?

Nauna siyang nagbawi ng tingin dahil may ibinulong sa kanya ang kanyang katabi. Maya maya ay nakita ko siya tumayo pagbalik ay may dala na itong kumot at ibinigay niya iyon kay Stacy.

Umawang ang aking bibig may anong pait sa aking lalamunan. Tinuon ko ang aking atensiyon sa pinapanood at hindi na ulit tumingin sa gawi nila.

Nang matapos ang pinapanood namin ay tumayo si Patrick.

"Bro, can I sleep here." anito kay Pierce.

Tinitigan naman siya nito. "No." supladong sagot nito.

Kumunot ang noo ko. Pati pala sa kaibigan niya may attitude siya. Tsk! Papauwiin pa talaga niya kahit hating gabi na.

"C'mon, bro. Tinatamad na ako magdrive." pangungumbinsi pa ni Patrick.

"No."

"It's already midnight." sabat ko habang nakatingin kay Pierce. Bakit ayaw niya? Ang laki laki ng bahay na ito para makikitulog lang e. Parang hindi kaibigan!

Hindi man lang niya ako sinulyapan.

"Makikitulog lang e." parang batang nagmamaktol si Patrick habang tinutungo ang counter kong saan nakapatong ang susi ng kanyang sasakyan. Natatawa namang tinapik ni Charles ang balikat ni Pierce at tinungo na ang pinto.

Nakalabas na sila ng dumungaw ulit ang ulo ni Patrick sa pinto.

"Annalise, do you have plans tomorrow?" tanong siya sa'kin. Na bahagya kong ikinagulat. Para naman itong kabuti si Patrick kung saan saan sumusulpot.

"Wa-wala naman." tarantang sagot ko. Bumalik pa talaga siya para tanungin ako noon?

"Good. I'll be back tomorrow." sabi niyang nakangisi at kinindatan ako. "Good ni-" hindi na niya natapos dahil biglang humarang si Pierce sa mismong mukha ng kanyang kaibigan.

Lumabas siya at nakasimangot na ng bumalik.

Tahimik pa rin akong nanatili sa sofa. Nakatingin sa babaing tulog at balot ng kumot sa kabilang bahagi ng sala.

Bumalik si Pierce di nagtagal galing sa kusina nakasimangot pa rin. Sinusundan ko ang bawat galaw niya. Lumapit siya kay Stacy at sinimulang iangat ito. Bridal style niya itong binuhat at naglakad na papuntang elevator.

Naiwan ako roong mag isa, may kung anong kirot ang gumuhit sa aking dibdib. Nagbabadya ang aking mga luha.

What's happening to me?

Hindi ko dapat ito nararamdaman!

Gusto ko na ba siya? Mali, mahal ko na ba siya?

This isn't possible!

__________________________________________

WHAT DO YOU THINK READERS INLOVE NA NGA KAYA ANG LOLA MO?😂

HAPPY READING! xoxo ❤

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon