Chapter 15
Bet
Matagal kaming nanatili roon ni Patrick. Pumasok lang kami ng tinawag kami para sa pananghalian. Tahimik ang ang mesa ng dumating kami. Nakahawak ako sa braso ni Patrick ng pumasok dahil medyo masama pa rin ang pakiramdam ko.
Pansin ko ang paninitig ni Pierce sa mga kamay kong nakahawak sa braso ng kanyang kaibigan. Hinayaan ko lang iyon wala naman na akong pakialam sa sasabihin niya dahil nahusgahan na niya ako.
Pinaghila ako ni Patrick ng upuan sa tabi ni Charles umupo naman siya sa tapat ko, katabi niya si Stacy. Maputla ang mukha ni Stacy, tahimik siyang nakaupo nakatuon ang kanyang tingin sa platong nasa harap niya.
Taas noo naman akong umupo sa upuan, madilim pa rin ang mga titig ni Pierce sa'kin. Hindi ako dapat natatakot dahil wala akong ginawang masama pero hindi ko mapigilang hindi kabahan. He's eyes are ruthless, hindi ko siya magawang titigan pabalik!
I think I need to decide now, should I still stay? It seems that my presence here isn't needed and necessary.
Dahil kapag tumagal pa ako rito'y masisira ko lang sila. I'm sure of that! Kailangan kong umalis hangga't hindi pa malalim ang nararamdaman ko dahil sa oras na lumalim ito hindi ako mangingiming ipaglaban ito kahit pa masaktan ako.
Tumikhim si Patrick, "Let's it." masiglang sabi nito, winawala ang tensyon.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik, paminsan minsan ay kaswal na naguusap sina Patrick at Charles sumasabat lang minsan si Pierce. Pansin ko ang madalas na pagsulyap sa'kin ni Stacy, kalmado lang akong kumain. Kung inaakala niyang aawayin ko siya dahil hindi niya sinabi ang totoo ay nagkakamali siya. She's giving me a reason to stay... and take away what's hers.
After kumain ay nagpasya akong pumanhik sa aking silid. Ngayon ko lang naalalang nakaroba lang pala ako underneath is my bikini na hindi ko na na basa dahil sa nangyari. Naligo nalang ako at ipinagpatuloy ang pagguhit. Hapon ng magising ako, hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang gumuguhit.
Medyo nalawayan ko pa ang sketch pad ko. Tsk!
Bumaba ako para kumuha ng merienda sa kusina. Kadalasan ay dinadalhan ako ni Jena pag ganitong oras pero ngayong wala siya'y kailangan ko bumaba. Hindi ko alam kong umuwi na ba sila Patrick, matapos kong magpaalam sa kanya kanina'y umakyat na ako wala naman siyang sinabi kong uuwi siya o hindi, baka nandito pa iyon.
Walang tao sa kusina ng dumating ako, binuksan ko ang ref at kumuha ng lettuce at cheese at iba pang pwedi ilagay sa sandwich. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko'y may pumasok roon hindi ako nag angat ng tingin dahil busy ako sa paggagawa ng merienda ko.
"Where's the maid?" maarteng tanong niya habang kumukuha ng kung ano sa ref. Of course it is Stacy!
Bakit ako kinakausap nito mukha ba akong customer service?
"Dunno" I answered coldly.
Humarap siya sa akin tinitingnan ang ginagawa ko.
"Magpapagawa sana ako ng merienda nasa kwarto ko kasi si Pierce tinatamad bumangon napagod ata sa ginawa namin." nakahalukipkip siya habang sinasabi iyon. Smile is on her face. Nag init ang sistem ko. Why the hell is she telling me that?
" Ohh, so ikaw hindi ka napagod kaya ka narito?"
"Sa ginawa namin?" ngisi niya.
"Hindi sa pagkalunod mo kanina." I said smirking. Napawi ang ngiti niya at napalitan ng pagkairita.
"Hindi. My super hero saved me, eh!" sabi niya bagamat nakangiti ay kita ko ang pagkainis.
"Careful baka masanay ka." ngisi ko.
"What do you mean?!" yaas niya ng kilay. "If you mean na hindi dapat ako masanay dahil iiwan ako ni Pierce kasi ikakasal kayo, I assure you hindi niya ako iiwan. Ikakasal lang kayo sa papel at sa akin pa rin siya uuwi." may diin sa bawat salitang iyon.
Kinalma ko ang sarili kahit sa loob ko'y gusto ko na siyang sakalin. Compose pa rin akong nakatingin sa kanya at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti.
"You're prepare to be a mistress then." tinaasan ko siya ng kilay.
"No I don't. Dahil once na makuha ni Pierce ang gusto niya hihiwalayan kana niya." isang matagumpay na ngiti ang nasa kanyang mukha.
What does he want from me?! Pero dahil naiinis ako sa babaing ito'y mamaya ko na iyon iisipin, aasarin ko muna 'to.
"What if I made him fall for me?" hamon ko.
"You can't 'cause he loves me." she said confidently.
"Wanna bet?" ngisi ko. "The moment we get married he's mine and I'll make sure to get rid of you!" saad ko at taas noong tinalikuran siya.
Unsure kong totohanin ko ba iyong mga sinabi ko, this damn feeling made my bitch side over flow.
Pagkalabas ko ng kusina ay nakasalubong ko si Pierce, nakatingin siya sa'kin hindi ko siya pinansin kahit huminto siya noong nagkatapat kami. Deretso lang ang lakad ko na parang hindi ko siya nakikita.
Noong malapit ko na siyang lagpasan ay nagsalita siya.
"Nagpakuha ka nalang dapat kay manang." sabi nito.
"I can manage." simpleng sagot at tinungo na ang elevator. Ramdam ko ang paninitig niya. Nagtagpo ang aming mga mata noong nasa loob na ako ng lift naputol lamang iyon noong sumara ito. Napasandal ako sa dingding, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ano ba iyong mga pinagsasabi ko kay Stacy?
Napahawak ako sa noo ko. Kaya ko bang gawin yon? Should I make him fall for me? Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni tito Micheal.
Hindi ako sa kwarto ko dumeretso, tinungo ko ang terrace na unang pinagdalhan sa'kin noong dumating ako.
The wind is blowing gently and the view makes my soul on fleek. Sayang at di ko nadala ang phone ko. Nakapikit akong nakahawak sa bannester habang dinadama ang hanging tumatama sa aking balat. This wind is unpredictable, the same with my feelings for him!
I wish I can be the wind sometimes, no emotions nor feelings to worry about.
Along with the breeze I let my emotions flow, moments later, I didn't realize I'm in already in tears.
___________________________________________
P.S. Sorry medyo maiksi bawi ako next chapter hehe
xoxo💛
BINABASA MO ANG
Annalise
RomanceAnnalise, as a payment of her father's debt is obliged to marry a man she hasn't ever met. On the process of knowing him, she found out something that makes her in great fury. She'll do everything to get rid of that girl. Even giving herself up t...