Chapter 4

31 18 1
                                    

Chapter 4

Trouble

New York City. 6:00 AM

Likod ni daddy ang bumungad sa’kin pagkarating ko sa dorm. I partied last night. Gulat ko siyang tiningnan at ganun din siya. Hindi ko inaasahan na dadalaw siya.

“P-Pa” gulat na bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bumaling siya sa aking higaan na puno ng kalat mga damit na pinagpilian ko kagabi.

“So ito ang ginagawa mo dito habang nagaaral ka?” tanong niya habang nakataas ang kilay.

Kinabahan ako.

“H-Hindi po. Actually ngayon lang to Pa, nagkayayaan lang since patapos na ang school year. Pauwi na ang iba sa kanilang mga lugar.” Paliwanag ko.

“Pack your things we’re living.” Sabi niyang tinitingnan ang bawat sulok ng aking dorm.

“P-Po? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko.

“Philippines”

“WHAT?” gulat kong tanong.

Ano gagawin ko don? Akala ko ba dito na ko mag aaral? Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ko magawang maisatinig.

“Babalik pa po ba ako rito?” sa wakas ay naitanong ko.

“Depends.” Cold niyang sagot.

“On what?”

“On the situation.” sagot niya at tinungo na ang pinto.

Malalim na bungtong hininga ang pinakawalan ko. Ano na naman kayang pakulo ito.

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin. I’m wearing my sunglasses and my signature pair long pants and  croptop with a denim jacket. Sunundo kami ng isang limo sa airport.

Damn. I don’t know what’s happening.

Hindi ito ang sasakyan namin at hindi ko rin alam kong saan kami pupunta.

I’ve been in states for almost a year. I started my college there.
After I graduated in high school my dad sent me there to study. He wants me to pursue law related course dahil dito kilala ang aming pamilya. May mataas siyang katungkulan sa gobyerno. He told me that someday dapat ako rin daw ay magkaroon ng ganoong posisyon. I obey him kahit na hindi naman iyon ang gusto ko because I don’t want to disappoint him. I used to dream of being a fashion designer which my father dislikes the most. Fashion designing isn’t a job for him it’s more on glamour and fame mas maganda raw iyong utak ang labanan at puhunan.

Huminto ang limo sa tapat ng isang five star hotel. Pagkatapos akong mapagbuksan ng pinto ay pumasok na kami sa loob nasa likod ako ng aking ama. Sinalubong kami ng naka coat na lalaki.

“Senator.” Nakangising bati nito kay Papa at naglahad ng kamay. Kinamayan naman siya pabalik ng aking ama.

Bumaling ito sakin.

“I’m Patrick.” Ngiti nito at naglahad ng kamay.

“Annalise” sabi ko at inabot ang nakalahad niyang kamay.

Nagtawag ito ng tauhan sa hotel at pinahatid ako sa aking room. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ganun ba ka importante ang dadaluhan naming event para lang sunduin pa ako sa Amerika?
I’ve been in my dad’s business meetings several times. Kung hindi available si tita Vivian, my dad’s wife, ay ako ang dinadala niya para masanay daw ako.
Nararamdaman kong hindi ito ordinaryong business meeting lang.  Kayang dumalo ni dad may kasama man o wala. Bakit kailangan akong sunduin sa Amerika at siya pa mismo ang sumundo sa’kin? Pwede naman akong umuwi magisa dito since kakatapos lang ng school year namin.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon