Chapter 12

4 2 0
                                    

Chapter 12

Terrace

Nahihiya akong tumikhim at tinungo ang treadmill. Pinaandar ko iyon at nagsimula na akong maglakad doon hangang sa nagtagal ay tumatakbo na 'ko. Maybe I need to work out more.

" 'Wag mong pansinin yong sinabi ni sir, ganoon lang talaga yon miss masungit minsan pag wala sa mood." maya maya pa ay sabi ni Jena.

So wala siya sa mood ngayon?

Tsk! Paano ko siya pakikitunguhan kong lagi siyang wala sa mood?

Pilit akong ngumiti kay Jena habang pinagpapatuloy ang ginagawa. I started to feel my sweat. I think hindi naman ako mabobored dito. Hindi ko kailangan lumabas para mag gym dahil meron naman dito and the view is perfect. Ang problema ko nalang ay kung paano ko pakikitunguahan ang lalaking iyon sa tingin ko sa kanya ako mahihirapan.

"Wanna join me?" baling ko kay Jena na nakatayo lang sa isang sulok. Hinihingal akong bumaba at tinungo ang kinaroroonan ng maliliit na dumbbell.

Sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangan ng trainor saka nalang ako magboboxing kapag nakabalik na ako sa amin.

"Na'ko hindi na po, miss. Wala po akong hilig jan sasakit lang ang katawan ko." mahinhing turan niya.

"How old are you?" sa hula ko'y hindi nagkakalayo ang agwat ng edad namin. She looks young.

"20 na'ko." sagot niya.

"Matagal kana dito?"

"Medyo. Matagal na naninilbihan dito ang Nanay ko. Mula nong nagkolehiyo ako ang mga Fuentebella na ang nagpaaral sa'kin kapalit ng pagtulog ko sa mga gawaing bahay." kwento niya.

"Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ko.

"Hindi naman. Mas madali ang mga gawain dito kesa sa mga ginagawa ko sa probinsiya." ngiti niya.

"I mean, mahihirapang pakitunguhan ang mga amo mo. Kagaya ni Pierce."

"Mabait naman si sir Micheal. Si sir Pierce naman mabait naman yon hindi lang pala kibo depende din sa mood niya. 'Tsaka minsan lang siya umuuwi rito."
Naalala ko nga pala yong sinabi ni kuya driver. Iba iba ng condong inuuwian ang lalaking iyon.

"So, tuwing kailan lang siya umuuwi?"

"Tuwing dumadalaw sila ni Stacy." diretsong sagot niya at maya maya'y napatakip siya sa bibig niya.

"Sino si Stacy?" curious na tanong ko.
Kagat na kagat niya na ngayon ang kanyang kuko. Gusto kong matawa sa ginagawa niya para siyang bata na may ginawang kasalanan.

"Ahh,.. wala yon miss kaibigan lang yon ni sir Pierce." tila nagpapanik niyang sagot at pilit ang ngiti sa labi. Tiningnan niya ang suot na orasan sa kamay.
"Kailangan na pala ako sa kusena tawagin mo nalang ako miss kung may kailangan ka." at nagmamadali na siyang umalis.

Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin hangang sa makapasok ng elevator. Umiiling akong bumalik sa ginagawa.

Stacy huh?! Bakit ilag siyang malaman ko kung sino si Stacy? I guess I have my first assignment in this house. Find out who is Stacy!

Ano naman mapapala ko doon? Wala naman akong paki sa lalaking yon ba't pag aaksayahan ng oras? Tsk!

'Tsaka ano naman kong sakaling girlfriend nga niya?

Girl friend niya kaya si Stacy? Uminit bigla ang ulo ko. How dare he! Magpapakasal kami tapos may girlfriend siya? Who's gonna be the mistress, ako o siya? Hindi ako papayag doon. Hell no!

Bakit niya gustong magpakasal in the first place kong may girlfriend naman pala siya? Bakit hindi nalang sila ang magpakasal? I groaned in frustration.

Tatlumpung segundo akong namalagi roon bago nagpasyang bumaba. I went straight to my room to take a bath and change clothes. Kakatapos ko lang magbihis ng kumatok si Jena para sa pananghalian. I'm wearing a tube floral dress. Feel na feel kong magsuot nito ngayon para rin namang nasa bakasyon ako dahil sa mga tanawin. I'm missing the beach though. I miss wearing my bikinis.

Naabutan ko sa hapag si Pierce inaantay siguro ang pagdating ko. Tinitigan niya ako pagkapasok ko palang sa dining area. Hinila ni Jena ang upuang para sa'kin. Tahimik naman akong umupo roon pinapakiramdaman ang lalaking nasa kabisera. Wondering what's his mood right now. Tupakin!

"What's so funny?" seryosong tanong niya.

"Wha-what?" natatawa kong tanong. "It's none your business." tikhim ko.

Nagsinghapan ang mga kasambahay na naroon kabilang na si Jena.

Tinitigan niya ako ng masama. Pinaglihi at 'tong si Pierce sa sama ng loob!

"I'm leaving later. Baka di ako makauwi mamayang gabi." sabi niyang hindi manlang nag angat ng tingin sa'kin. Patuloy lang siya sa pagkain.

"Why?"

"It's none of your business." sarkastikong sagot niya at sinalubong ang tingin ko.

Ilang segundo kaming nagkatitigan una siyang nagbawi ng tingin. Hindi na nasundan ang usapang iyo hanggang sa natapos kami sa pagkain.

Should I be happy na lagi siyang wala rito? Lagi naman kaming nagkakasagutan tuwing nagkakaharap kami. Or dapat kong ikalungkot dahil wala naman palang kwenta ang pagpunta ko rito. What's the purpose of me staying here? Para lang matawag na may tao o bisita sa bahay nila?

It's been five days. Ang huli naming pagkikita ay noong una kong dating rito. Mula noong sinabi niya sa'kin na hindi siya uuwi that night hindi na talaga siya umuwi ng tuluyan. Baka kay Stacy iyon umuuwi. What am I, a mistress? Hell, I won't allow that. Baka pinagtatawanan ako ng dalawang 'yon ngayon.

Everyday, inuubos ko ang oras ko sa pagwo-work out at pag di-disenyo ng mga damit. Halos mangalahati na ang bago kong biling sketch pad. I kind of feel bored.Halos puno na ang gallery ko sa mga pictures kakakuha ko nang litrato sa paligid.

Jena used to entertain me kahit papaano. We watched movies together at night sometimes o di kaya ay nag swi-swimmming. I still don't know who Stacy is. Mailap si Jena t'wing yong ang topic namin lagi niya iniiba ang usapan that makes me more curious.

Narito kami ngayon sa pool side I'm wearing my bikini. Nakahiga ako sa sun lounger habang hawak ang aking sketch pad. Tinaas ko ang aking sun glasses at tiningnan ang katabi kong sun lounger where Jena is lying reading book. Hindi ko alam kong mag si-swimming ba kami o hihiga lang dito.

"Jena, c'mon take that clothes off let's go swimming." maarti kong sabi. Paano kanina ko pa siya niyayayang maligo ayaw niya sinasamahan niya lang daw ako rito.

"I'm not allowed to swim, miss. I'm on my work." sabi niya habang tutok pa rim sa librong binabasa.

"Shut that formality. Anong work sinasabi mo wala ka namang ginagawa nagbabasa ka lang." sabi ko at inikot ang mata. Sa Apat na araw naming magkasama'y naging malapit na rin kami sa isa't isa. Nakilala ko na rin ang kanyang ina na mayordoma rito. Pero madalas na itong magkasakit. Minsan nalang dumadalaw rito kadalasan ng mga ginagawa niya'y si Jena ang pumalit.

"Taking good care of you, miss." pang aasar niya. Sinimangutan ko siya at tuluyan ng umalis roon para makapag swimming. Kahit papanoy narerelax ako tuwing nakakapag swimming.

Dalawang oras na ata kami roon pinagod ko ang sarili ko kakalangoy para makatulog ako mamayang gabi ng mahinbing. Pansin ko kasi kapag hindi ako pagod ay hindi ako makatulog nang maaga kaya kailangan kong pagurin ang katawan ko.

Bumukas ang sliding door sa taas malakas ang tonong nito na nakaagaw ng pansin ko. Nakatapat iyon dito sa pool side. Sa mismong kwarto iyong ni Pierce. Nakita kong lumabas siya roon madilim ang titig niya sa gawi ko. Ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa bannester. May kung anong nagwawala sa tiyan ko habang nakatitig ako sa kanya. Kailan pa siya dumating?

May sumunod roon sa kanya, isang babaing straight ang buhok at nakaputing bestida. Hinawakan nito ang braso niya at may kung anong binubulong sa tenga niya.

Who is she?

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon