Chapter 19
Phone
Pagod akong napasalampak sa malambot kong higaan. Kakaalis lang mg mga bisita ni Pierce. Being with them is fun but a bit tiring. They're all friendly and nice lalo na si Neecy, nagyaya pa sa'kin makipag coffee date some other time. She's so sweet, I like her.
Kailangan ko pa palang magpaalam kay Pierce dahil uuwi ako bukas. Kahit napapagod ay nilisan ako ang aking silid at tinungo ang kanyang office. Doon ko siya kanina huling nakita bago ako pumasok sa aking silid. Pagkalabas ko ng pasilyo ay tanaw ko ang pinto ng office, bumukas iyon at lumabas ang naka robang si Stacy.
Seriously! Pati office di nakaligtas sa kanila?!
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang kumatok. Tatlong katok ang ginawa ko bago binuksan ang pinto. Dim ang ilaw sa loob nakita ko naman siya agad nakaupo sa kanyang swivel chair, nakapangalumbaba.
Lumapit ako sa table na kinaroroonan niya. "Uhmm, m-magpapaalam sana ako, uuwi ako bukas." kinakabahan kong saad. Damn! Why I'm so freaking nervous?!
He is now caressing his chin staring at me intently.
"Why?"tanong niya.
Napaismid ako.
"Gusto ko lang." pabalang kong sagot. Di naman kailangang alam niya ang dahilan ang mahalaga ay nagpapaalam ako.
Mataman niya akong tinitigan bahagya pang nakahilig ang ulo tila binabasa ang nasa isip ko.
"Okay." he said impassively.
"Uhm. o-okay." naiilang kong turan. Di makapagpasya kong aalis na roon. "Alis na ko." turo ko sa pinto.
Nakatingin lang siya sa'kin.
Mabilis na akong pumanhik palabas doon. Pagkalabas ko'y napasandal ako sa pinto. That was awkward!
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. I'm excited as fuck! Nag ayos ako ng mga gamit ko. Iuuwi ko ang iba kong mga damit papalitan ko iyon ng iba. I like styling my clothes, ayoko ng paulit ulit ang style ng damit. My love of fashion design is applied on my clothes. Kahit dito papaano ay nagagawa ako ang trabahong gusto ko.
Pagkababa ko sa dining area ay naroon na si Pierce nakaupo sa kabesira. Magulo pa ang buhok nito halatang kakagaling lang sa higaan. He looks hot though. Lihim akong napangiti sa tanawing nabungaran. Kahit hindi siya mag effort ay kita mo na ang ganda ng kanyang mukha at katawan.Para siya greek god you can sense power by just staring at him.
Tamad siyang umiinom ng hot chocolate. Bakit ang aga niya yatang magising ngayon? Umupo ako sa usual sit ko. Di nagtagal ay dumating na rin si Stacy, malapad ang ngiti nito na pumasok sa dining area.
Umismid naman ako. Maganda na sana ang umaga e!
"Good morning." masiglang bati nito.
"Morning" simpleng bati ni Pierce. I want to roll my eyes. Tinapunan ko lang siya saglit ng tingin at di nagabalang bumati. I'm sure naman hindi ako kasali sa bati niyang iyon. It was all for Pierce.
Panay ang harutan nila at usap ng kung ano ano. Ang aga aga e. Tsk! Panay rin ang tanong nito kay Pierce at sinasagot naman siya agad ni Pierce. Bakit nga ba ako sumabay sa pagkain ngayon? Gusto kung magmura!
"Ma'am Annalise, handa na raw po ang sasakyan. May ipapakuha ka po ba sa taas?" bungad ng isang katulong. Natigilan ako dahil hindi ko pa pala iyon naipapahanda. Sasabihin ko palang dapat after ko magbreakfast. Alam nila na aalis ako ngayon?
"Uhmm, pasuyo nalang po nang hand carry na bag ko sa room." sabi ko.
"Sige maam." sabi nito.
"Thank you." habol ko.
BINABASA MO ANG
Annalise
RomanceAnnalise, as a payment of her father's debt is obliged to marry a man she hasn't ever met. On the process of knowing him, she found out something that makes her in great fury. She'll do everything to get rid of that girl. Even giving herself up t...