Chapter 17
Wedding gown
Nang mga sumunod na araw ay iniwasan kong magtagpo ang landas namin ni Pierce. Tuwing sa tingin ko ay magkikita kami'y lagi akong umiiwas o umaalis. Sa pagkain naman ay nagpapahatid nalang ako sa aking kwarto. Nasa sistema ko pa rin ang kahihiyang dinanas ko noong nakaraang araw. It was my fault, I know.
Ngayong araw ang balik ni Jena. Halos isang linggo siyang wala dahil kinailangan niyang alagaan ang kanyang inang may sakit. Nagpasya akong gawin muli ang mga nakagawian kong gawain dito. Bahala na kung magkita man kami ni Pierce!
Kakatapos ko lang maggym mamaya ay papanhik ako sa pool. I know I shouldn't be swimming kasi kakatapos ko lang maggym but I missed it. Ilang araw ko ring tiniis na hindi magawi roon sa pool area.
I'm wearing my one piece bikini, kulay dilaw ito. Nakapusod ang aking buhok at ginawang headband ang shades na madalas kong sinusuot. I brought my sketchpad and phone. Nagsuot ako ng roba, nasa tenga ko naman ang lapis na gagamitin ko sa pagguhit.
Nakasalubong ko sa pasilyo si Stacy. She's wearing a sleeveless white floral dress. Nakaismid siya nang magkasalubong kami, I ignored her deretso lang ang lakad ko. Napahinto ako noong lumagpas siya sa akin...Something pop into my mind. Nilingon ko siya.
"Wait..." pingil ko sa kanya bago siya makaliko ng tuluyan sa isang pang pasilyo.
"Were you there on our engagement?" curious na tanong ko. She's really familiar with that dress of hers. Parang nagkita na kami kong saan.
Nilingo niya ako bahagyang nagulat. Ilang saglit na natigilan bago sumagot. "So, what if I was there?" balik tanong niya.
Napailing ako tuluyan naman siya naglaho roon.
So it was her!
'Yong babaing nakita ko sa may elevator noong gabing iyon. Siya ang tinutukoy ng kapatid ko na kasama ni Pierce. Was she invited? Bakit parang palihim siyang pumunta kong ganon?
Dinala ako ng aking paa sa living room iniisip pa rin iyon. I need to talk to Jena, titingnan ko kung nakarating na ba siya. Pagkarating ko roon ay sumalubong sa'kin ang mga kalalakihang nagtatawanan. Lahat sila naka black coat ang dalawang babae naman sa gilid ay nakadress. Sa gulat ko'y napahawak ako sa robang suot ko takot na baka mahulog ito. Nagtigilan sila sa paguusap at sabay sabay na bumaling sa'kin.
Maging si Pierce na naroon din kausap ang isang babae ay napatingin, jaw clenched. Nagsimulang mag init ang pisngi ko. They are all staring at me. May sumipol din na isa roon.
"Annalise, swimming again?" masayang bati sa'kin ni Patrick. Naroon siya sa gilid naka black coat din. Hindi ko mga kilala ang mga taong naroon. Sa hinuha ko ay mga partners nila ito sa negosyo.
Bakit naman kasi naiisipan nila mag meeting sa sala? Anong silbi ng napakalaking office sa taas?
"Yeah." simpleng ngiti ko.
"By the way, this is Annalise Vellasco my fiancée." pakilala sa'kin ni Pierce habang ang mga kamay ay lumapat sa aking bewang. "Please excuse us." paalam nito at hinatak ako paalis.
Dinala niya ako sa kusina marahas niya akong sinandal sa pader dahilan ng pagkalaglag ng lapis sa nakapatong sa aking tenga. Mahiglit ang hawak niya sa braso ko madilim ang kanyang mga mata.
"What was that? galit na singhal niya sa'kin. "And what the hell are you wearing?" pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan na nababalutan ng manipis na roba, nagiigting ang kanyang panga.
" I-I didn't...know that you have visitors." nauutal kong sagot.
"Kaya sinadya mong pumunta sa living room?" paratang niya.
I rolled my eyes. "I told you I didn't know. I was looking for Jena." paliwanag ko.
"You know Jena isn't here." taas niya ng kilay. Galit pa rin ang kanyang mga mata.
Hindi na ako sumagot I just rolled my eyes again."Stop it." singhal niya ulit.
"Stop what?" Kinunutan ko siya ng kilay.
"Bakit ba kasi kayo sa living room nag meeting pwede namang sa office." inikot ko ulit ang mata ko. Nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako.
"I told you to stop it." marahas niyang inangat ang baba ko at siniil ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko, shocked of what's happening. His soft and tender lips is kissing me intensely. Ramdam ko ang galit at panggigigil sa halik na iyon. Ang kanyang kanang kamay ay nakalapat sa pader, ikinukulong ako.
He's bitting my lower lip dahilan ng pagbuka ng bibig ko. This man is so unpredictable. The way I like it.
I was about to respond ng pinakawalan niya ang labi ko. He gazed at me, fiercely. Pareho kaming hinihingal at nakatingin lang sa isa't isa.
Biglang pumasok ang isang katulong sa kusina kaya tinanggal niya ang kamay niyang nagkukulong sa'kin.
"Go change your clothes." utos niya.
"But, I want to swim." pagtangi ko.
"Tsk!" irap niya at iniwan na ako roon, tulala. Hinawakan ko ang aking labi di ko mapigilang hindi mapangiti. That was so damn sweet. Sa tanang buhay ko hindi pa ako nahahalikan ng ganon. I maybe kissed a guy in US pero hindi ganoon ka intense ang epekto nito sa akin. This is so damn nerve-raking at the same time thrilling!
Tumikhim ang katulong na naroon kaya bumalik ako sa huwesyo ko. Naginit ang aking pisngi nagmamadali kong nilisan ang kusina.
Tinungo ko ang pool area. Taliwas sa sinabi ko kay Pierce, baka hindi muna ako makapagswimming ngayon. Maraming pumapasok na disenyo sa isip ko na excited akong iguhit. What's on my head is different from my usual designs. This is aomething unique!
Napapangiti akong gumuhit ng magandang wedding gown na personal kong gusto. Kadalasan kasi sa mga ginuguhit ko, I can't see myself wearing those. Puro iyon typical na gusto ng mga kababaihan.
But now is defferent, ito mismo ang gusto kong suotin kapag kinasal ako.
Sana masuot ko 'to... not soon but someday!
Nangingiti kong pinagbutihan ang pagguhit ng mga disenyo.
Damn this feeling masyado akong namomotivate. Tsk!
BINABASA MO ANG
Annalise
RomanceAnnalise, as a payment of her father's debt is obliged to marry a man she hasn't ever met. On the process of knowing him, she found out something that makes her in great fury. She'll do everything to get rid of that girl. Even giving herself up t...