Chapter 6

26 16 2
                                    

Chapter 6

Girlfriend

Susundan ko sana siya ngunit may nahagip ang aking paningin. Nabaling ang attention ko sa babaeng nasa gilid ng elevator. She’s wearing a simple white dress, kakaiba iyon sa suot ng mga bisitang narito. She's staring at me, tinitigan ko rin siya pabalik. It's kind of dark kaya hindi ko masyado maaninag ang mukha niya.

Bakit siya nakatingin sa’kin?
Nakita niya kaya ang paguusap namin ni Pierce?

Naglakad ako patungo sa kanya, nilapag ko sa nadaanan kong table ang wine glass na hawak ko, pag angat ko ng tingin pabalik sa kanyang dereksyon ay wala na ito roon. Sinubukan kong igala ang aking paningin baka mahanap ko siya sa mga bisita ngunit hindi ko na siya natagpuan pa.

Who is she?

“Ate” tawag sa’kin ng aking kapatid na bahagyang nagpagulat sa’kin.

“Are you okay? Are you looking for someone?” tanong niya.

“N-No. May nakita lang ako kanina yayayain ko sana to join the party kaso di ko na siya mahanap.” Paliwanag ko.

Tinitingan ko ang aking kapatid. He looks so bored and sleepy. He's not into parties and gatherings like this, mas gusto pa niyang magbasa o makinig ng music sa headphone niya. I feel bad dahil pati siya ay nadadamay dito.

“If your looking for your fiencee nakita ko siyang lumabas kanina may kasamang babae.” Sabi nito.

Ohh. Girlfriend niya?

“No. No I’m not looking for him.” I told my brother.

Hindi naman talaga siya ang hinahanap ko. Pero sino naman kaya ang babaing kasama niya?

“Are you sure you wanna marry him?” parang matandang tanong niya.

“I- I don’t know. Maybe...” pang aalinlangang sagot ko.

“Then why you got engaged if you’re still hesitant?” nakakunot noong tanong niya.

Napapikit ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Paano ko nga ba to ii-explain sa sampung taong gulang na batang kagaya niya? Hindi ko naman pwedeng sabihing kasalanan 'to ni Papa baka magtanim siya ng galit sa aming ama. 

“You know what, it’s a long story and I’m gonna be tired if I explain it to you right now.” I told him habang hinihila siya. “You want your Ate to be tired?” malambing na tanong ko sa tapat ng mukha niya at piningot ang kanyang ilong.

He frowned. “No.” napipilitang sagot niya at hinila ko na ulit siya para hanapin ang si Papa at si tita Vivian. Natagpuan naman agad namin sila sa isang table na malapit sa mini stage. Maikli lang ang naging  program and I just go with the flow. Pinakilala lang kami as engaged and that’s it. May iilang photographers na naroon mas mahaba pa ang pagkuha ng mga litrato kesa sa mismong program. Pabor naman sa’kin yon.

“Hija where is your fiencée?” tanong sa akin ng nagpakilala kanina bilang kapatid ni tito Micheal. Maganda ito at maputi hinuha ko’y mas bata ang mukha nito kesa sa kanyang edad.

“Here” a baritone voice answered behind me.

Nilingon ko siya upang tingnan kong may kasama siya gaya ng sabi ng aking kapatid ngunit wala.
Kairo sits beside his mom at ako naman ay sa kaliwa ni Papa. Tumabi naman sa’kin si Pierce. Nasa aming harapan ang kanyang mga magulang.

“Magkasama naman pala kayo akala ko iniwan mo itong si Annalise." ngisi ni tita Agatha. "Kamusta naman nagkakamabutihan na ba kayo?” tanong ulit nito, nanunukso ang tingin.

“Nag restroom lang ako saglit. Yeah, we’re good tita.” Sagot ng aking katabi sa kanyang tiyahin habang bumabaling sa'kin. Ngumiti nalang ako bilang pagsang ayon.

“ That’s great. Napakaganda nitong si Annalise naaalala ko tuloy si Maddie. Para kayong xerox copy ganyang ganyan ang mukha niya noong kaidad mo siya.” tukoy nito sa aking ina. Naikwento niya sa’kin kanina na naging kaklase niya si mama noong college at naging teammates sa volleyball. My mom is a volleyball analyst, natigil lang noong lumipat siya sa Canada upang doon na mag aral.

Ngiti lang ang ang naging tugon ko sa kanya. As much as possible ayokong napag uusapan si mama lalo sa ganitong mga okasyon I can't help feeling a bit lonely.

Ganito rin kaya ang mangyayari sa’kin kung buhay siya? Magagawa ko kaya ang mga  gusto ko kung nandito siya? My best memory of her was being so supportive on everything I do. I can't help asking those questions. Kung sana nandito siya!

Tumikhin si Tito Micheal at sinaway ang kanyang kapatid. Tumigil naman ito agad at humungi ng paumanhin.

“It’s okay tita.” Mahinang sabi ko at nginitian siya. Hindi siguro tama na lagi akong iwas na pag usapan si mama dahil lang nalulungkot ako. Maybe I should be happy cause I know she's in peace and happy up there.

“Sabi nitong Papa mo sa States ka raw nag-aaral. What are you studying?” tanong niya upang maiba ang usapan na hilim kong ipinagpasalamat.

“Political Science po.” Magalang na sagot ko dahil lahat nang taong naroon sa lamesa ay sa'kin ang atensyon.

“Susunod sa yapak.” Ngisi ni tito Micheal habang nakatingin kay papa.

“Do you party often in States?” tanong naman ni tita Nathalie, mommy ni Pierce.

Natigilan ako. Naalala ko ang nadatnan ni papa noong sinundo niya ako.

“Minsan lang po kapag may okasyon lang o di kaya nagkayayaan.” I answered nervously.

“People in States are liberated I hope you’re not.” she said coldly. Walang kahit anong imosyon ang makikita sa kanyang mukha.

“Of course she’s not, Natalie. Dito siya lumaki at mag iisang taon pa lang siya roon.” sabat ni tito Micheal dahilan ng pagtaas ng kilay ng kanyang asawa. I can sense tension for the two pero iwinaksi ko nalang iyon.

Sa aking gilid ay kita kong ring nakatingin  siya sa’kin. I remember what he said a while ago.

Wild.

“Pierce doesn’t like to party. Bka hindi kayo magkasundo pagdating jan kapag kasal na kayo.” Cold na saad nito habang imiinom ng wine.

Natahimik ako.

Tito Micheal stared at his son.

“I can compromise.” Sabi ng aking katabi pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

Hindi ko mawari kong seryoso siya o sinadya niyang lang sabihin iyon upang magpaimpres sa kanyang ama at sa mga taong naroon. I believe the latter.

Humalakhak ang kanyang ama.
“Iyon lang ata talaga ang namana niya sa’yo Aeron.” Sabi niya sa’king ama habang humahalakhak.

“And the brain too.” Nagtawanan silang dalawa hindi ko naintindihan kung para saan iyon.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon