Chapter 10

4 2 0
                                    

Chapter 10

Sundo

Halos kaaalis lang nila papa nang tinawag ako sa aking kwarto dahil nariyan na ang aking sundo. Matapos nilang ibaba ang aking malita ay nagpasya na akong bumaba. I’ve got unknown feeling within, magkahalong kaba iyon at pananabik. I don’t really understand myself though. I’m wearing a sleeveless top and square pants, I’m confortable wearing this kaya hindi ko na iyon pinatungan ng cardigan. I express myself through clothes.

Bago ako bumaba at tinungo ko muna ang silid ng aking kapatid. Isang katok lang ang ginawa ko at binuksan ko na ang pinto.

Nakahiga pa siya sa kanyang kama kakagising lang siguro.

“I’m leaving.” Sabi ko habang lumalapit sa kanya.

“I know.” Supladong sagot nito. Nilapitan ko siya upang halikan sana sa pisngi ngunit bumalikwas siya sa kanyang higaan. Kunot noo ko siyang tinitigan.

“I haven’t brush my teeth yet. You can go now.” Pagtataboy niya.

Sinimangutan ko siya. “You’re rude. Hindi pa nga ako nakakaalis tinataboy mo na agad ako. ‘Wag kana magtampo dadalaw naman ako dito minsan o di kaya ikaw ang dumalaw sa’kin.” ngiti ko.
Alam ko nagtatampo siya dahil minsan nalang kaming magkasama tapos aalis pa ‘ko ngayon.

“Tss. Okay.” Sabi niya at naglakad na papuntang banyo. Dismissing me completely. Mana talaga ‘to sa pinagmanahan!

“Be a good boy take care of papa and your mom and… don’t read fifty shades!” sigaw ko sa pinto ng banyo. Kahit di ko siya nakikita alam kong nakasimangot iyon.

Nakakamis lang mang asar ng kapatid!

Sinalubong ako ni manang pagkababa ko habang ang ibang katulong ay busy sa paglalagay ng iba kong gamit sa sasakyan.

“Ingat Annalise.” Sabi sa’kin ni yaya, nginitian ko naman siya.

“Si Pierce po?” tanong ko.

“Wala po ma’am driver lang po nila ang nariyan para sunduin ka.” Sabat ng isa naming kasambahay na si Berta. Nakita kong may bumaba sa isang itim na sasakyan nakaputing polo ito hinuha ko’y uniporme nila iyon. Hindi ko mapigilang hindi madismaya. Hindi pala siya ang susundo sa’kin, ba’t nga ba ako ng expect? Pinagbuksan ako ni manong ng pinto at pumasok na ako sa loob.

“Ingat ma’am Annalise.” Pahabol na sigaw pa ni Berta na sinuklian ko naman ng kaway.

Hindi ko alam kong ilang oras ang byahe naming baka matulog nalang muna ako. Panay ang tingi ko sa bawas gusaling nadadaanan namin. I don’t know why I’m always fascinated by cities. Kaya sa halip na matulog ay ito ang ginawa ko sa buong biyahe namin. Kahit na kadalasan ay humuhinto ang sasakyan dahil sa traffic ay naeenjoy ko pa rin kahit papano. Maya maya pa ay pumasok na kami sa isang subdivision. Kahit ko nakita ang pangalan nito’y tiyak kong mayayamang tao ang mga nakatira dito. This is an exclusive village in Makati. Mga iilang sikat na tycoon ang mga nakatura dito. Kung ganito na pala sila kayaman bakit pa nila kailangan ng connection namin?

“Kuya asan po tayo?” tanong ko sa driver.

“Forbes Park ma’am.”

“Dito nakatira sila Pierce?”

“Opo, pero si sir Pierce minsan lang dito sa condo siya madalas umuuwi.”

“Saan ang condo niya?” iyon atang tinutukoy niyang malapit sa school niya.

“Marami po ma’am e. Iba iba siya ng condong inuuwian. Marami po kasi silang condong pag aari dito sa manila.” Paliwanag niya.

“That’s their business?” manghang tanong ko.

“ Opo, meron pa po sila negosyo abroad ‘di ko lang po alam kong anong business nila sa ibang bansa.” Sagot nito.  Kung hindi niya alam ibig sabihin iba ang negosyo nito sa ibang bansa hindi katulad ng negosyo nila sa pilipinas. Mangha pa rin ako higit namang mas malaki ang negosyo nila kesa sa amin pero bakit kailangan pa nila ng pangalan at koneksiyon ni papa? Walang wala ang law firm ni papa at tita Nathalie kompara sa mga gusaling meron sila.

Maya maya pa’y tumigil ang aming sasakyan sa isang bahay este mansion. Mapakalaki nito at magarbo kahit sa labas palang. May natatanaw akong fountain sa gitna ng bakuran nito. Dere-deretso ang pasok namin pagkabukas ng malaking gate huminto lamang ito noong nasa tapat na kami ng isang malaking pinto. Nakabukas ito at may mga naka uniporming katulong na nag aabang doon. Pinagbuksan ako ni kuya driver ng pinto at sinalubong ako ng mga katulong na naroon.

Good morning Miss.” Bati nila sa’kin ng sabay sabay. Natatawa ko silang binati pabalik. Para silang mga estudyanting naghihintay sa kanilang guro. Apat silang naroon dalawa sa kanila’y halos kasing idad ko lang at ang dalawa nama’y mga nasa mid-40’s na. Hindi ko alam kong ganito ba talaga dito sa kanila. Masyado naman atang pormal ang ganito hindi ako sanay. Kinuha nila ang dala kong maliit na bag at hinatid ako ng dalawa kong saan naroon ang pamilyang Fuentebella.

Dinala nila ako sa terrace ng second floor kung saan ngiti ni tito Micheal ang sumalubong sa akin. Mula rito ay tanaw ko ang mga kabahayan sa paligid. Mukhang magugustuhan ko dito. I like places where I could see cities and city lights. Niyakap ko pabalik si tito micheal habang nananatiling nakaupo sa marmol na lamesa ang kanyang asawa. Sunod akong lumapit sa kanya at bumeso sa kanyang pisngi. My future husband is nowhere to be found.

“Kamusta ang biyahe?” masayang tanong sa’kin ni tito.

“Ayos naman po. I enjoyed the drive here.” Nahihiya kong sagot. Hindi sigurado kong mapapaniwala ko sila kasi nag enjoy naman talaga ako.

“Natraffic daw kayo?” si tita.

“Uhmm, opo. But I enjoyed watching the cities kaya hindi ako masyado na bored.” Ngiti ko.

“Pierce is in the gym. Nasa rooftop lang yon you can go there if you want pahatid ka nalang Jena.” Turo ni tito sa nasa likod kong kasambahay. “ I hope you like it here. If you need anything just ask Jena.” Tito stated.

“Okay po.” Sang ayon ko. “What time is your flight po?” baling ko kay tita habang sumisimsim ng juice na inabot sa’kin ni Jena.

“ Six but where leaving hinintay ka lang namin.” Simpleng sagot niya. At nag simula ng tumayo.

“May dadaanan pa kami ng tita mo.” Dugtong naman ni tito. “Jena pahatid si Annalise sa kwarto niya.” utos nito sa nakatayong si Jena. Tumayo na ako para sumama kay Jena.

“Annalise...” tawag sa’kin ni tito na nagpalingon sa’kin.

Wala na roon si Tita Nathalie.

“Make my son fall for you...so bad!” seryosong mungkahe nito.

Gulat ko siyang tinitigan. Hindi makapulot nang tamang isasagot. Nanatili lang ako roong nakatayo.

Unti unting sumilay ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

Umiiling ko siyang tinalikuran pinipigilan ang pagngiti.

“I will, Tito!” bulong ko sa sarili ko.

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon