Chapter 14

9 2 0
                                    

Chapter 14

Bitch

Pabali-baliktad ako sa aking higaan. I can't sleep! There's a lot of things going on in my mind. I think I'm in trouble! Ilang beses ko ba dapat ipaalala sa sarili ko na sa papel lang kami ikakasal. Hindi ko dapat ito nararamdaman!

But I've never felt this before, baka naman infatuation lang 'to o baka naman I find him challenging dahil kakaiba siya sa mga lalaking nakilala ko. His totally different. There's something in him that makes me feel I'm nothing. Na kahit nariyan o wala ako'y tuloy ang ikot ng mundo. Kaya niyang iparamdam sa'yong hindi ka mahalaga.

Kinaumagahan tinanghali na ako ng gising. I eat alone, silently. Hindi ko alam kong nasaan mga tao rito sa bahay. Kahit si Jena ay hindi ko nakita, ang tanging naroon lang ay ang nag aasikaso sa'kin sa pagkain.

"Nasaan po si Jena?" tanong ko sa katulong na naroon.

"Umalis po maam. Sinamahan ang nanay niya check up kasi non ngayon." paliwanag nito.

"Ah, ganoon po ba..." di niya sinabi sa'kin para nakasama ako. Gusto kong lumabas rito kahit papano.

"Oo maam. Gigisingin ka dapat niya kanina kaso baka kako napuyat ka kagabi sa panonood niyo." dagdaf niya pa.

"Napasarap lang po tulog ko. Si Pierce po pala nasaan?"

"Maaga umalis. Babalik din yon maya maya. Lalo't narito si Maam Stacy." saad niya.

"Lagi po bang na rito si Stacy?" baling ko sa kanya. Bigla siyang natigilan sa ginagawa niya. Tila nag aalangang sagutin ako.

"M-Madalas maam, dumalang lang noong... naengage kayo ni sir." nag aalangang sagot niya.

Hindi na ako nagtanong sa kanya ulit. Halatang napipilitan lang siyang sagutin ako. Sa nakikita ko sa dalawa'y hindi lang pagkakaibigan ang meron sa kanila.

Nararamdaman ko na naman ang pait. What am I then? Duwag ba siya para hindi ipaglaban ang babaing mahal niya? Just for the business?! 

Kung ako magmamahal gagawin ko ang lahat para sa taong iyon. Hindi ko hahayaang mawala siya sa'kin para lang sa negosyo o ano. I would fight for him as he is to me. Duwag lang ang nagmamahal na hindi kayang lumaban. Dahil kaakibat na nangpagmamahal ang paglaban sa mga sa mga tinik ng relasyon.

Umakyat na ako sa aking kwarto upang magbihis ng pangligo. Swimming every morning is my usual routine now. Paraan na rin upang malibang at pagurin ang sarili, so I can sleep at night peacefully.

I'm wearing my white bikini pinatungan ko iyon mg roba. Dala dala ko ang aking sketch pad guguhit muna ako ng damit tiyak matutuwa nito si Liam pag nakita niya ang mga disenyong gawa ko.

Speaking of Liam, namimiss ko na ang baklitang iyon. Hindi niya pa alam na nandito ako sa Pilipinas. Masaya ako para sa kanya dahil siya ang tumutupad sa pangarap namin. He's pursuing fashion designing out of the country na dati pangarap lang naming dalawa. I should send him my work tiyang makaktulong ito sa kanya.

Nagsimula akong gumuhit this time wedding gown ang ginuguhit ko. I don't know...I'm just inspired to draw this kind of gown right now. Seryoso ko iyong pinagtutuunan ng pansin ng may marinig akong parang hinihingal at tampisaw ng tubig. Tinigil ko ang ginagawa at dahan dahang tumayo upang tingnan ang pool. Nanlaki ang mata ko kung sino ang naroon. Si Stacy nasa gitna ng pool tila pinipilit na makarating sa gilid. She's drawning!

Gulat pa rin ako but my adrenaline rushed into me. I started to running towards her. Hindi ko alam kong lulusong ba ako dahil kahit ako'y hindi ako magaling lumangoy. Kaya ko lang lumangoy kapag abot ng aking paa ang sahig pero sa nakikita ko sa kinaroroonan niya'y nasa malalim na bahagi ito. Baka malunod lang kaming dalawa. Namumutla akong nakatayo roon di ko alam kong anong gagawin sobrang lakas ng pintig na puso ko habang pinapanood siyang nalulunod.

Lulusong na dapat ako ng may marinig akong may tumalon sa tubig. Sinagip nito si Stacy at dinala sa gilid. Si Pierce iyon nakasuot pa ng coat. Namumutla akong lumapit sa kinaroroonan ni Stacy na panay ang ubo lumapit din samin sina Patrick at Chatles na hindi ko namalayang na naroon din pala. Matapos kumalma ni Stacy ay matalim na tingin ang pinukol  sa'kin ni Pierce. Sa sobrang talim nito ay para akong masusugatan ano mang oras, nag iigting ang kanyang panga. Poot ang nakikita ko  sa kanyang madilim na mga mata.
Hinarap niya ako at marahas na hinawakan ang aking kaliwang braso.

"WHAT DID YOU DO?!" parang kulog iyon na lumabas sa kanyang bibig. Nagaalab ang kanyang mga mata. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso.

Tulala lang akong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwalang maririnig ko iyon sa kanya. Para akong sinaksak, sapol sa puso ang sakit.

"I...I did..." nagbabara ang aking lalamunan hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang aking tuhod dahilan ng aking panghihina.

Marahas niyang binitawan ang aking braso tinalikuran niya ako't binuhat si Stacy patungo sa loob. Nakita ko siya nakatingin sa gawi ko habang karga siya ni Pierce. Naiwan akong tulala.

Sumunod sa loob si Charles ngunit nanatiling nasa gilid ko si Patrick.

"...not do it." itinuloy ko pa rin iyon kahit alam kong wala na si Pierce sa harap ko.

Kasabay ng pag bigkas ko noon ang pagbagsak ng aking mga luha. Sunod sunod iyon walang tigil sa pagdaloy.

Dinaluhan agad ako ni Patrick niyakap niya ako. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib habang nahigpit ang hawak ko sa kanyang braso dahil para akong mabubuwal sa sobrang bigat ng mararamdaman ko.

Dinala niya ako sa pinaglagyan ko ng mga gamit. Nakabuklat pa roon ang sketch pad ko. Hinintay niya akong tumahan habang hinahagod ang aking likod.

I can't believe the man I'm about to marry. He think I pushed her? Sabagay hindi pa nga pala kami magkakilala, hindi pa niya ako kilala. Pero ang pagbintangan ako ng ganoon hindi ko pa rin mapigilang hindi masaktan. Ganoon nalang ang tingin niya sa'kin?!

"Hushh, tahan na." alo sa'kin ni Patrick. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"I can't believe him!" patuloy pa rin ako sa paghikbi.

"He's just protective over Stacy." si Patrick.

Hindi na ako sumagot. Oo nga pala dapat na  akong masanay. Sino nga ba ako para paniwalaan niya.

Stacy knows na wala akong ginawa sa kanya. Pero syempre hindi niya sasabihin 'yon I'm sure of that.

Bitch!

AnnaliseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon