Someone's POVMagbabayad ka sakin ,Duke! Magbabayad ka! Hindi ako papayag na magiging masaya ka!
"Xander! Xander ano ba! Maupo ka nga! Masyado mong pini.pressure yang sarili mo kay Duke. Marami pa tayong kailangang pag-usapan,pagplanuhan at mas lalong pagtuunan ng pansin bago natin balikan si Duke. Malakas si Morgan kaya hindi tayo basta-basta susugod. May kasabihan nga naman diba na bago ang puno ,ang mga ugat at sanga muna. Nang sa ganun ,unti-unting hihina ang puno hanggang sa matumba ito."
Sabagay ,may punto siya ngunit hindi na ako makahihintay na pahirapan si Duke. Subalit,napakalakas ng grupo niya kaya baka nga mas mabuting pagplanuhan namin ng maigi.
"Pwes,anong plano yan!!!? Hindi paba sapat yang laki ng grupo mo para talunin natin si Duke!? Gigil na ako. Binawi niya sakin si Ashley. Papatayin ko siya!"
"Tarantado ka rin eh noh. Ang kitid rin ng utak mo! Kilalang malakas sa lahat ng gangs ang grupo ni Duke! Nagsisimula palang mag.insayo ang mga bata ko. May nag leak na balita na nabalitaan ng mga tauhan ko. Sabi nila may gustong kumawala sa grupo ni Duke. Isang tauhan ni Duke na matagal ng iwan ang grupo ni Duke dahil sa katulad mo,inagaw rin daw ni Duke sa kanya lahat. Kaya interesado ako kung sino ang taong yun! Nasisiguro kong kailangan niya ng kasamang makakatulong sa kanya. Katulad natin na kinakalaban rin si Duke. At yan,ang gusto kong alamin mo!"
Ano? Bakit ako pa?! Eh ang dami ng underlings niya . Papaano Kung mabisto ako ng mga kasamahan ni Duke!
"Alam mo naman Caprio na kalaban ako ng mga kasamahan ni Duke. Siguradong pag nakita nila ni anino ko. Baka hindi na ako makakabalik ng buhay dito!"
"Pwes,walang lugar sa grupo ko ang mga walang kwentang tao. Lahat ng tauhan ko may kanya.kanyang misyon. Hindi ako bumuo ng gang para magkaroon ng donyo sa grupo ko. Para din naman sayo toh Xander. Diba gusto mong mapadali ang pagbagsak at paghiganti kay Duke. Pwes,ito ang pinaka.madaling paraan para makapaghiganti ka sa kanya!!! Gamitin mo Ang utak mo kung paano makakalusot sa mga tauhan at kaibigan niya. Wala akong kapatid na hunghang at talunan ! Kaya gawin mo na kung anong pinapagawa ko sayo!!!. Isipin mo iniwan ka ni Ashley at ginamit ka lang niya para makalimutan si Duke o kaya'y mapansin siya ulit ni Duke. Tapos ngayon iniwan ka sa ere na talunan. Sa ganyang sitwasyon palang ,talo kana kay Duke, Xander!"
Talo? Hindi ako talo? Makikita niya! Makikita niya kung gaano niya ako ginalit!
"Aalamin ko! Aalamin ko kung sino ang tauhang gustong kumawala sa grupo ni Duke. Nasisiguro kong aanib siya sa atin at sisiguraduhin ko na isa siya sa magpapaluhod kay Duke!"
"Yaannnn! Yan dapat! Matapang at may prinsipyo. Ngayon ,umpisahan mo na ang misyon mo Xander. "
*evil smile*
Maghintay ka lang Duke dahil dudurugin namin yung buhay mo! Tingnan natin kung saan aabot yang pagiging leader mo!
"Nga pala,Xander. Ayaannnn!"
Inihagis niya sakin ang makapal na papel na may nakasulat na mga numero. Aanhin ko naman toh?
"Magagamit mo ang numerong yan para madali mong matunton kung sino sa tauhan ni Duke ang may galit sa kanya. Good luck,brother!'
-----------
Fern POV
Hinihintay ko muna si Caleb sa labas ng arch ng CU. May mga CU students naman ditong tumatambay baka may hinihintay din kaya ok lang.
Binaba ako ni Aphro dito dahil sabi niya kakausapin daw ako ni Caleb.
Nakaupo ako sa waiting shed ng may isang itim na van akong nakita sa unahan. Teka! Kaparehas yan nung van na nakita ko hospital noon ah? I mean noong binisita ko si Caleb sa hospital.
Nagtago muna ako sandali sa may gilid baka sakaling hindi ako nakita ng mga nakasakay nito.
Maya-maya din napansin kung bumaba ang isa sa mga tao nito. Nakaitim rin ang suot at naka.salamin. Pero yung ukit sa leather jacket niya,familiar sakin. Parang narinig ko na kung saan.
Nagulat rin ako na kinausap siya ng isang lalaking taga. classy University kasi naka.uniporme? Kilala kong lalaki ito dahil sa kanyang tindig at yung uniform niya. Hindi ko lang makita yung mukha niya dahil naka.cap siya at naka .sunglass . Sino siya? Bakit kailangan niyang itago ang sarili niya? Anong pinag-uusapan nilang dalawa ? Bakit bigla akong kinakabahan habang nakatutok sa kanila na nag-uusap ?
Nagtago muna ako sandali hanggang sa makaalis yung van at Wala na rin yung lalaki na taga.CU.
Sino sila?
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...