Ada POV3 days na ang mga varsities ngayon sa London. Bukas na yung tournament nila siguro'y kinakabahan na sila ngayon. Hindi ko na muna tinawagan sila insan kundi nag.message nalang ako sa kanila.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa loob ng CU ng biglang napahinto bigla yung sasakyan ni manong. Kaya medyo nauntog yung ulo ko sa salamin ng ng bintana. Ano yun!!"Manong ano yun? "
Tanong ko kay manong habang hawak.hawak yung ulo ko."Hindi ko rin po Alam ma'am . Biglang may lumipad na bagay sa harapan kaya napa.brake ako agad. Ok Lang po ba kayong ma'am ?"
Lumipad na bagay? Sakit tuloy ng ulo ko."Ok lang ako,manong. Sa Royal gate mo nalang ako ibaba may dadaanan lang ako."
Masakit pa rin yung ulo ko!
----
Sobrang tahimik pala talaga ng buong University kapag wala ang mga Royals. Parang isang ordinaryong University lang.
Nag.text na rin ako kay Duke kagabi kaso wala akong reply na natanggap. Naiintindihan ko naman dahil isa siyang team Captain kaya marami siyang pinagkakaabalahan ."Ms. Pigfat!"
Si Sir Beafeeter? I mean yung chief ng mga beafeeters.
Siya yung kauna-unahang Beafeeter na nakilala ko dito sa CU noong baguhan palang ako.
Nag.bow ako sa harap niya tanda ng pag respeto."Ikinagagalak ko ulit kayong makita Sir Beafeeter. Sa laki ng University nato minsan ko lang po kayong nakikita.hehe"
Napangiti naman siya.
"Maraming kailangang gawin Ms. Pigfat. Malapit ng bumalik ang Director. Ano nga palang ginagawa mo rito sa Royal gate? Bakit dito mo naisipang bumaba?"nagtataka niyang tanong sakin.
"Gusto ko kasing maglakad dahil naaantig ako sa kagandahan ng buong classy University. Nalakad ko na to noong una kaya medyo nasanay naman ako."
Medyo nagulat naman siya sa sinabi ko. Siguro nga kasi isang estudyante ng CU ang maglalakad sa layo na yun.?!
"Sigurado ka Miss Ada? Kung gusto mo pasasamahan kita ng mga beafeeter para maalalayan ka papunta roon."
"Nako po Sir Beafeeter wag na po. Kaya ko na po talaga toh.hehe.. tsaka kagustuhan ko po talaga ang maglakad. Wag po kayong mag-alala. "
Hindi na rin siya umangal pa.
"s
Siya nga pala ,Miss Ada. Maraming mangyayaring darating sa CU at isa kana sa maaapektuhan dun. Kaya kung sakaling darating man ang araw na yun. Sana'y matanggap mo ang lahat at maging matatag ka kagaya ng paglalakad mo ngayon sa dalawang kilometrong daanan papunta sa grand entrance ng CU. Ito nga po pala ang tubig para sayo Miss Pigfat!"Hindi ako nagulat sa binigay niyang tubig kundi nagulat ako sa una niyang sinabi. Mangyayari? Ano naman kaya ang klaseng babala yung sinabi Sir Beafeeter.?
Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad papuntang grand entrance ngunit hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Sir Beafeeter sakin.
Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya? Bakit ako? Dahil ba sinuway ko yung utos ng ama niya?"Miss Pigfat?!"
Nakarating na pala ako sa grand entrance? May dalawang Beafeeter na lumapit sakin."Kayo po ba si Miss Pigfat?"tanong sakin ng isang Beafeeter.
"Ako nga po. Bakit nga po pala?"
Hindi pa naman ako late kasi maaga akong pumasok.
"Pinatatawag po kayo ng President sa office niya."
Ako? Pinatatawag sa Daddy ni Duke? Ito na nga kaya yung sinasabi ng chief ng beafeeters ? Pero sabi niya darating palang? O di kaya baka magsisimula na ngayon.
Sumunod ako sa kanila papunta sa office ng President. Nakikita ko palang ang mala-gintong pintuan ng isang silid na kung saan palaging nananatili ang President ng CU ay kinakabahan na ako. Ngayon palang ako makakapasok at tanging ako palang ang isa sa mga estudyante ng CU ang makakapasok dito maliban kay Duke. Siguro napaka.swerte ko dahil makikita ko ng personalan ang Presidente ng Councils at makikita ang royal office nito ngunit napakalamalas ko naman dahil siguradong may hindi maganda siyang sasabihin sakin. Pinagbuksan ako ng mga beafeeters bago pumasok.
Nasa labas lang sila nakabantay at ako nama'y kinakabahang pumasok sa loob. Napakalaki ng office niya. Sobrang luwang at napaka.royal ng mga gamit.

BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
Ficción General"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...