*Oh Holy night instrumental*Ada POV
Napakatahimik at mag-isa akong sinalubong ang pasko. Ako lang mag-isang nakaupo sa aming kwadradong mesa. Rinig ko ang mga saya ng di kalayuang mga kapitbahay at kaunting paputok na sumasabog sa kalangitan.
Ito na rin yata ang pinaka.tahimik na nangyari na pasko sa buhay ko. Wala ang pamilya ko at mas lalong hindi ko kasama ang mga kaibigan ko.
Malungkot man pero kailangan kong makapag-isip at dumistansya na muna sandali pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nilisan ko ang manila ng hindi ko alam kung nagkabati na ba si Duke at kuya Aivan . Ginawa ko ang lahat ng yun dahil tulad ng sabi ko gusto kong ibalik ang lahat kay Duke .
Tumawag sakin si Mama at Papa pati na rin sila Tita.
Binati nila ako. Yun nga lang dahil sa sobrang hina ng signal dito sa amin kaya pinutol ko nalang yung tawag.
At the same time,masaya rin naman ako dahil nakauwi at nasilayan ko ulit yung bahay namin.
May caretaker naman dito sa bahay habang wala kaming lahat rito.
Maya-maya nakaramdam na rin ako ng antok kaya natulog nalang ako.------------
(Fast forward)
Natapos ang new year na ako lang din mag-isang sinalubong ito. Medyo matagal pa naman yung balik-eskwela namin kaya naisipan ko munang tumulong
ni Tatay Ramon sa pagtatanim ng mga palay. Natutunan ko yan kay Papa dahil sinasama niya kami nila Mama't Adan sa pag-aalaga at pagtatanim ng palay. Mabilis naming natapos yung ginagawa namin kaya bumalik na kami sa may maliit na tambayan ng mga magsasaka para kumain ng tanghalian."Nako,Ada. Mukang sanay na sanay ka pa rin sa pagtatanim ng mga palay ha. Kaso nakakahiya naman sayo at tumulong kapa. Baka na distorbo pa namin yung pagbabakasyon mo rito sa probinsya."
Si Tatay Ramon ang asawa ng caretaker namin sa bahay na si Nanay Loleng. Simula noong bata ,sila na yung nakakasama at naging katulong namin kapag nangangailangan kami.
"Wala po yun,Tay. Eh ano pa ba't nagbakasyon naman talaga ako dito dahil namiss ko yung mga gawain dito sa probinsya. Ako na nga pong nahihiya sa inyu eh dahil simula pagkabata namin ni Adan kayo na po ang tumutulong sa amin nila Mama't Papa kaya malaki po ang utang na loob namin sa inyu."
"Ano kaba naman,Ada. Malaki rin ang naitulong ng pamilya niyo sa amin kaya tatanawin rin naming tong isang utang na loob. Tsaka itinuring na rin namin kayong parang isang pamilya ."
"Salamat po Nanay/Tatay!"nakangiti Kong sabi sa kanila.
"Ate Ada. Siya nga po pala noong nandoon kapa sa Maynila . May lalaki pong pumupunta dito sa bahay niyo. Hinahanap po kayo."
Lalaki?
"Alex,ano ba. Ang daldal mo talagang bata ka" sita ni Nanay Loleng sa kanya.
"Sino pong lalaki?"tanong ko.
"Eh sabi niya Ada. Kakilala mo raw siya noong nasa Hogwart kapa. Tatlong beses na siyang bumabalik sa bahay kasi ang akala niya nakauwi kana. Hindi na namin natatanong yung pangalan niya eh dahil sa nagtatanong lang naman yun kong nandito kana. At tsaka umaalis agad."
Sino naman kayang lalaki?
"Ganun po ba. Nako baka kaklase ko lang siguro yun noong nasa Hogwart pa ako ."
--------------
(Hogwart University)
Nakasakay palang ako ng isang cab ay nakikita ko na ang mataas na arko ng Hogwart. Sobrang nakakamiss. Wala pa ring pagbabago. Kung anong kulay at ang nga disenyo nito noon ay ganun pa rin ngayon.
"Miss Pigfat?!"kilala pa pala ako ng dalawang guards. Kasi ba naman sa pabalik-balik ko sa guidance office,eh naka.print na yung mukha ko sa mga mata nila.hahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/144640044-288-k178632.jpg)
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
Aktuelle Literatur"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...