Ada POV
(Classy University)
Magmula noong nangyari biglang tumahimik yung paligid.
Ngunit di pa rin maiwawala sa bawat isa ng Royals na mangamba sa posibleng susunod na mangyari.
Christmas party na sa susunod na araw at yun naman ang araw na pagbabalik ni Director P. Kung saan magpapakita na siya sa aming lahat. Pero bakit nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari. Pero impossible ,maraming nakabantay na beefeaters ng gabing yan. Kilala ang mga beefeaters na magagaling sa lahat kaya impossibleng may kalabang makakapasok dito.
Kung ano man yun sana naman walang mapapahamak.
"Ada,what are you doing here alone?"
Si Duke.
"A-ah wala napadaan lang,pupunta na sana ako sa next subject ko pero mamaya pa naman yun . I-ikaw nasaan yung ibang kasamahan mo?"tanong ko rin sa kanya. Hindi ko pinahahalata na marami akong iniisip dahil alam kong mas marami pa siyang iniisip kesa sakin.
"Ah.nasa hideout lang. Naglibot-libot lang muna ako dahil masyado ko lang namiss ang CU"
napangiti nalang ako pero alam kong hindi yan ang sasabihin mo Duke. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari.
"Duke! Kilala kita.Alam kong naguguluhan ka! Lalo na't malapit ng dumating si Director P. Lahat tayo hinihintay yung pagdating niya subalit feeling ko mas mabuting wag muna ngayon."
Ewan ko pero yun ang sinasabi ng puso ko. Parang nangangamba talaga ako sa posibleng mangyari.
"Ada?! Bakit...ayaw mong bumalik at makita natin si Director P? Isa siya sa pinakamataas na taong nagmamay-ari ng CU at matagal ng hinihintay ng lahat ang pagbabalik niya. May problema ba Ada?"nag-aalalang tanong sakin ni Duke.
Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Bakit nga ba ayaw kong bumalik at makita si Director P?. Ano ba talagang mangyayari? Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Naguguluhan na ako.
"Wa-wala Duke. Baka masyadong na trauma lang ako sa mga nangyayari. Baka magkagulo na naman eh. "
Nilapitan naman ako ni Duke at niyakap.
"Ada,hanggat nandito ako. Walang mangyayari. Pasensya kana kung nadamay ka ng dahil sa amin. Pero pinapangako ko sayo. Hindi na mauulit yun."
Duke? Hindi mo naiintindihan .
"Duke! Ano Kaya kung wag nalang tayong umattend ng party. ?"tanong ko kay Duke.
"Ada,Hindi pwede dahil dapat nandoon kaming lahat na mga Royals. Pero kung ikaw para sa ikatatahimik mo at para hindi kana rin mag-alala. Wag kana munang umattend,ako ng bahala. Total hawak ko naman ang student rules. Wag kang mag-alala ,pupuntahan kita agad pagkatapos ng ceremony. Kaya please..huwag kanang mag-alala,ok?"
Kumalas na ako sa pagkakayakap kay Duke at baka may makakita pa sa amin.
"Ito nalang. Sabay nalang tayo kumain!"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kaya bigla niyang ginulo ang buhok ko.
"Sa Rooftop ng building tayo kakain kasi alam kong hindi ka papayag pag sa food court tayo kakain.hehe"
Mabuti na yung malinaw.
"Mabuti na yung malinaw.hehe. Sige mauna kana dun. Ako ng bibili sa food court baka makahalata pa sila sayo eh."
Tapos ginulo na naman niya ulit ang buhok ko.
"Hindi pwede. Dapat ang lalaki ang mag-aalaga sa babae. Kaya ako na. Isa akong prinsipe hindi ba? Dapat ang prinsipe inaalagaan ang prinsesa*wink*"
Ano daw? Baliw na ata toh.
"Hindi ako prinsesa. Lower class student ako noh"
At hindi na niya ginulo ang buhok ko kundi pinisil naman ang magkabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...
