CLASSYU 17

526 25 0
                                    


Duke POV

Uggghhh..shit!!!!
Siguro nga kanena pa ako galit sa bola dahilan para mapatingin silang lahat sakin. Bakit sa kabila ng lahat ng sinabi ni Ada sakin,bakit siya pa rin yung iniisip ko? Bakit hindi ko maramdaman si Ashley habang kasama ko si Ada?

Flashback

I never expect na pupunta rito si Ashley. What is she doing here?
Lahat ng mga tauhan ko sa farm masayang binabati si Ashley pero bakit ako? I mean matagal ko ng gustong makita si Ashley pero ano tong nararamdaman ko? Bakit feeling ko hindi ko siya maramdaman?
Kanena pa siya nakikipag-usap sa mga farmers.

"May kasama ka Duke? Nasaan siya?"

Si Ada? Oo nga si Ada nasaan siya? Bakit ngayon ko lang alam na Wala pala si Ada dito ngayon. Sabi ni Butler Dave hindi niya rin alam. Nasaan kana Ada?

"Hai guis. I'm sorry . Hinugasan ko pa kasi toh eh!"

Napanatag naman ang loob ko ng makita ko siya. Bakit ba kasi hindi ko siya hinintay kanena.

"Ada? Diba ikaw yung may hawak ng banner sa CU? Girlfriend ni Duke?"
girlfriend ko?

"Hindi ko siya girlfriend! "Agad kong sabi pero may part sakin na gusto kong bawiin yung sinabi ko .

"Ahh..oo hindi niya ako girlfriend "
Kanena pa ako tahimik pero mas tumahimik ako pagkatapos sabihin ni Ada yun.

"Ehh..ano yung sa banner!"

"Tumahimik na muna kayo! Kumain muna tayo!" putol ko sa pag-uusap nilang nila baka Kung saan pa aabot ang pag-uusap nilang dalawa.
Sabi sakin ni Ashley na gusto niya akong makausap. Ano na naman Kaya?
Kaya nagpunta kami sa isang lugar na malayo sa pavilion pero nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan kaya tinulak ko siya agad. Ewan pero yun ang utos ng puso't isipan ko.

"Why Duke? Dati rati naman masaya ka sakin diba?"

Nababaliw naba siya?ano bang pinagsasabi niya?

"Dati yun Ashley noong hindi pa tayo nagkahiwalay! Pwede ba tigilan mo na ako! Kalimutan mo na ako! Mahiya ka naman kay Xander! Kung nandito lang tayo para pag-usapan yung nakaraan . Pwes nagsasayang lang tayo ng oras. Naghihintay sakin si Ada!"

Tatalikod na sana ako ng bigla niya hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Mahal mo ba siya Duke?"

Mahal ko na nga ba talaga si Ada? O gusto ko palang siya? Pero ano tong nararamdaman ko sa kanya?

"Pano pag sinabi ko sayong oo?"

Para naman tumigil na siya sa kakatanong.

"Pwes ,you can't love her ,Duke. Dahil katulad ko masasaktan mo lang siya. Alam mo yan! Ganyan ka naman Duke eh. Magmamahal ka pero hindi mo kayang ipaglaban! Pero bakit sa kabila ng lahat kahit pa maraming umaaligid na babae sayo at kahit anong pagtataboy mo sakin. Nagagawa pa rin kitang mahalin at hindi kalimutan? Pero Duke please lang mag-iingat ka palage. Wag mo papabayaan ang sarili mo! Pwede mo ba akong ihatid sa village namin?"

Classy University And the Royal classes(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon