Fern POVNapapansin ko lang na palage nalang umuuwi ng maaga si Caleb. Nagpaalam siya kanena na kailangan niyang umuwi ng maaga dahil may pupuntahan daw siya at may ihahatid.Kahapon naman may ihahatid daw siya sa ate Calyxxa niya. Noong isang araw naman may kinuha daw siya sa Lola niya pero bakit di man lang niya ako sinasama? Baka nga kasi nagmamadali talaga siya.
Sayang isasama ko pa sana siya sa pagsundo ni Shawnel ngayon."Hoyyy..Fern,ba't naman parang nguso ng baboy yang mukha mo ngayon?! Akala ko ba excited ka sa pag-uwi ni Shawnel?"
Panira talaga ng drama tong si Ada."Kasi naman. Si Caleb kasi hindi na kami nakapag-usap ng matagalan. Palage nalang siyang umuuwi ng maaga. Baka bukas sa Mommy na naman niya siya may ihahatid o baka sa susunod sa Daddy na naman niya. Ano yun? Delivery boy na siya? Taga.hatid at taga.kuha?"
Tawanan ba naman ako ni Ada,eh seryoso ako sa sinasabi ko eh.
"Fern,ano kaba naman. Baka nga busy nga lang talaga yung tao. Tsaka hindi pa kayo mag-asawa noh,syempre may pamilya pa rin siya na kinakailangan ng tulong niya. Alam mo baka bukas eh isasabay kana niya pag-uwi. Ito naman tatlong araw lang eh namiss mo na agad si Caleb."
Bakit nga ba?! Kasi nga mahal ko na si Caleb. Ang hirap pala talaga pag nainlove.
Maya-maya din dumating na si Shawnel . Uie..hanep ah."Hala! Si Shawnel ba talaga yan?!"gulat na tanong ni Ada.
Wala ng eyeglasses si Shawnel at ang disente na niyang manuot. A.k.a ang gwapo na niya.
"And why are you both staring me like that?!"
Abay English cabarao na pala tong lalaking to ha.
"May malakas na hurricane ba sa america at sayo lahat tumama?! Ang laki ng pinagbago mo,Shawnel ha! Yung laway ko oh nasa lupa na kanena pa!"
Pagpapatawa ko kaya binatukan ba naman ako .tsk."Ikaw rin ang laki ng pinagbago mo simula ng naging boyfriend mo si Caleb. Mas lalo kang naging abnormal .hahahahaha"
Abay..tawanan ba naman ako ng dalawang toh.
"Alam mo Shawnel ,tama ka Jan. Alam mo Fern. Bakit kaya di mo gayahin si Shawnel. Kunin mo kasi yang eyeglass mo at kunting straight or ayusin lang natin yang curly hair mo. Siguradong hindi lang laway ni Caleb ang tutulo baka mga pawis niya lalabas.haha"
Haiiiiii....ewan ko sa mga toh.
"Nako ..di na kailangan. I am beautiful on my own way. Kung ayaw niya sa ganito ,eh di wag."pagtataray kong sabi.
"Ikaw rin,Fern baka ipagpalit ka nun sa iba! Pero sabagay maganda ka naman talaga,Fern. Hahaha"
Aiiisshhhh...
"Ano magkukulitan nalang ba tayo dito?! Nagugutom na ako eh!"
Eh kanena pa talaga. Kasi naman tong si Caleb. May pa promise promise pa siyang kakain kami sa labas tapos siya naman pala tong may lakad.uggghh ...
"Ok. Fine. Kumain nalang muna tayo sa may malapit na restaurants dito. By the way,can I hug you both. Nagkukulitan tayo dito pero kanena ko pa kayo di nayayakap hah!"
Oo nga noh.
"We miss you very much Shawnel!"sabay naming sabi ni Ada.
"I miss this two crazy woman too!hahahaha!"
"Ahhh.baliw ha!!"
"Araaayyy!"
Kinurot lang naman namin ni Ada yung sa magkabilang tagiliran niya."Hanggang ngayon napaka. wild niyo pa ring dalawa!"
Hahahahaha..
"Hoyyyy..Shawnel ,marami kang ikekwento sa amin ni Fern mamaya pagdating sa bahay niyo ha! "
![](https://img.wattpad.com/cover/144640044-288-k178632.jpg)
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...