CLASSYU 6

446 25 0
                                    

Umuwi ako kahapon na tahimik ang kaluoban ko pero pilit kong kinausap na parang wala lang si Avah and thank God kasi hindi siya marunong magbasa ng expressions..and now I'm fine. I let myself to be fine to face the reality of Classy University. Iniiisip ko nalang na I have to graduate para sa mga magulang ko.
Nasa may plaza ako ngayun and how such an amazing na may plaza sa ibabaw ng building ng university namin. Wala sa probinsya to eh kaya pagpasensyahan niyo na. Wala kaming pasok sa last subject namin sa morning kaya naisipan kong magtambay nalang. Pupunta sana ako ng library pero sa laki ng university nato di ko alam kung saan. Nagtanong ako pero inisnob lang ang beauty ko.pshk. Nakalimutan ko ring tanungin si Fern. Si Shawnel kasi nag.ditch sa second class. Ewan ko nun bigla nalang umalis.

"Heyyy...Ada..*inhale.exhale*...Thank god nakita rin kita. Nakita mo ba si Shawnel kanena pa siya wala eh?"

May track and field bah..

"Kanena lang din ako dito pero hindi ko siya nakikita eh. Asan ba yun? Baka nasa library pa yun"

"Ano kaba nerdy boy yun pero di yun pumapasok ng library. Eh takot yun sa mga libro eh. Tsaka wala ding yung ibang destinasyon tuwing ganitong oras kundi sa food court lang. Wala siya dun eh."

Ganun bah? Mukang seryoso si Fern. Parang iba ata yung pakiramdam ko? Pakiramdam ko there's something wrong with Shawnel.

"Lets find Shawnel"
Sabi ko.

"No need*inhale.exhale*. Guys ..please ,I don't know if it is right to medle you in this problem but I don't have a choice kasi wala na akong malalapitan pa. Alam kong hindi ako tutulungan ng mga kaibigan ko sa kapag sinabi ko toh sa kanila*sobbing*. Please guys... Shawnel needs you right now!!!"

Seriously? Pareho kaming gulat ni Fern dahil mismong si Paris Lennart yung lumapit sa amin. Pero alangan namang magtanong pa kami diba,eh buhay na ni Shawnel yung nakataya dito. Mas mabilis pa sa Cheeta yung takbo naming tatlo papunta kami ng gymnasium at sa likuran pala nun.
Rinig namin ang mga tawa ng mga lalaki at boses ni Shawnel na parang nagmamakaawa pero kung minamalas naka.lock yung door kaya di namin mabuksan..

"Tu--tulong*sobbing*coughing*"
Mas lalong umiyak si Fern at Paris ng marinig namin ang nakakaawang boses ni Shawnel. Naaalala ko yung na lock ako sa stock room ganun nalang ang gagawin ko baka posibleng mabuksan. Magbabayad kayong mga bisugo kayo!
Pinatabi ko si Fern at Paris at bumwelo ako sandali at buong pwersa kong tinadyakan yung pintuan. Hindi ko na alam kung anong expression nila pero pumasok kami agad at nakita namin si Shawnel na nakahandusay at duguan. Ugggh...I'm sorry but I can't take it anymore. Tinabi ni Fern at Paris si Shawnel na bigla ding nawalan ng malay. Hindi ko kilala ang mga lalaking toh pero hindi nato pambubully. Umalis si Paris para humingi ng tulong.

"Hooyyy..lower class girl . Akala mo natakot mo kami sa tadyak mo sa pinto ha?!!!!!...Hoyyy..hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo!!!!"
Hindi na talaga sila nahiya. Naka.uniporme pa naman sila ng Classy university.

"Gusto ko sanang alamin eh kaso kailangan ko pa kayong kausaping mabuti sa gusto niyong paraan."

"Ohhhhwwww...pare.gustong paraan daw. Eh papano kung yang katawan mo ang gustong paraan namin. Sige na para sasabihin namin kung sinong nag.utos sa amin"
Sige lapit kapa tingnan natin kung makakapagsabi kapa ng gustong paraan.
Lapit ...lapit... At opps your offlimits boy.

"I'm sorry but that's not what I mean. I am not a bitch like your face!!!!!"
Agad kong tinuhod yung alaga niya at tsaka buong pwersang tinadjakan siya. Namilipit sa sakit ang tanga.
May anim pa...at may dala sila parehong mga paddle. Sumugod yung isa at papaluin na sana ako pero naagaw ko agad yung paddle niya. Pinalo ko yung paa niya dahilan para matumba siya. Medyo mabigat yung paddle pero keri naman. Sumugod ng sabayan yung apat,papaluin sana nila yung paa ko pero tumalon ako para di matamaan hanggang papaluin ulit ako nilang apat pero umilag ako at yumuko dahilan para silang apat yung nagkasakitan dahilan para mapahandusay silang lahat. Isa nalang ,siya ata yung leader nilang pito. Tiningnan pa niya yung mga nakahandusay niyang kasamahan bago tumakbo papunta sakin.

Classy University And the Royal classes(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon