Daxon POVNagtext sa aming lahat si Avah. Sabi niya may lakad daw kami mamaya. Bakit naman kaming lahat?
Nandito kaming lahat maliban sa Phantom princesses. Nagulat kami ng nagsitakbuhan ang mga estudyante papalabas ng food court."Anong nangyayari? Eh nandito naman tayo dito lahat ah?"
nagtatakang tanong ni Connor."Maybe we should go and see it ."sabi ni Aivan.
Lumabas kami ng food court at nakita naming papunta sa may harapan ang mga estudyante. Nagulat kami dahil nakita namin sila Aphro na tinatanggal ang nakasabit na tarpaulin ni Ada.
"Anong ginagawa nila? Bakit nila tinatanggal yung tarpaulin?" Morris
Lumapit na kami sa kanila.
"Avah? What are you doing? "singhal ni Aivan.
Ngunit napangiti lang si Avah."Kuya,don't worry. Hindi na natin kailangan toh!"
Ano?
"Avah! Are you out of your mind?!" Brad.
"Hindi! Ang ibig sabihin ni Avah dadalhin natin toh sa pupuntahan natin mamaya kaya tinanggal namin. "
Ano? Hindi ko sila maintindihan ni Aphro.
"Just don't ask.ok. "dugtong ni Kyomi.
"Guis! Please ,this is just nothin. So you can go back to your classrooms right now." Sabi ni Blythe sa ibang students .
"Teka Lang! Naguguluhan ako sa inyu! Pwede ba ipaliwanag niyo naman?! Anong ibig niyong sabihin? Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit kailangan nating dalhin yang tarpaulin ni Ada?"singhal ni Duke kaya medyo napatahimik silang apat.
Ano bang nangyayari sa kanila?"Hindi na kailangan ! Hindi niyo na ako kailangang puntahan pa."
Narrator POV
Napatahimik ang lahat ng marinig nila ang isang pamilyar na boses at dahan-dahan nila itong nilingon sa likuran nila.
Nagulat sila sa babaeng nakatayo sa likuran nila."Kamusta na kayo! Bumaba talaga ako para puntahan kayo!"
Halos hindi sila makagalaw lahat. Maging si Duke hindi makagalaw sa kinatatayuan niya ng makita niyang si Ada yung nasa harapan nila.
"AHHHHHHHHHH....."sigaw ng mga estudyante at mabilis na nawala sa plaza. Mga Royals nalang ang naiwan sa plaza na hanggang ngayon eh nakatayo pa rin.
Kaya napatawa ang mga Phantom Princesses."Ada! Please...Alam kong malaki ang naging kasalanan namin sayo. Promise,magiging masaya na kami. Promise di na talaga kami magiging malungkot. Huhuhu..wag mo naman kaming mumultuhin ..huhu"parang maiiyak pa si Brad kaya napakunot-noo si Ada. Kaya ang ginawa niya mas linapitan niya ang mga Royals at napapaatras naman ang mga ito habang si Duke naman ay nanatili pa ring nakatayo na nasa harapan na niya si Ada.
"Wala kayong kasalanan. Kaya nga ako bumalik dahil namimiss ko na kayo eh. "
Biglang dumating si Shawnel at laking gulat niya ng Makita niya si Ada.
"A-Ada?"gulat nito.
"Shawnel? Gwapo mo pa rin ah!"
Nagulat nalang ang lahat ng biglang nahimatay si Shawnel.
"Insan?! Please..wag mo na kaming problemahin dito sa lupa. Pwede mo na kaming ewan dito. Kakayanin namin kahit na masakit sa amin na wala kana*sniff*. Insan! Hinihintay kana ng mga anghel na susundo sayo!*sniff*. Humayo kan----Pakkkkkkk---
Nagulat ang lahat ng biglang sampalin ni Ada si Aivan.
"Kuya! Kaya nga ako nandito dahil pinabalik ako ng mga anghel. Hindi pa ako patay. Buhay pa ako ouh?!! Tsaka hindi niyo yata ako naintindihan eh. Bumaba ako galing sa ospital na pinanggagalingan ko dahil maayos na ang lagay ko. Hindi rin ako multo! Alam kong mahabang istorya pero i think sa ngayon. Ang importante buhay ako! "
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...