Paris POVBakit pati si Aivan eh pinaghihinalaan nila? Mabait naman si Aivan at nasisiguro kong hindi niya magagawang magtaksil sa grupo. Papunta ako sa bahay nila ngayon para balaan siya.
Ngunit nagulat ako ng may biglang humarang sa sasakyan ko at napayuko ako ng pinagbabaril nila yung sasakyan ako.
Narinig ko ang boses ng sasakyang papaalis kaya tiningnan ko ito. Sira-sira na ang ang mga salamin ng sasakyan ko at maraming balang tumama.
Maya-maya may narinig akong sasakyan sa likuran ko.
Mabilis ang takbo nito dahilan para mabangga ang sasakyan ko.Black out...
-------------
"Paris! Paris! Naririnig mo ba ako? Paris?"
Blur na mukha yung nakikita ko. Sobrang sakit ng ulo't katawan ko.
"Paris!"narinig ko ang boses ni kuya Apollo at ngayon naman kay Mabs.
Nandito silang lahat sa kwarto. Nasa ospital pala ako.
"Kuya?! Yung mga kalaban ! Hinarangan nila ako kanena. Nakita ko sila! Nakita ko sila kanena,kuya!"
lahat sila nag-aalala sakin. Nakabenda pala yung kamay ko."Paris ! Bakit ba kasi umalis ka mag-isa ha! Sabi ko naman sayo bago ka umalis sabihin mo muna sakin. Delikado na ngayon sa labas!"galit na sabi ni kuya sakin.
"Hindi! Sadyang alam ng mga kalaban na yun na aalis ako. Sinusubaybayan nila bawat kilos natin!"
May kutob ako. Wag naman sana. Hindi maaaring si Aivan yung taksil sa grupo namin. Bakit nilusob nila ako kanena kung saan pupuntahan ko si Aivan? Impossible!
Hindi ko gusto pero sa tingin ko wala sa mga kasamahan ni Aivan ang traydor sa grupo kundi nasa amin. Sino naman sa kanila?"Paris,nakita mo ba yung mga kalaban? Nakilala mo ba sila?"
"Hindi. Pinagbabaril nila ako kaya di ko sila nakita. Tapos narinig ko nalang na may sasakyang mabilis ang takbo sa likuran ko. Dahil sa malakas na pagkabunggo sa sasakyan ko ,nawalan na ako ng malay."
Kita ko sa mukha ni kuya na sobrang nagalit siya sa sinabi ko.
"Basta dito ka lang. Wag ka ng tumulong pa sa amin. Maliwanag ba yun,Paris?"
Pero? Hindi pwede.
"Pero kuya?! Anong gagawin niyo kay Aivan. Kuya sa tingin ko naman hindi si Aivan yun eh. Kuya kilala mo rin si Aivan.Si------
"Paris ,can you stop protecting Aivan. Si Duke mismo ang nagsabi kaya we have to follow him. In fact ,hindi naman namin pahihirapan si Aivan. Wag ka nalang makialam ,ok? Para hindi na mangyari sayo ulit yan! I mean sobrang delikado. Tama si Apollo,you should stay here and in your home!" Venus
Hindi! Hindi ako uupo lang sa bahay. Papaano nalang kung anong mangyari sa mga kasamahan ko . At yung CU.
Umalis na muna silang lahat dahil gusto kong makapagpahinga.
---------------East
"Bakit Mo Ginawa Yun Ha! Alam Mong Muntik Ng Lumala Yung Lagay Ni Paris Dahil Sa Palpak Na Plano Mo!!! Si Duke at Ada lang Ang Kailangan natin Dito!!!!"
"Alam mo kasi pag di ko ginawa yun ,eh di isusumbong niya yung plano natin kay Aivan. Masyado kasi siyang pakialamera eh! Papunta na sana kami dun para gawin yung gusto ni Duke pero pinangunahan ko sila Duke para sigurado. Kaso dumating siya kaya napalpak yung plano at umalis na sila Aivan. And I never thought na babanggiin siya nila Xander . Ang sabi ko lang naman eh takutin lang si Paris para hindi siya makapunta kela Aivan!!!"
"Masyado ng umaalisngaw yung baho natin. Maging si Paris hindi naniniwalang si Aivan yung taksil. May kutob na siya kaya dapat di tayo magpa.dalus-dalos. Kailangan na nating gawin ang ibang plano natin. Kailangan nating mapaniwala si Duke na si Aivan ang taksil sa grupo!"
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...