CLASSYU 21

340 25 0
                                        


Ada POV

Papunta ako ng locker ng may napansin akong parang may nakasunod sakin. Nararamdaman ko ang presensya niya. Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko.
Lumihis muna ako ng daanan at nagtago sa may sulok. Wala akong narinig na yapak pero feeling ko may tao talaga, hanggang sa may nakita akong anino . Babae? Babae yung sumusunod sakin. Makikita sa anino niya na may hinahanap siya at dahan-dahan siyang naglalakad. Nang nasa unahan na siya mabilis kong hinawakan ang kabilang braso niya at tinutok sa likod niya ang dala kong ballpen.

"Anong kailangan mo sakin? Alam kong ako ang sinusundan mo?!"

"A-ada...it's me Megan!"

Si Megan. Humarap siya sakin at nakilala kong si Megan nga.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinusundan?"

"Because you chatted me that you want to talk to me that's why I'm here. Pero kararating ko palang. Hindi kita nakita dito kanena"

Oo nga pala. Nakalimutan ko na nag.chat pala ako sa kanya noong isang gabi.

"Oo nga pala. Oo gusto nga kitang makausap pero para sa privacy. Puntahan mo kami mamaya sa may rooftop ng Higher Class building! Magkita nalang tayo mamaya"

"Sige!sige!"

Teka?! Kung kararating palang ni Megan? Bakit parang may sumusunod sakin kanena. ?

(Higher class building rooftop)

"Couz,are you sure na pupunta siya dito?. We're waiting here for an hour but until now she's not already here?"

Bakit wala kapa Megan?

"Couz,malinaw yung usapan namin kanena na dito tayo magkikita. Di kaya may nangyari na sa kanya?"

Bakit hindi mapakali yung nararamdaman ko. ? Habang tumatagal mas lalong bumibilis yung kaba ko. Hindi ko gusto toh.

"Couz,baka naman naghahanap pa yun ng paraan kung paano matatakasan yung mga kaibigan niya. Eh alam mo naman ang mga yun. Kahit saang lugar magkasama sila kaya baka nahirapan siguro yung takasan sila.'

Mga kaibigan? Magkasama sila palage? Di Kaya?

"Avah,pahiram ng cellphone mo. Bilis!"

Mabilis naman niya itong binigay sakin.

"Anong gagawin mo?"

"Ita tract natin yung phone niya. Ilang minuto palang. "

Tinract ko yung location ni Megan ngayon.

"Sa Old soul building? Bakit nanjan siya?!"nagtatakang tanong ni Avah.

Ito yung building na kung saan pinahirapan ako nila Venus noon. Medyo malapit lang yun dito.

"Halika na Avah. !!!"

Mabilis kaming bumaba sa HC building . Kelangan na naming magmadali. Sinasabi ko na may nakarinig sa usapan namin kanena at may sumusunod nga talaga sakin.
Pagdating namin sarado yung entrance nito. Pambihira.!
Hindi namin mabuksan kahit anong tadyak namin ni Avah. Kaya naisipan naming umakyat sa mga nakasaradong bintana papunta sa ikalawang palapag. Nagsalit-salitan kami ni Avah na apakan yung mga kamay namin habang pwersa na itinaas hanggang sa makahawak sa mga bintana.
Nakarating kami ni Avah sa ikatlong palapag kaya nakapasok kami sa may sirang bintana. Rinig namin ang tawa ng mga babae sa loob.
Ayun sa iba-ibang boses sa pagtawa nila. Apat silang nandun.

"Maghanda kana Avah dahil apat sila."
Napakunot-noo naman si Avah sakin.

"Paano mo nalaman na apat sila?"nagtatakang tanong ni Avah.

Classy University And the Royal classes(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon