Author: I hope you still continue reading. Alam kong nagagalit na yung iba dahil pinatay ko si Ada. Please continue reading the story. May mga aabangan pa kayo na mangyayari!hehe
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••Morris POV
Nababalutan ng puro itim ang kalahating parti ng isang Private cemetery dahil sa dami ng mga estudyanteng dumalo sa libing ni Ada. Oo! Ngayon ang libing ni Ada at namamaga pa rin ang mga mata namin pareho simula noong namatay si Ada. Kung titingnan mo ang kanyang malaking litrato ng napaka.inosente niyang mukha. Maiisip mong parang buhay pa rin si Ada. Parang naririnig ko pa rin ang boses niya, ang tawa niya. Nagkabati na ang buong Royals dahil kay Ada ngunit yun naman ang sobrang hinagpis naming lahat sa pagkawala niya. Hindi na binurol pa ng matagal si Ada dahil mas malulungkot lang ang kanyang ina pag nagtagal ito.
Oo! Hindi nga natuloy ang labanan at dumanak ng dugo ngunit buhay pala ni Ada ang kapalit. Ang mas masakit lang dahil siya ang mas nasaktan at nahirapan sa lahat. Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya.
Nakakulong nga pala ngayon si Duke at Venus ganun din si Xander. Hinihintay nalang ang resulta kung anong maging paratang sa kanila ng gobyerno. Humingi naman sila sa amin ng tawad at napatawad na namin sila. Si council Troy at council Bruklyn naman ay napatalsik na sa pagiging council at napaalis sa CU. Nakakulong na rin sila.Alam niyo kung bakit?Flashback
Nasa loob pa rin kami ng office ni Head Castro ng biglang pumasok ang isa mga beefeater at sabi nito'y pinatatawag na daw si Head Castro ng Director sa Council hall. Sumunod kaming tatlo at nandun na nga ang lahat. Iba ang Council hall sa officials meeting hall. Mas malaki ang council Hall kesa sa officials meeting hall. Nasa isang malaking mesa ang buong councils sa Lower class at Higher class . Nasa kabilang side naman ang mga Presidents ng bawat University ng Glaciver,Fly High,Orchard at Dawson. Tingin ko'y ito na ang resulta ng nagaganap na pagpupulong kanenang umaga. Masyadong napakaseryoso ng mga eskpresyon ng mga mukha nila. Ngunit ang Director ay kalma lang itong nakatingin sa kanila.
"Simulan na ang botohan!"
Botohan?
Tumayo ang lahat at may inihuhulog silang mga rolled papers sa isang glass square . So it means magkakaroon ng botohan sa bagong President? Nandito rin si President Morgan?"Upang maging patas ang labanan. Bawat President ng iba't-ibang universities na bisita natin ngayon ay siyang bubunot at babasahin niya kung sino ang nakasulat nito. Nais ko lamang sanang linawin na lahat ay desisyon ng bawat council na bumoto sa sarili nilang kagustuhan. Ngayon! Simulan na ang botohan. Nais ko sanang imbitahan ang ating apat Presidente upang malaman na natin kung sino ang susunod na Presidente ng CU.
Magkaharap ngayon ng upuan si council Troy at Pres. Morgan."Lennart!"- Fly High pres.
Habang si Executive kim naman ang tagasulat sa bawat numero ng boto.
"Lennart!"- Orchard
At nakikita kong nakangiti si council Bruklyn pati na rin si council Troy. Si Pres. Morgan ay tahimik lang itong nanunuod at nakikinig.
"Morgan!" Glaciver pres.
"Morgan!" - Fly High pres.
"Morgan!" - Dawson pres.
"Morgan!" - Orchard pres.
Tsk. Kita kong nagulat pareho si Mr. Bruklyn at Troy.
"Morgan!" -Glaciver pres.
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
Ficción General"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...