Ada POV
Kailangan kong harapin lahat toh. Kailangan kong maging matatag. Tama si Head Castro dapat maging matatag lang ako.
Humingi rin ako ng isang pabor ni Papa ,na kung pwede ay ganun pa rin yung pamumuhay ko dito sa CU tulad ng dati. Ayokong tratuhin akong parang prinsesa dito sa CU. Gusto kong isang ordinaryong estudyante lang. Makikisabay pa rin ako ni Avah or di Kaya magpahatid kay manong sa CU. Gusto kong manatiling lower class. Yun naman talaga ang kauna.unahang naging ako sa University nato.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa mga narinig ko kagabi sa usapan ni Avah at ni kuya Aivan sa terrace. Magpapahangin sana ako sa terrace ng kwarto ko ng marinig ko ang usapan nilang dalawa.
Flashback
"Kuya? Pero papaano nato. Hindi tayo pwedeng magkaaway-away Lalo na't may mga kalaban tayo!"
"Wala na akong pakialam jan,Ada. Problema na ni Duke yan. Total siya lang naman ang matapang na leader hindi ba! Basta! Kahit anong mangyari wag na wag mong kukumbisinhing kausapin si Duke sa kahit ano dahil wala ka ring mapapala sa kitid ng utak niya!"
Nag-away si kuya Aivan at Duke dahil sakin?
"See? Pati si Aphro! Talagang hindi na nila napabago ang isip ni Duke. Ganun-ganun nalang yun? Hindi man lang niya naisip na tanungin kung bakit nangyayari toh? Palibhasa Kasi ,iisa lang ang paniniwala niya sa buhay. Yun ang sarili niya. Alam mo Avah,kaibigan ko si Duke eh. Pinapakinggan ko siya sa lahat ng problema niya. Pero siya? Parang wala lang siyang pakialam sa mga sinabi ko kanena. Bahala na siya!"
Sobrang galit si kuya kay Duke. May nangyari ba nung umalis ako sa ball? Baka sobra ngang nagalit si Duke. Hindi pwede toh. Hindi sila pwedeng mag-away dahil sakin. Kasalanan ko toh. Kailangan ko silang kausapin.
"Kuya,hindi naman sa pinapanigan ko si Duke pero sabi mo nga diba kaibigan ka niya. Malalim yung pinagdaan niya at ikaw ang mas nakakaalam nun. Hindi naman natin masisisi si Duke eh dahil nasaktan din siya sa nakaraan niya at hanggang ngayon at hanggang sa pagtanda niya. Hinding -hindi niya makakalimutan yun. Kuya intindihin nalang natin si Duke. Biktima rin siya dito. Pareho sila ni Ada. Pareho nilang hindi alam ang nangyayari."
"Ada! Palage ko namang iniintindi si Duke eh dahil kaibigan ko siya. Hindi ko naman hinihingi sa kanya na intindihin niya rin yung sinabi ko tungkol kay,Ada. Gusto ko lang intindihin niya rin yung pinsan natin. Gusto kong isipin niya rin naman kung ano si Ada sa buhay niya noong mga panahong nalulungkot siya. Bakit? Alam ba ni Ada na anak pala siya ng Director? Hindi naman ah! Nasaktan din yung pinsan natin Avah! Kung narinig mo lang lahat ng sinabi ni Duke kanena. Baka nasampal mo na siya! Parang hindi niya kilala si Ada at mas lalong parang nakalimutan niya na kaibigan niya ako at pinsan ko yung pinagsasalitaan niya ng masama! Sa tingin mo? Papaano ko pa siya maiintindihan kung siya mismo hindi marunong umintindi sa sarili niya? Ni hindi man lang niya magawang tanungin man lang si Ada o dinggin man lang yung panig ng pinsan natin.! Siya ang may kagustuhan ng lahat ng ito. Kaya wala na akong magagawa!"
Pilit kong pinipigilan yung iyak ko ngunit sobrang sikip na ng dibdib ko sa mga nangyayari. Nasira ko yung pagkakaibigan ng grupo nila dahil sakin.
*sobbing*
Flashback end
Lahat ng nakakasalubong kong estudyante nginingitian ko. Hindi na ako magugulat pa dahil sa nagbago na yung tingin nila sakin.
"Ahd,ok ka na ba?"nag-alalang tanong sakin ni Fern. The truth is hindi pa. Hanggang ngayon malalim pa rin ang iniisip ko.
Biglang nagbulong-bulongan ang mga nasa unahan na mga estudyante . Lahat sila nakatuon sa mga estudyanteng papasok palang ng food court.
Sumikip bigla ang dibdib ko ng makita ko kung sino.
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...
