Apollo POV
Sobrang tahimik ng buong paligid. Sobrang tahimik at presko din ng mga halaman. Naalala ko tuloy si Caleb,mahilig siya sa mga halaman at mag-alaga ng mga halaman.
Ano na kayang nangyayari sa kanila ngayon? Sana naman masaya sila. Pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko. Nabulag ako sa lahat ng sinabi ng ama ko sakin. Naging makasarili na rin ako. Marami akong nasaktan na tao lalong-lalo na si Ada. Namimiss ko na ang buong Royals. Namimiss ko ang mga kaibigan ko.*sniff*
"Mr. Lennart may bisita po kayo!"
Hinawi ko agad ang mga luha sa mata ko. Baka sila mommy.
Pagkapasok ko sa may Visiting station nakasalubong ko rin si Venus na papunta din doon.
"May bisita ka rin?"sabay naming tanong.
"Oo!"sabay ulit namin.
Tsk.
"Halika na. Baka parehong mga pamilya natin yung bumibisita."sabi ko.
Papunta palang kami ng parang lahat ng tao dito sa visiting station at kanena pa nakatingin sa unahan maging ang mga police na nakabantay ay nakatingin dun.
Nagulat kami kong sino ang kanena pa nila tinitingnan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sobrang tuwa. At mas lalo akong napaluha ng makita ko silang nakangiti sa aming dalawa ni Venus.
"Kuya?!Kuya?!*sobb*"agad na salubong sakin ni Paris at niyakap ako. Namiss ko ng sobra ang kapatid kong toh.
Nang makalapit na kami sa kanila. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Duke at Aivan. Ganun din sina Aphro. Niyakap nila si Venus.
Pero huling taong ikinagulat ko na yumakap sakin ay si Ada kaya sobrang saya ko dahil nakita kong ligtas siya.
"Kamusta na kayong dalawa? Mukang kailangan mo ng mag.shave oh Apollo. Tsaka ikaw rin Venus mukang kelangang putulan na yang buhok mo,ang taas na oh. Sobrang init niyan!hehe"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ada. Talaga bang kinakausap niya ako?
Kahit si Venus napaluha na rin ng kinausap kami ni Ada.
"Ahd,thank you ha*sniff*. I'm sorry rin sa mga ginawa namin sayo*sobb*. Pinagsisisihan ko na talaga lahat,Ada. I'm really sorry*sobb*"
Ngunit ngumiti lang si Ada.
"Matagal ko na kayong pinatawad. Wala na kayong dapat sabihin pa sakin. Alam kong hindi niyo rin ginusto ang lahat ng mga nangyari. Nakinig nga kayo sakin diba? Pinatigil niyo rin ang labanan kaya alam Kong pinahahalagahan niyo pa rin ang pagkakaibigan niyong mga Royals. Tsaka kahit kelan hindi ko kayo kinamuhian. Ang importante sakin ay magiging masaya kayo. "
Hindi ko alam ngunit bigla ko nalang niyakap si Ada.
"Thank you,Ada. Maraming salamat talaga!"
Kumalas naman ako sa kanya. Mahirap na nandito pa naman si Duke.hehe.
" Nandito talaga kaming lahat ng buong Royals. Sa katunayan galing kaming lahat sa bahay niyo Apollo. Kaya naisipan naming puntahan kayong dalawa ni Venus dito. Iniimbestigahan na rin lahat ng mga nangyari. Hihintayin nalang natin kung anong magiging resulta at Kung anong magiging paratang ng gobyerno. " Ada
"Tsaka wag kayong mag-alala Venus at Apollo. Kung tatagal man yung pagkakakulong niyo hanggang graduation . Makaka.attend pa rin naman kayo sa graduation ball at Graduation . Syempre gusto rin naman naming kumpleto tayong lahat dun. " Aivan
BINABASA MO ANG
Classy University And the Royal classes(COMPLETED)
General Fiction"CLASSY UNIVERSITY??????"or They called a Palace University Ang paaralang pinapangarap ng lahat. The palace school of the different students from different richest and royal families. "Home of the Royal students" So if you're not came from a royal...
