I sat on the sofa habang si Vaughn naman ay nasa harapan ko nakaupo rin. He's busy doing something on his laptop.
I'm dazed right now. Hindi parin nawala sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Naiilang ako ngayon. Hindi ko nga siya masulyapan kahit nakaw man lang.
"Vaughn, saan mo ba nilagay ang mga pampalasa?" Tanong ni Chad.
Inilapag ni Vaughn ang laptop niya sa sofa at tumayo. Tumungo siya sa kusina para puntahan si Chad. Nang nawala na siya sa harap ko ay nakaramdam ako ng ginhawa. Mabuti naman at nawala siya at pumunta muna sa kusina.
My eyes looked around his apartment. It's just the same as mine but I think mas maayos at organized ang mga gamit niya dito kaysa sa akin.
His apartment's interior was painted by white and brown. Simple lang din ang mga furniture dito. May dalawang sofa na magkaharap at may maliit na mesa sa gitna. Mayroon ding TV.
Nagtagal ang tingin ko sa mga picture frames na nakasabit sa dingding. There's a picture of a flowers, mountains, beaches, sunsets, skies and many more. I think he took all those pictures since he's a photographer.
Bumalik si Vaughn sa sofa na inupuan niya kanina at umupo. Bigla akong kinabahan at agad kong iniwas ang tingin sa kanya nang nagkatinginan kami.
Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko para may magawa naman ako kahit paano. I bit my lip when I remember that I left it on my bed pala.
"Okay lang ba kayo diyan? Bakit parang ang tahimik niyo naman?"
Napatingin ako sa kusina. Nakatalikod si Chad habang hinahalo ang niluluto niya.
"We're fine," sagot ko pabalik.
I looked at Vaughn. He's focused on his laptop. I'm really sure na nakaka-istorbo talaga kami ni Chad.
Tumayo ako at pumunta sa kusina para samahan si Chad. I just can't sit there doing nothing. Mas mabuting tulungan ko nalang si Chad.
Pumunta ako sa gilid ni Chad at tinignan ang niluto niya.
"Is that sinigang?" I asked.
Chad smiled. "Oo. Malapit na akong matapos."
"Then should I prepare the plates and utensils then?"
Agad umiling si Chad.
"Ako na, Jillian. Umupo ka na doon."
Hindi ko pinansin si Chad at nagtungo ako sa cabinet. I was about to get the plates but I was shocked when Vaughn held my wrist. It's just a touch but why does my heart keeps beating fast?
He looked at me with a cold expression.
"Ako na. Bisita ka. Hindi mo kailangang gawin ito. Umupo ka na."
He let go of my wrist at kumuha ng tatlong plato. I followed his order at umupo na sa dining table. Pinanood ko siyang inilagay ang mga plato sa mesa. He placed a plate beside me and he also placed one in front of me. Kumuha din siya ng mga kubyertos at baso.
"Tapos na!" Chad exclaimed.
Inilagay ni Chad ang sinigang na niluto niya sa isang malaking bowl at inilagay sa mesa. Uupo sana si Chad sa tabi ko nang naunahan siya ni Vaughn na may dalang kanin.
"Doon ka," Vaughn said habang itinuro ang espasyo sa harap ko.
Tumingin si Chad sa aming dalawa bago umupo sa harapan ko. Ningitian ko siya.
"Okay, let's eat!" Ngumiti si Chad. "Mauna ka munang kumuha ng kanin, Jill."
Tumango ako at kukunin na sana ang bowl kung saan nakalagay ang kanin pero kinuha 'yun ni Vaughn. Inangat ko ang tingin ko kay Vaughn. Napatingin din si Chad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.