Chapter 20

153 98 5
                                    

"Totoo bang nag-file ka ng vacation leave for two weeks? What if I'll take a break from work too?" Marigold said.

"What for?" Tanong ni Vaughn.

"Magbakasyon tayo! I've searched places around the internet and guess what? Batanes really caught my attention. Ang ganda doon, Vaughn! I'm sure may maidadagdag ka na naman sa mga collections mo."

"Hmm, I'm not sure, Gold. I already have plans," sabi ni Vaughn.

"Hindi na ba ako kasama sa plano mo? Nagtatampo na ako sa iyo, Vaughn."

Marigold's face saddened. She even pouted her lips. Hindi ko alam bakit nagki-cringe ako sa kanya.

Nagpatuloy lang akong kumain. Kanina pa ako hindi nagsasalita dahil kanina pa silang nag-uusap dalawa.

"Don't worry. Gagala tayo sa susunod," Vaughn said.

Marigold's face lightened. Napatingin siya sa akin ng saglit bago ibinalik ang tingin kay Vaughn.

"Sige ba!" She said. "Bisitahin din natin ang pamilya mo sa Ilocos. Na-miss ko na kasi 'yung luto ni Tita at ang mga jokes ni Tito. Isama mo pa ang kakulitan nila Vax at Venisse."

"Hindi ko alam bakit ang kukulit ng dalawa pag meron ka. Hindi sila ganyan sa akin," Vaughn laughed.

Mukhang malapit si Marigold sa pamilya ni Vaughn. Mabuti pa siya.

I stood up. Napatingin si Marigold at Vaughn sa akin.

"Saan ka?" Vaughn asked.

"Kukuha lang ng dessert."

Nagulat ako nang tumayo si Vaughn sa pagkaupo.

"Samahan kita."

"Huwag na. Dito ka lang. Samahan mo dito si Marigold," I said.

"Are you sure?"

I nodded. Bumalik sa pagkaupo si Vaughn.

"Jillian, favor naman. Pwede mo ba akong dalhan ng dessert? Macaroni ang gusto ko. If walang macaroni, fruit salad nalang. Thanks!" pahabol ni Marigold.

Ano ako? Waiter? Aba nakakagigil na 'to ha. Ni hindi nga ako inuutusan sa bahay.

"Okay," napatingin ako kay Vaughn. "Ikaw? May gusto ka?"

He looked at me. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Marigold.

"Hindi kasi mahilig si Vaughn sa mga sweets, eh."

Bakit siya ang sumagot? Siya ba si Vaughn?

"Ah, okay. Alis muna ako," sabi ko.

Nang nakatalikod na ako, agad kong umirap. Nakakabwisit!

When I first met Marigold, she's nice that's why I really liked her at first. Pero ngayon, naiirita na ako sa kanya.

"Jillian!"

Napatingin ako kay Chad na naglalakad papunta sa akin. I smiled immediately.

"Uuwi ka na?" He asked.

"Hindi pa. Kukuha lang ako ng sweets sa baba."

"Samahan na kita."

Sinamahan ako ni Chad sa baba para kumuha ng desserts. Kinuha ko muna 'yung dessert para kay Marigold na macaroni bago kumuha ng cassava cake para sa akin.

"What time 'yung flight mo bukas, Chad?" I asked.

"Twelve noon," he answered. "Mamimiss kita, Jill."

"Me too, Chad. Mag-ingat ka palagi doon ha? If may mga problema ka or you want someone to talk to, you can text or call me."

"Jill, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ah," he said.

Mizpah: JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon