I couldn't sleep last night. Tumatakbo parin sa isip ko ang tungkol sa nangyari kagabi. I unconsciously touched my lips while I stared at my reflection in the mirror.
He kissed me.
I took a deep breath before I turned the faucet on and scooped the water using the both of my hands and washed my face.
I'm sure it'll be awkward as hell.
I wiped my face with a dry towel. My heart pounded when I heard a loud knock outside the room. Shit, hindi sana ito si Vaughn.
Lumabas ako sa banyo dito sa loob ng kwarto at nagtungo sa harap ng pinto. I inhaled deeply before I opened it. Nawala ang kaba ko nang nalamang si Vax ang nakita ko sa labas.
"Kakain na po ng agahan," he said.
I smiled. "Good morning! Sige, susunod lang ako."
He smiled shyly and nodded.
I closed the door and went back inside. Inayos ko muna ang kama at ilang mga gamit ko na nakakalat. When the room looked neat, well... for me, lumabas na ako sa kwarto.
While I was walking towards the kitchen, I heard the family's conversation.
"Vax, bakit mo kasi ni-lock ang pinto mo? Sa sala tuloy natulog ang kuya mo," his mom said.
"Nakalimutan ko kasi atsaka hindi ko narinig ang katok ni Kuya kagabi," Vax replied.
"Tigil-tigilan mo nang mag-earphones habang natutulog, Vax. Nakakasama 'yan. Pag ikaw nabingi, wala talaga kaming ibabayad sa pagpapa-ospital mo," Vaughn said in a groggy voice.
My heart thumped when they all looked at me. Nakaupo na silang lahat sa hapag at mukhang inaantay nila ako para makapagsimula nang kumain.
"Oh, halika na, Jill. Umupo ka na sa tabi ni Vaughn," sabi ng papa ni Vaughn.
Dumapo ang tingin ko kay Vaughn na ngayon ay nakatingin sa akin. Mukhang inaantok pa ito at magulo ang buhok.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. God, why is he so handsome in that state?
"Pasensya na po at pinaghihintay ko kayo," I apologized after I sat beside Vaughn.
"Okay lang," Vaughn's mother smiled.
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. While we are eating, hindi ko maiwasang sumulyap kay Vaughn. I can't believe he kissed me last night.
"Jillian, maayos ba ang tulog mo kagabi?"
I quickly looked at Vaughn's mother. Naramdaman kong napatingin sa akin si Vaughn.
"Ah, opo. Wala pong problema," I answered.
I lied when I said that. Syempre, hindi maayos ang tulog ko dahil sa nangyari kagabi.
After we ate breakfast, naligo na ako at nag-ayos dahil pupunta kami ni Vaughn ngayon sa rancho. Habang nasa taxi kami, tahimik lang kaming dalawa.
Ano kayang naramdaman niya kagabi? I want to know what's on his mind!
Tumigil kami sa isang mansyon. Halos mapanganga ako sa laki nito. Binakuran ito ng malaking gate pero makikita parin ang loob nito. The mansion looks old yet classic.
May dalawang guard na nakatayo sa labas ng gate. Sinuri nila kaming dalawa ni Vaughn bago kami pinapasok sa loob.
Napatingin ako sa paligid. Maraming mga hardinero ang nakakalat sa paligid. They were cleaning, cutting and spraying all the plants here.
My eyes stopped at an old man who's waving at us under the tree. He's seated in a wheelchair. There are two maids accompanying him.
"Lo," bati ni Vaughn nang nakalapit na kami.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.