While wiping the dining table, napatingin ako kay Vaughn na nakatalikod sa akin habang naghuhugas ng mga hugasin sa lababo.
Kanina, I insisted na ako na ang maghugas ng plato dahil nakakahiya naman. He said that it's really okay kaya't pumayag nalang ako.
To be honest, nahihiya talaga ako ngayon. Hindi ko alam if it's because of the mess here in my place or hindi pa ako nakapag-ayos but I think both.
Naka-pambahay lang ako. If only I knew that he'd be coming here, nakapag-ayos na sana ako at nagbihis ng maayos. Hindi pa nga ako nakaligo.
"Why are you here? Napahugas ka tuloy ng mga plato," I chuckled a bit.
"Naamoy ko kanina na may nasusunog galing dito kaya't pinuntahan kita agad," he said. "Mabuti naman at walang nangyaring masama."
Nang natapos na ako sa pagpunas ng lamesa ay pumunta ako sa lababo para basain at linisin ang telang pamunas. Tumayo ako sa tabi niya at hinintay munang matapos siya sa paghuhugas.
"Thanks for worrying." I looked at him.
He turned his face at me then gave me a small and quick smile. Napangiti din ako.
Tumagal ng ilang mga segundo ang titig niya sa akin bago ibinalik ang atensyon sa paghuhugas. He stepped aside when he's done so that I could access the kitchen sink.
"Wala kang trabaho ngayon?" I asked habang binabasa ang tela.
"Nag-file ako ng vacation leave sa agency. Two weeks," he answered.
"Ang taas ng leave mo, ha. Bakit?"
"Gusto kong magpahinga muna sa trabaho."
"Ah."
I twisted and squeezed the cloth to get rid of the excess water. Inilagay ko ito sa gilid ng lababo pagkatapos. I faced him. He's already looking at me with his not-so-serious face.
"You said you'll teach me how to cook right? Anong lulutuin natin?" I asked.
"Adobo."
My face lightened up with excitement. Adobo is my favorite food. Especially, my Mom's adobo. Matagal na din akong hindi nakakain nito and suddenly, nagke-crave ako nito.
I smiled. "Okay."
"May mga ingredients ka ba dito?" He pointed the fridge.
Agad napawi ang ngiti ko.
"Naubos ko na pala kanina. I think kailangan nating mamalengke," I said.
He nodded. "Sige."
"Pero maliligo muna ako. Can you wait?"
Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin.
"You can sit muna diyan sa sofa. I'll be quick," I added.
Iniwan ko na siya at naglakad na ako sa papasok sa cr. Isa lang ang cr dito sa apartment and katabi lang siya sa kusina.
I turned off the faucet. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa cr while wearing a towel. My hair was wrapped in a towel also.
Naglakad na ako paalis sa kusina at nakita ko si Vaughn na umupo sa sofa. Seryoso siyang nagce-cellphone habang nakadekwatro ng upo.
Tumingin siya saglit sa akin bago ibinalik ulit ang tingin sa cellphone niya. He wiped the back of his neck using his hands. Huminto muna ako sa paglalakad.
"Naiinitan ka ba? Sorry wala akong electric fan dito," I said.
Hindi nagsalita si Vaughn. I shrugged and went inside my room.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.