It's three thirty o'clock in the afternoon when Chad texted me that he's outside the gate. He's quite late pero baka may ginagawa siya at hindi namalayan ang oras.
Lumabas na ako sa apartment ko at nagtungo sa labas ng gate. I saw Chad standing outside his white sedan. Tinanggal niya ang shades na suot niya. Lumapit ako sa kanya.
He smiled apologetically.
"I'm sorry kung natagalan ako, Jill. May lakad kasi ako kanina at medyo natagalan," he apologized.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. I smiled and went inside. Pumasok na din siya. Nagsuot ako ang seatbelt at ganoon din siya.
"It's fine. Importante siguro ang lakad mo kanina."
After I wore my seatbealt, I shifted in to my seat to make myself comfortable. Chad started his engine at pinatakbo na ang sasakyan.
"Actually, I bought an airplane ticket kaya natagalan ako. I'm returning to Riyadh next week," he said.
I turned my gaze to him.
"Really? Ang bilis naman."
Tumingin siya saglit sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa harap.
"Oo nga. May trabaho pa kasi ako doon at three weeks lang ang leave ko."
Bigla akong nalungkot. Even on a short period of time, I considered Chad as a friend here in La Uñion. He's a good person.
"Kailan ulit ang uwi mo dito?"
"Hmm, maybe next year. Di ako sure," sagot niya.
Tumango ako.
Ang tagal naman. I guess that's how it works for OFWs like Chad. Minsan lang umuuwi sa isang taon. They only have a limited quality time to spend with their family.
Even though there are many ways to communicate to your family and friends, mas maganda talaga kapag nakakasama mo sila.
Sinabi ni Chad sa akin na sa San Juan kami pupunta dahil maganda daw doon kapag sunset which is true naman. Vaughn and I already went there and I don't mind coming again.
Hindi na ako nagdala ng bikini dahil hindi rin naman ako maliligo doon and I'm sure hindi rin maliligo si Chad.
Nang nakarating na kami, bumaba na kami at pumunta muna sa isang store na nagtitinda ng mga fresh buko juice. Pumunta kami sa counter para bumili.
"Chad? Uy, Chad! Nandito ka pala."
Lumingon ako sa likuran kung saan nanggaling ang boses ng isang pamilyar na babae. And to my surprise, it's Marigold looking pretty... With Vaughn.
Nagtagal ang tingin ni Vaughn sa akin habang si Marigold naman ay nanlaki ang mata nang nakita ako kasama ni Chad.
"Jillian!? Magkasama kayo?" Gulat na tanong niya.
"Yes," ngumiti si Chad. "Anong ginagawa ninyo dito?"
"May photoshoot kasi kami dito at may fifteen minute break kami ngayon. Vaughn suggested that magpalamig daw muna kami," she said.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang suot ni Marigold. She's wearing a mint green bikini. Her breasts... Are they real? Ang laki!
Walang-wala ang suot ko sa suot niya. I'm just wearing a sleeve less floral dress na above the knee ang length at nude sandals. Agad akong nanliit sa sarili ko. I looked like a manang!
She's using hair extensions. Bagay na bagay sa kanya ang long hair. While me on the other hand, naka-bun ang buhok ko na sobrang gulo dahil sa hangin.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.