Chapter 7

233 160 36
                                    

I stared at the ceiling while laying on my bed. I forced myself to shut my eyes but I can't sleep. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ko at tinignan ang oras. It's eleven freaking twenty seven pm!

Bumangon ako at tumungo sa kusina. I opened the fridge and kinuha ang pitcher. Kinuha ko ang takip nito at inimnan. Wala namang problema if hindi ako gagamit ng baso. Ako lang naman ang tao dito.

Pagkatapos kong uminom ay inilapag ko muna ang pitcher sa lamesa at ibinalik ang takip nito. I sat down at in-open ko ulit ang cellphone ko. Nag search ako ng mga 'how to sleep' articles sa browser.

Halos lahat ng mga tips na nakalagay sa mga article ay nagawa ko na. Pumunta ulit ako sa ibang sites at halos magkapareha lang din ang mga tips nila.

"Paulit-ulit naman. Bwisit," I said almost losing patience.

Halos idiniin ko na ang daliri sa pagpindot ng aking cellphone.

"Pag itong site na 'to pareha lang sa mga nabasa ko, itatapon ko na talaga itong cellphone," gigil na sabi ko.

'Go outside for a few minutes. It will make you sleepy.'

My face lightened up. Right! I can go to the rooftop!

I turned off my phone at binuksan ulit ang fridge. Kumuha ako ng fresh milk at lumabas na sa apartment ko.

As soon as I arrived at the rooftop, the cold wind and the presence of Vaughn welcomed me. Nakatalikod siya sa akin habang tinatanaw ang paligid. Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kanya. Nang nasa tabi niya na ako ay inilagay ko ang binitbit kong fresh milk sa ledge.

Napatingin muna siya sa akin bago kinuha ang sigarilyo sa kanyang bibig at itinapon sa sahig bago tinapakan.

"What are you doing here?" I asked.

Isinipa niya ang itinapong sigarilyo palayo sa amin. He then looked at me.

"Nagpapahangin lang."

Inilayo ko ang tingin sa kanya at tinignan ang paligid. The lights from the houses and buildings looked pleasing to me, sa opinyon ko lang naman. Plus the starry and clear skies was calming.

"Ikaw?"

Napatingin ako sa kanya.

"I can't sleep."

Kinuha ko ang fresh milk na inilagay ko sa ledge at binuksan ito. Ininom ko ito habang ibinalik ulit ang tingin sa paligid.

"Diba may trabaho ka bukas? You should sleep now," I said without looking at him.

"Linggo na bukas."

I mentally slapped myself. Hindi ko alam na linggo na pala bukas. Aba malay ko ba kung anong araw na bukas o ngayon. Hindi naman ako tumitingin sa kalendaryo.

Tumahimik nalang ako habang patuloy na umiinom ng fresh milk.

"Paano kayo nagkita ni Chad kanina?" He asked.

Inilagay ko ang fresh milk sa ledge at tinignan siya na nakatingin na sa akin.

Nakaramdam ako ko ng paninikip sa aking dibdib.

"Lumabas kasi ako kanina dahil sobrang bored ko na sa apartment at nakita niya ako," I stopped myself from stuttering.

"Talaga?"

His eyes remained at me.

"Yeah. He suggested that we should go to San Juan tomorrow," I answered.

Mizpah: JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon