Chapter 28

59 12 7
                                    

Chapter 28

"Jillian, bilisan mo na diyan," sabi ni Cale.

Nakatayo si Cale habang inoobserbahan ang apartment na tintuluyan ko. Nag-impake na ako ng mga gamit at damit na dadalhin ko pabalik sa Taguig. Nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko dahil kay Papa. I hope he's okay.

"Okay ka lang ba dito, Jill?" Nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang. I've learned many things while living on my own, Cale, kaya't huwag kang mag-alala," I answered. "Ano bang nangyari bakit na-ospital si Dad?"

He sighed. "He found out that Brenda's just using him for his money. Inatake si Dad sa opisina and unfortunately, nauntog ang ulo niya sa lamesa. That's why critical pa ang condition niya ngayon."

"I'm not surprised by that. Alam naman natin noon pa lang na pera lang ang habol niya kay Dad."

Bigla akong nainis kay Brenda, well... palagi naman. Mabuti nalang at nalaman ni Dad ang totong pakay ni Brenda sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay mawala si Brenda sa pamamahay namin at sa buhay ni Dad. Marami pa siyang pwedeng gawin instead of leeching into a wealthy man.

"Where is she right now? Don't tell me na nasa bahay pa siya ngayon," I asked.

"I called one of our maids earlier since I'm still staying at my condo. Nandoon pa raw siya sa bahay. She insisted to go to the hospital, but useless lang ang pagpunta niya dahil haharangin lang siya ng mga bodyguards ni Dad."

"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yan! I will definitely talk to her and make sure that she'll leave our house," singhal ko. "She's the reason why Dad's in hospital right now, Cale. I will never forgive her!

Natapos na ako sa pag-empake ng mga gamit ko. Cale and I are now ready to go. Lalabas na sana ako sa apartment, nang bigla naalala ko si Vaughn.

Napatingin ako sa oras sa aking cellphone. It's six. He'll be here. Magpapaalam lang ako sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta nalang akong aalis.

"Cale, mauna ka na sa sasakyan. Susunod lang ako," I said.

Kumunot ang noo ni Cale. "Why? Is there something wrong? May nakalimutan ka ba? We have to go now, Jill. Medyo malayo-layo ang pa ang biyahe natin."

"May hinihintay lang ako," I replied.

"Sino?"

Agad akong natahimik. I can't tell him na hinihintay ko ang boyfriend ko. He'll get mad, I'm sure of it.

"Sino ang hinihintay mo, Jill?" Ulit niya.

"Uh, my friend. He'll be here in any minute. Sandali lang talaga 'to."

Cale gave me a questioned look. "He? Your friend's a he?"

I bit my lip. Kinakabahan ako. I slowly nod my head.

"Just text your friend, Jill. We really need to hurry now."

"Please, Cale," I begged.

"Fifteen minutes, Jill."

Nakaginhawa ako ng maluwag. "Thank you!"

"Hintayin kita sa loob ng sasakyan."

Umalis si Cale habang dala ang mga gamit ko. I called Vaughn pero hindi siya sumasagot. Patuloy ko pa rin siyang tinawagan pero ganoon pa din. I decided to text him.

To: Vaughn
Where are you? Come here immediately, please.

To: Vaughn
It's really urgent. Sinundo ako ng kuya ko. I'm going back home.

Mizpah: JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon