I couldn't sleep last night. Hindi mawala sa aking isipan kagabi na aalis kami ni Vaughn ngayon papuntang San Juan.
While in bed, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. I need to call Chad to cancel our plans for today. I suddenly felt bad. Chad planned this first. Dapat nga na tanggihan ko sana si Vaughn since huli na siyang nag-aya.
After three rings, he answered the call.
"Jillian? Napatawag ka?"
He sounded like he just got out of bed.
"Chad, I'm afraid we should cancel our plans for today. I'm really sorry," I said apologetically.
"Bakit naman?"
"Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko," I lied.
"Gusto mo bang puntahan kita diyan?" He sounded worried.
Bigla akong kinabahan.
"You don't have to. Ayaw kong makaabala sa'yo," agad kong sinabi.
"Sige. Sabihin mo lang kung may kailangan ka, ha?"
Biglang nawala ang kaba sa dibdib ko. Thank goodness that he's buying my excuse.
"Bye, Chad. Sorry talaga."
"Pahinga ka muna, Jillian. Bye."
I ended the call and turned off my phone. What if makita ako ni Chad na kasama si Vaughn? Oh my God. Kinakabahan ako. Huwag naman sana.
I quickly ate my breakfast, brushed my teeth and took a bath. Para akong pagong when it comes to morning rituals pero ngayon, para akong may hinahabol.
Nang natapos na akong maligo ay nagbihis ako agad. I wore a nude cardigan with a white tank top underneath. Nagsuot din ako ng white shorts at brown gladiator sandals. After I put a light make up, I braided my hair.
Nagready nalang din ako ng bikini and spare clothes in case na maliligo kami.
I'm all ready. Umupo muna ako sa sofa sa sala at tinignan ang oras sa cellphone ko. It's ten o'clock in the morning. Diba ang sabi niya maaga kami ngayon?
Ready na kaya siya? Should I go to his door and knock to say that I'm ready? Parang nakakahiya naman. Baka sabihin niya na masyado akong na-eexcite.
Then ano bang hinihintay ko? Na siya pa ang kumatok sa pinto ko para makaalis na kami?
Nag-cellphone muna ako and I searched the beaches in San Juan. I'll definitely swim on those waters and feel the sand on my feet while the sun touches my skin.
"Ang ganda naman," I uttered in amazement.
Nagtingin-tingin pa ako sa mga pictures sa web nang may narinig akong kumatok sa pinto ko. Agad tumibok ng napakalakas ang puso ko.
It must be Vaughn.
Naglakad ako patungo sa pinto. I opened the door and I was right. Vaughn was standing outside. He looked so fresh and handsome. His scent was hypnotizing.
He's wearing a blue v-neck shirt, matched with a black shorts and a black shoes. He was carrying a backpack with one strap on his right shoulders and his left hand held his black helmet.
"Alis na tayo," He said.
"Wait lang. Let me get my bag."
Bumalik ako sa loob at tumungo sa couch kung saan nakapatong ang bag ko. Tinignan ko muna ang laman nito to check if may nakalimutan ba ako.
Lumabas na ako at ini-lock na ang pinto.
Naglalakad na kami pababa. As usual, ang mga bata ay naglalaro parin sa labas, may mga nag-uusap na grupo ng mga babae pero walang mga tambay sa labas. Mabuti naman.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.