It's morning and I went to the kitchen para mag-agahan. I decided that I should go to school right now. I'm not sure if makakapasok pa ako sa klase. Nawala ako ng isang buwan without leaving a letter of absence.
Mabuti naman at hindi ko naabutan si Brenda dito sa kusina. My blood boil in anger about what happened last night. She's spying on me? Pity her.
Hindi na effective ang mga evidences na sinasabi niya sa akin dahil galit na si Dad sa kanya. Because Dad is angry at her, kahit anong sabihin pa niya, hindi na maniniwala si Dad.
"Ma'am, ano pong gusto niyong kainin?" Tanong ng maid sa akin.
I opened cabinet and took a frying pan. "I'll cook for my breakfast. Thank you."
"Sige po, Ma'am." Umalis na ang maid at naiwan akong mag-isa dito.
I'm cooking bacon and egg for my breakfast. Nilutuan ko na rin si Cale. Nang natapos na ako, inihanda ko na ito sa mesa. Sakto naman na bumaba na si Cale at nagtungo dito sa kusina.
"Oh, you're up. Let's have a breakfast together," sabi ko habang sinalinan ko ng juice ang baso naming dalawa.
Napatingin siya sa akin ng maigi. "You're wearing your uniform. Does that mean papasok ka na?"
Tumango ako at umupo na. Sumunod din siya.
"Yeah. Nawala ako ng isang buwan, Cale. Na-miss ko na ang mga kaibigan ko, lalong-lalo na si Suri," I answered. "And also, natatakot ako sa sinabi ni Suri sa akin."
Kumunot ang noo niya. "Anong sinabi niya sa'yo?"
"Na if hindi pa ako papasok, baka uulit ako ng second year. Nakakahiya kaya 'yun," I laughed. "Though, hindi ko alam if kicked-out na ba ako ngayon since hindi ako nakapasa ng letter of absence."
"I'm sure Dad took care of it," he started eating. "You prepared all of this?"
"Yes! Marunong na akong magluto ngayon," I said proudly.
"May mabuting naidulot pala ang paglayas mo," he joked.
"Whatever," I rolled my eyes in a playful manner. "Ihatid mo ako ngayon patungo sa school."
"Sure thing."
Nang matapos na kami ni Cale ay umalis na kami sa bahay. He drove me to school. Hindi kami pareho ng skwelahan ni Cale. He studied at Mapua University while I studied at Makati Medical Center. Hindi naman siya gaano kalayo. Mga less than 20 minutes lang.
Bigla kong na-miss ang mga araw na ganito. Na maaga akong gigising para makapasok ng maaga sa skwelahan and to hangout with friends and classmates kapag uwian na.
Vaughn didn't reply until now. He must be upset. I miss him and gusto kong bumalik sa La Uñion para makita siya. But what can I do? I also have my life here.
Tinanggal ko ang seatbelt ko. "Thanks for the ride. Huwag mo na akong sunduin mamaya."
"May lakad ako mamaya kaya't hindi talaga kita masusundo," he replied.
"Saan?" Tanong ko.
Tumahimik siya saglit. "May lakad kami ni Felix mamaya. He's here."
"Ah. Di-diretso ako mamaya kay Dad. It's thursday. Maaga ang uwi namin ngayon."
"I know. I'll visit after."
"Bye. Be careful."
Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok na sa loob ng building. Nang nakarating na ako sa harap ng classroom, huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
Napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Hinanap ko si Suri at nakita ko siyang naka-earphones habang nagre-review. Mukhang hindi niya ako napansin.
Ningitian ko ang mga kaklase ko habang naglalakad ako papunta kay Suri. Huminto ako sa harap niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin at nanlaki ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.