Chapter 21

146 90 11
                                    

"Laoag! Laoag! Dito lang!" Sigaw ng konduktor.

Napatingin kami ni Vaughn sa konduktor na sumigaw. The conductor was standing outside the door of the bus. May mga tao nang lumapit at sumakay sa bus.

Vaughn stood up kaya't tumayo na rin ako. He looked at me and held the strap of my backpack.

"Ako na," he said.

Tumango ako at hinayaan siyang bitbitin ang backpack ko. Nang pumasok na kami sa bus, umupo ako sa may bintana habang si Vaughn naman ay inilagay ang backpack naming dalawa sa compartment sa taas bago siya umupo sa tabi ko.

Minutes later, umandar na ang bus na sinasakyan namin. Tahimik lang kaming dalawa ni Vaughn.

Inaantok parin ako ngayon dahil maaga kaming umalis ni Vaughn. It's four thirty am when Vaughn knocked outside my door and told me to get ready dahil ngayon daw kami pupunta sa Ilocos Norte.

I yawned and looked at my wrist watch. It's five thirty am. Ang aga talaga.

"Matulog ka muna. Four hours ang biyahe patungo sa Laoag. Malayo pa tayo," he looked at me.

Napatingin ako kay Vaughn. Mukhang inaantok din siya.

"Matulog ka rin. Mukhang inaantok ka pa," I said.

I yawned again. Inayos ko ang pagkasandal ko sa upuan at pumikit na. I slowly opened my eyes when Vaughn's warm hand touched my head and placed it on his shoulder.

His head rested on mine. Hindi na ako nagreklamo at pumikit nalang. The familiar feeling crawled into my chest until I felt asleep.

After many hours, nakarating na kami sa Laoag City, which is Vaughn's hometown here in Ilocos Norte. Tanghali na ngayon at tirik na tirik ang araw.

"Saan tayo?" Tanong ko ni Vaughn nang nakasakay na kami sa taxi.

"Sa bahay," he answered.

Nanlaki ang mata ko. Sa bahay nila? Malamang nandoon ang parents niya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ano ang gagawin ko sa harap ng parents niya.

The taxi stopped in front of a simple bungalow house. Its paint is classical white. Mukhang bago pa ang bahay na ito. May black na gate sa harapan. May mga klase-klase pa na mga tanim sa labas.

"Vaughn, nandito ba ang magulang mo?" Paninigurado ko.

"Oo. Nandito din ang dalawa kong kapatid. Bakit?"

"Nakakahiya kasi," I uttered.

Binuksan ni Vaughn ang gate ng bahay nila at hinintay akong pumasok.

"Huwag kang mahiya," he said. "Let's go inside?"

I took a deep breath and nodded.

Vaughn's mom opened the door and welcomed us. She immediately smiled and hugged Vaughn tightly. Gumanti din ng yakap si Vaughn.

"Namiss kita, anak!" His mother exclaimed happily.

Bumitaw na si Vaughn sa pagkayakap.

"Namiss din kita, Ma," Vaughn glanced at me. "Ma, si Jillian."

"Magandang tanghali po," I greeted.

Vaughn's mother smiled at me. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.

"Hi, Jillian! Ako si Helen, ina ni Vaughn," she introduced. "Kumain muna kayo. Nagluto ako ng tanghalian."

Ibinaba muna ni Vaughn ang bag namin sa sala bago kami tumungo sa kusina. Nasa hapagkainan ang Papa ni Vaughn. Napatingin ito sa amin atsaka ngumiti.

Mizpah: JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon