It's been a week since I moved here. My stay here was okay. As usual, nasa loob lang ako ng bahay ko at nababagot na. Lumalabas naman ako pero sa rooftop lang. Wala kasi akong alam na pwedeng mapuntahan dito sa San Fernando.
Lumabas ako sa apartment. I saw children playing outside and may mga may edad na mga babae na nagkwe-kwentuhan naman sa labas. Gumaan ang loob ko nang nakitang wala ang mga tambay.
Napatingin ako sa pintuan ni Vaughn. I think he's off to work already since it's already eleven. For the past days, hindi ko nakita si Vaughn. Sa tingin ko ay maaga siyang aalis at matagal siyang uuwi.
After I stared at his door, bumaba na ako at naglakad na papunta sa labas ng gate. I think pupunta nalang ako sa binilihan namin ni Vaughn ng mga gamit para sa apartment ko para may mapasyalan ako kahit paano at para tumingin-tingin ng mga gamit.
But where and how can I hail transportation here?
May tumigil na isang puting sedan sa harap ko. The windows were rolled down. Chad was smiling.
"Saan ka, Jillian? Ihahatid na kita."
Ngumiti ako at pumasok sa sasakyan.
"Thank you, Chad."
Isinuot ko ang seatbelt at sinabihan siya kung saan ako papunta.
"May bibilhin ka ba doon?" He asked.
Nakatingin lang kami sa daan.
"Actually, bored na talaga ako sa apartment at iyon lang ang lugar na alam ko dito," I said. "Magtitingin-tingin nalang siguro ako doon para naman malibang ako."
He glanced at me in a bit and then he focused on the road.
"Bago ka lang ba dito sa San Fernando?" He asked.
"Yes. I actually wanted to explore here but I can't think of anyone who can come with me."
Biglang sumagi sa isip ko si Vaughn.
"I can come with you. Wala din naman akong magawa sa bahay," he said while smiling.
Thank goodness at hindi na ako mabubulok sa apartment. And I really think it's a good idea since he has a car.
"That sounds good."
"Nga pala, taga saan ka ba talaga?" He asked.
I looked at him.
"Taguig. I came here for vacation," I lied.
He laughed.
"Taray mo naman magbakasyon. Nagre-rent ka pa talaga ng apartment. May mga hotel at inn naman dito."
"Medyo matatagalan pa kasi ako dito," I answered.
Tumango siya.
"You must be so stressed from your work."
"I'm still studying. Matured na ba talaga ang mukha ko para masabihan mo na nagta-trabaho na ako?"
Tumawa kaming dalawa.
"Sorry. Hindi ka naman mukhang matured. Don't worry," natatawang sabi niya. "Let's have lunch first."
Tumango naman ako at itinuon ang paningin sa daan. We stopped at a restaurant called Cuisina. Bumaba na kami ni Chad at tumungo sa loob.
Naghanap kami ng table at umupo. Magkaharap kami ni Chad ngayon. He smiled at me before he read the menu. Napatingin ako sa menu.
"I'll order this," sabi ko sa waitress.
Nag-order na din si Chad ng sa kanya. Habang naghihintay kami sa pagkain namin, he talked to me about the places we should visit here in San Fernando.
BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romance1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.