It's already our last day here in Laoag. Babalik na kami sa La Uñion bukas dahil babalik na si Vaughn sa trabaho sa makalawa. Even though three days lang kami dito, na-enjoy ko parin ang mga lakad namin.
Kahapon, we stroll around the city. We didn't miss all the historic places and houses here in Ilocos Norte. At syempre, hindi pwedeng mawala ang mga pagkain dito. We try almost all of the delicacies here.
I will surely miss this place. I will come here again soon and I hope na kasama ko parin si Vaughn sa panahon na iyan. Lahat ng mga nangyari dito sa lugar na ito ay hindi ko talaga malilimutan.
I'll forever treasure all the moments of this trip.
Gabi na at kakatapos lang naming kumain ng hapunan. I presented na ako na ang maghugas ng mga pinagkainan namin as a small way of saying thanks of all the care and help I got from them.
Gusto ko man sanang bayaran sila para sa mga pagkain at iba pang bagay na nagamit ko mula sa kanila pero tumanggi ang magulang ni Vaughn. They said that hindi sila humihingi ng kapalit sa lahat ng bagay na ginawa nila sa akin.
Mas lalong gumaan pa ang pakiramdam ko sa pamilya ni Vaughn, especially his parents. They are so kind and hospitable.
Lumapit sa akin ang ina ni Vaughn habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin.
"Naku, nakakahiya naman at naghuhugas ka ng mga plato. Bisita ka namin dito, Jill." She put down the remaining plates.
I smiled assuredly. "Okay lang po talaga. It's the least I can do. Kulang pa nga ang ginawa ko bilang pasasalamat sa pagpapatuloy at pagpapakain mo sa akin dito sa bahay niyo."
She sighed in defeat. "Sasamahan nalang kita dito para may kausap ka."
"Sige po," I said.
I continued what I'm doing. Nakatayo lang sa gilid ko ang ina ni Vaughn.
"Kilala mo si Marigold diba? 'Yung kaibigan ni Vaughn," she started.
"Opo. Bakit po?" I asked.
"Noong nandito siya kasama 'yung pinsan niya, may sinabi siya sa akin."
Bigla akong kinabahan. Bwisit naman itong si Marigold, kahit hindi namin siya kasama dito, pakiramdam ko ay nandito siya. Palagi nalang siyang nasa usapan.
Tahimik lang ako at patuloy na nakikinig habang naghuhugas.
"Gusto niya raw si Vaughn. Hindi ako tumutol syempre dahil sa kanila na ang bagay na 'yan. Ayaw kong mangialam."
"Ah, ganoon po ba?" I asked without having an eye contact at her.
"Pero sa totoo, Jill... mas gusto kita para kay Vaughn. Parang may kulang kasi kay Marigold. Atsaka 'yung mga asal ni Vaughn kapag kasama ka, hindi niya iyan ginagawa kay Marigold noong nandito sila sa amin noon. Kahit kailan, hindi niya nilagyan ng ulam ang plato ni Marigold, eh hindi nga sila magkatabi sa hapag."
Parang nabuhayan ulit ang loob ko.
I was expecting that palagi silang magkatabi, na sweet sila sa isa't-isa, and even sharing the same bed! Mabuti nalang at hindi nangyari ang mga bagay na iyon.
Because if ever na nangyari iyon lahat, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. For sure, hindi 'yon mabuti.
"Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Vaughn ngayon, susuportahan ko kayong dalawa. Hindi ako tutol sa mga desisyon niyo at sa mga pagdedesisyonan niyo pa."
I stopped and looked at her. I smiled genuinely.
"Thank you po," I said.
Nothing feels better than being accepted by Vaughn's mother. Kahit wala pang assurance kung ano ang relasyon naming dalawa ni Vaughn, I'm sure aabot rin kami sa punto na iyan.

BINABASA MO ANG
Mizpah: Jillian
Romans1.) Mizpah (n.) The deep emotional bond between people, especially those separated by distance or death.